author-banner
iamSanja
Author

Novels by iamSanja

My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)

My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)

Jude Sandejo. Ang pangalan ng lalaking matagal ng pinapangarap ni Victoria Nervaez or Tori for short. Napakabait ng lalaki at higit pa doon ay hindi maikakaila na napakagwapo dahil doon lagi itong nasasangkot sa mga isyu patungkol sa mga babae at 'yun ang kinaiinisan ni Tori. Nasasaktan siya sa twing sinisiraan ang pangalan ng lalaki. Gusto niyang protektahan ito. Ninais niya na makapasok sa mundo nito habang nag-iipon para sa kinabukasan niya kaya nang maghanap ang manager nito ng assistant ay wala siyang atubiling nagpasa ng mga dokumentaryong kinakailangan para sa trabaho. Isa lang ang patakaran na gusto ng manager nito. Iyon ay bawal mahulog ang loob kay Jude. Mapapanindigan niya kaya ito? Makakaya niya kayang pigilan ang damdamin lalo pa ngayon na makakasama niya ang lalaking dati ay sa telebisyon niya lang nakikita? Sa tingin niya oo.. Alam niya ang lugar niya.. He's an Idol and she's just an assistant. Mapipigilan niya.. Sana..
Read
Chapter: Chapter Five
ALAS-KWATRO na ng hapon pero nakahiga pa rin si Tori sa kaniyang kama. Tulala at walang gana habang nakatingin sa kisame ng silid nilang dalawa ni Cass. Agad siyang dumiretso sa kanilang silid at nagkulong. Nawalan siya ng interest na makisalamuha sa mga katrabaho niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang naubusan ng lakas. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin siya maka-recover sa mga nalaman at nasaksihan sa studio. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa kaniyang noo kapagkuwan ay napabuntong hininga. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga nasaksihan at isa na ro’n ang magaspang na pag-uugali ng idolong si Jude. Hindi niya akalain na may lalabas na mga masasakit na salita sa bibig nito. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin niya matanggap na kayang manggano’n ng lalaki na tila ba walang pakialam kung anong mararamdaman ng ibang tao.She's having a hard time believing it dahil sa pagkakakilala niya sa lalaki
Last Updated: 2020-09-23
Chapter: Chapter Four
KASALUKUYANG nasa isang sulok si Tori habang nanonood sa mga pinong galaw ng idolong si Jude habang sumusunod ito sa tugtog ng musika na umaalingawngaw sa loob ng studio. Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya sa t'wing naaalala ang nanyari kahapon. Sa unang pagkakataon ay nagkausap silang dalawa ng lalaking matagal na niyang pinapangarap."So ikaw pala ang bago kong PA? Anong pangalan mo?""Victoria Nervaez pero pwede mo akong tawaging Tori.""Tori," napangiti ang lalaki sa kaniya. "I hope to work well with you."Nakangiting napahawak si Tori sa kaniyang mukha dahil pakiramdam niya ang tumaas lahat ng kaniyang dugo sa katawan sa kaniyang mukha dahil bigla na lang 'yon uminit."I hope to work well with you."Bagamat sinabi iyon ng binate sa kaniya na wala man lang kaemo-emosyon ay hindi pa r
Last Updated: 2020-09-23
Chapter: Chapter Three
UNANG ARAW ni Tori sa trabaho bilang personal assistant ni Jude. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naglilinis ng mga uling sa 5 kaldero. Natapos na niyang linisin ang 3 at meron pang dalawa. Nagkamali siya ng isipin na magiging maayos ang pagstay niya sa bahay ng idolo dahil hindi lahat ng tao sa loob ng bahay na 'yon ay pinaramdam na welcome siya dahil harap-harapan na ipinapadarama sa kaniya ni Adrian na kabaligtaran n'un ang nararamdaman nito sa pag-stay niya. Nagtataka na nga siya dahil ang pagiging PA ni Jude ang inapply-an niya at hindi ang pagiging house servant. Halos kaliwa't kanan ang utos nito kay Tori. Hindi naman siya makapagreklamo dahil unang-una ay unang araw niya pa lang at pangalawa hindi niya kayang suwayin ito dahil natatakot siya sa katarayan nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay. Kada minutong lumilipas ay siya ang tinatawag ni Adrian para lang utusa
Last Updated: 2020-09-23
Chapter: Chapter Two
"GATHER EVERYONE!" masiglang sigaw ng baklang kasama ni Tori. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan nito dahil hindi naman siya nito kinausap at gaya ng gusto nito ay sinundan niya ito hanggang sa makapasok sa isang silid malapit sa conference room na pinagmeeting-an nila ng boss niya. It was an empty room fillled with glass walls at may makintab na sahig.Napansin niya ang apat na tao na naroon sa loob. Isang babae at tatlong lalaki na busy sa mga kaniya-kaniyang ginagawa."Magkakaroon tayo ng panibagong kasamahan…” pag-aanunsiyo ng kasama kapagkuwan ay turo sa kaniya. Binitawan niya ang dalang mabigat na maleta saka binigyan ng ngiti ang magiging bago niyang mga kasamahan."Hello ako nga pala si
Last Updated: 2020-09-23
Chapter: Chapter One
"A MAN WITH A BROKEN PROMISE. A Solo Artist from DREAMEDIA AGENCY had call off his wedding to his fiancée with the fact that he was caught cheating with an actress from the other network…” Napabuntong hininga si Victoria nang makita ang litrato ng lalaking matagal na niyang hinahanggaan sa dyaryong hawak. Jude Sandejo. Nasa front page na naman kasi ito ng isang dyaryo at unfortunately ay dahil na naman sa isang masamang balita. Kung iisipin ay hindi naman iyon bago sa mundo ng showbiz. Kapag sikat ka gagawan ka ng bagay na ikakasira mo either para pasikatin ka pa o pabagsakin ngunit hindi niya mapigilan ang mainis dahil lagi na lang nasa peryodiko ang kaniyang idolo at kung ano-anong paninira ang
Last Updated: 2020-09-23
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status