Maya-maya pa ay dumating na ang Don, naka wheelchair ito at tulak-tulak ng isang Nurse na lalake. Malaki ang ngiti nito sa kanya habang papalapit ito, siya naman ay tumayo at magalang na bumati."Magandang umaga po! Ako po si Ada, kinagagalak ko po kayong makilala Don Manuel!" pagbati ni Ada."Masaya ako at nakapunta ka Iha. Sa wakas at nagkita din tayo! Sige, Iha maupo ka na habang hinihintay natin ang aking apo na bumaba. Tska pala, wag mo na akong tawaging Don, Lolo na ang itawag mo sa akin, dahil apo na rin kita!" wika ni Don Manuel."Sige po." sumang ayon na lang si Ada."Kamusta na pala ang Papa at Mama mo?" tanong ni Don Manuel."Ok naman po sila, nasa kabilang City po sila ngayon nakatira, at ako po ay... " hindi na naituloy ni Ada ang sasabihin, dahil nakikita na niyang bumababa ang apo ni Don Manuel. Kinabahan siya ng makita ito. Mataas na lalaki, maputi, matangos ang ilong, gwapo at maganda magdala ng damit. Naka long s
Last Updated : 2020-09-30 Read more