A month later...."ACKKK." Ilang minuto na siyang sukang suka, halos laway na lang ang lumalabas sa bibig niya.Agad siyang nag mumug at nagpunas ng bibig, masama niyang tiningnan ang kaibigan sukang suka na nga siya ang saya saya pa nito."Confirm Buntis ka nga!" Nasa labas ito ng cr at nakadungaw sa kanya.Alam niyang buntis siya dahil narin ilang linggo na siyang delayed at fertile siya that time ng may mangyare sa kanila ni Cevon."Ano? Sa sabihin mo ba sa kanya na nag bunga ang kapusukan niyo?" sasabihin niya nga ba, Alam niyang may karapatan ito sa magiging anak nila, pero takot naman siyang katulad niya ay makatanggap din ang anak ng Denial ng binata, yon ang inaayawan niyang mangyare .Ayaw niyang maranasan ng anak na edenied ito ng sariling ama, hindi pa man nakikita ng anak niya ang mundo ay itatanggi na ito.
Last Updated : 2020-09-28 Read more