Lutang akong naglalakad sa hallway ng bigla kong mabangga ang isang babae, dahilan para matapon ang hawak nitong juice sa damit nya at damit ko. Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang matinis na boses nito."Bitch, hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" sabi nito sabay pamewang sa harap ko."You have no idea how expensive this dress of mine and you just ruined it!"."Sorry po Ma'am." sabi ko dito habang ilang beses na yumoko."Sorry? What will be the use of your sorry, things already happen, tatanga-tanga kasi. You better thank your luck because I'm in hurry right now, because if not ipapasesante talaga kita sa boss mo." sabi nito sabay lakad palayo.Napabuga naman ako ng hangin ng tiningnan ko ang damit ko, dobleng malas naman oh, kanina nakarinig ako ng balyenang sumisigaw dahil sa hindi pa daw ako nakakabayad, tatlong araw lang naman akong delay ah tapos ngayon nakabangga ako ng client. Teka sya yung babae noon sa elevator, yung kinulang
Last Updated : 2020-10-17 Read more