(POV OF Hychii) Nakasakay ako ngayon sa tren, pupunta kasi ako ngayon sa Lavisa. Isang lugar na maraming mga mayayaman ang naninirahan.Pinadalhan ko ng sulat ang aking bestfriend na si Tanya na hintayin niya ako sa babaan ng kanilang lugar.Naramdaman ko na lang na tumigil na ang tren hudyat na narating na namin ang Lavisa. Isang maleta na hindi kalakihan ang aking dinala. Hindi naman ako 'yung tipong tao na maraming dalang baggahe.Bumaba na ako saka nakita ang si Tanya na kumakaway sa akin, agad ko naman siya nilapitan."Maligayang pagdating sa Lavisa, musta ang biyahe?" Bati niya sa akin habang nakangiti.Inaamin ko na maganda ang lugar nila kaysa sa lugar namin na Sunya. Maliit lamang ang aming bayan kumpara sa bayan nila na malaki."Ayos lang naman. Tara na, hindi magandang tingnan na nakaabang tayo dito"
Last Updated : 2020-10-27 Read more