"Ano na naman bang problema niya? Simula ng dumating siya rito sa Ademonian parang nasapian na ng masamang elemento tapos ginawa na naman niya ang bagay na iyon. Kahit kailan talaga ang lalaking iyon hindi nadadala." Iling niya at muling nagbaliktanaw sa nakaraan. "Tan*yna. Sino ba 'yan? Anak ng, kakatulog ko pa lang, e." "Dammier, buksan mo 'to!" tinig mula sa labas ng silid habang patuloy na kinakalampag ang pintuan. "Anak ng—nandito na naman 'to. Araw-araw na lang nambubulabog ang gag*." Nang tuluyang mabuksan ang pinto. "Ano ba, Adminicous? Natutulog ako, ano na naman ba?" iritableng gulo niya sa buhok habang nakapamaywang sa kaliwa. "Mier, help me. Please, pupuntahan ko lang si Seld. Nakuha ko na, oh." Wagayway nito ng hawak na siyang mas ikinagulo niya ng buhok. "Anak naman, Lil' Ad, mapapahamak ka na naman sa ginagawa
Last Updated : 2020-10-04 Read more