Chapter 3. "Blaine may problema ba?" Napatingin ako kay Thea nang marinig ko ang boses niya. Nandito kami sa resto na pagmamayari ni marga. Lunch ngayon kaya sabay sabay kaming kumain. "Oo nga bea mukang ang lalim ng iniisip mo ah, parang pasan na pasan mo na ang buong mundo. " dagdag ni marga habang sumusubo ng hatdog. Naramdaman ko naman na kinalabit ako ng katabi kong si danny."Tsaka di ka rin pumasok sa klase mo kanina nalaman ko san ka nag punta?" tanong niya. Aish anong sasabihin ko. Malalaman at malalaman nila na hindi ako pumasok. Ano ba yan. Grabe, wala talaga akong matatago sa mga pinsan kong ito. Buti nalang ang pagiging Agent ko ay hindi parin nila alam. "Hindi ka pumasok? Bakit?Ang sipag sipag mo ah, anong nangyari? " ngayon si cassy naman. Natatawa pa siya. Napabuntong hininga nalang ako."Sumama pakiramdam ko kaya di na ko pumasok. " pagsisinungaling ko. Tumango tan
Last Updated : 2020-09-22 Read more