Bumukas ang pinto, agad akong nag-angat ng tingin sa babaeng nakatayo sa pintuan. Nakasuot siya ng simpleng kulay kahel na kamiseta kapares ang puting shorts na abot hanggang tuhod. Nakalugay ang may kahabaan niyang buhok na parating nakapusod, napipinturahan naman ng kulay pula ang kanyang mga labi. "'Lika 'nak. Nand'yan na si Tita Annalisa mo, gusto ka n'yang makita." Malambing man sa pandinig ang lumabas sa kanyang bibig, tinusok naman ang puso ko sa pilit na ngiting nakapaskil sa kanyang maamong mukha.
Last Updated : 2020-09-23 Read more