LOGINA collection of Wattpad writing contest entries. Note: Hindi po talaga ito poetry, wala po kasing "other" na genre kaya iyon na lang po ang pinili ko dahil collection lang naman po ito.
View More"Kung ako ay muling isisilang, ang nais ko'y maging...Matayog ang tindig katulad ng sa kawayan at kasing puti ng garing.
Mayroon akong nais pero hindi nila gusto; mayroon silang nais pero hindi ko gusto.Naghuhumiyaw sa aking isip ang kanilang mga tinig; patuloy, walang-humpay na inuusig ng kanilang sinambit na mga salita.
Nadurog ang mga nagsibagsakang tuyong dahon sa ilalim ng suot na sapatos ng binata. Ang bawat langutngot na ginagawa ay humahalo sa himig ng mga ibong hindi mawari kung nasaan. Pabaling-baling ang ulo nito sa paligid, nilalasap ng paningin ang mga nagsisitaasang puno na walang sawang umiindayog sa bawat hampas ng banayad na hininga ni Vayu, ang Deva ng hangin. Panaka-naka rin ang paghinto nito upang langhapin ang aroma ng mga halaman at mga bulaklak na ilang. Hindi rin nito nakaliligtaang kumuha ng larawan na magsilbing baon pabalik sa siyudad. Hindi alintana na mayroong pares na paningin ang matiyagang nagmamanman sa kaniya.
Nakapulupot ang isang pilak na kadeda sa magkabilang pulsuhan ng bilanggo at ang dulo niyon ay naka-ugnay sa pulsuhan ng kaagapay na mga kawal. Tila namang asong nakasunod ang metal na bolang nakakabit sa kanang paa; matagal-tagal na rin itong umaalulong habang kinakaladkad sa sementadong sahig.Tumigil sila sa isa sa mga pintong nakahilera sa madilim na pasilyo. Tumikwas ang isang kilay nito nang buksan a





