AsteriaNagising ako sa init na nararamdaman at sa bigat na parang may nakapatong sa akin, pagkabukas ko ng mata ay nagulat ako sa tumambad sa akin. Nakapatong lang naman si Gray sa akin habang mahimbing na natutulog, naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ko kanina. Mas mabuti kung kakalimutan ko na lamang ang ginawa ko na iyon, dahan dahan ko s'yang inasog sa kabilang side ng kama upang makahinga ako ng mabuti.Hindi tanaw ang sinag ng araw 'rito pero napaka-init at hindi ako sanay sa gano'ng init, nakabukas pa rin ang gasera na nagbibigay ilaw sa buong silid. Dahan dahan akong umupo ng marinig ko si Gray na nagsalita, “Saan ka pupunta?” Tanong nya sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata nya. “Naiinitan ako, pupunta lamang ako sa labas para magpahangin” Wika ko sa kanya, mga ilang minuto ay hindi na s'ya sumagot kaya bababa na sana ako ng bigla nya akong higitin at niyakap ulit, aba sumosobra na ata s'ya ah.
Last Updated : 2020-10-03 Read more