Share

My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)
My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)
Author: iamSanja

Chapter One

Author: iamSanja
last update publish date: 2020-09-23 22:45:44

"A MAN WITH A BROKEN PROMISE. A Solo Artist from DREAMEDIA AGENCY had call off his wedding to his fiancée with the fact that he was caught cheating with an actress from the other network…”

Napabuntong hininga si Victoria nang makita ang litrato ng lalaking matagal na niyang hinahanggaan sa dyaryong hawak.

Jude Sandejo.

Nasa front page na naman kasi ito ng isang dyaryo at unfortunately ay dahil na naman sa isang masamang balita. Kung iisipin ay hindi naman iyon bago sa mundo ng showbiz. Kapag sikat ka gagawan ka ng bagay na ikakasira mo either para pasikatin ka pa o pabagsakin ngunit hindi niya mapigilan ang mainis dahil lagi na lang nasa peryodiko ang kaniyang idolo at kung ano-anong paninira ang ibinabato ng mga walang magawa sa buhay upang sirain ang pangalan ng kaniyang mahal na idolo. Kadaayos ng isang isyu ay may lalabas na namang panibago.

Nung nakaraang linggo nga ay nakipag-away pa siya sa mga bashers ng lalaki dahil sa isang isyu to the point na nakipagsabunutan pa siya sa babaeng nagsabi na playboy ang idolo. Hindi niya tinantanan 'yun. Nireport rin niya ang mga social media account na nagpopost ng kung ano-ano tungkol sa lalaki ng ilang beses para tumigil. Tapos ngayon ay ito na naman!

Hindi na nila tinantanan ang Jude ko! paghihimutok niya.

Kilala niya ang lalaki not personally but as an avid fan ay alam niyang kilalang kilala na niya ito. Hindi ito gagawa ng mga ganun. Hindi ito manloloko o fuckboy gaya ng sinasabi ng iba. Ni wala nga itong legit na karelasyon sa ibang babae dahil kung meron man ay siya ang unang makaka-alam n’on.

She was a die hard fan of him since his training days. She knows all about him and is updated always.

"Anetchiwa nangyari sa feslak mo Tori para kang iniwan ng jowa kahit wala ka naman n’on." Nilingon niya ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa kaniyang likuran.

Nakita niya ang kaniyang beshy na si Shin na kasalukuyang nakapamewang habang nakataas ang bagong ahit na kilay sa kaniya. Nakasuot ito ng mini skirt at crop top at napakagulo ng buhok na akala mo ay sumabak sa gera. Para itong si Harley Quin sa uri ng pananamit nito. Napaismid siya. Hindi na siya nag-abala pa na magbigay ng komento tungkol sa suot nito dahil iisa lang naman ang isasagot ng kaibigan sa kaniya. Ito raw ang kaniyang style.

Shin Del Rosario, ang bestfriend niya mula pa noong una niya itong nakita na kumukuha ng bunga ng puno ng mangga sa likuran ng kanilang bahay noong maliit pa lang siya at ang nag-iisa niyang bestfriend. Sa sobrang closeness nila ay hindi sila nito mapaghiwalay kumbaga BESTFRIEND FOREVER. Her bestfriend even came with her nang lumuwas siya ng Manila para mag-aral, share sa lahat ng gastusin for the past 4 years, sa bahay, tubig at pagkain at ngayon nga ay parehas na silang tapos sa mga tinahak nilang kurso. She’s in education and her best friend took accountancy.

Imbis na sagutin ang tanong ng kaibigan ay itinaas lang ni Victoria ang hawak-hawak na dyaryo para ipakita sa kaibigan. Agad itong napasimangot.

"Kyoket pa kasi ako nagtanong?" masungit na anito sabay hablot ng dyaryo mula sa kaniya. Lalo siyang napasimangot.

Minsan ang rude talaga nitong babae 'to. Hayst.

"E iisa lang naman tao ang nakakapagpasama sa mood mo! Si Fafa Jude!" eksaherada niyang dagdag sabay tingin sa nakasulat sa headline. "Ay anetch itech? Ang chaka naman nitong hipon na chamelitang ito. Ang lakas niyang magsabi na fiancee siya si fafa Jude," saad nito saka muling tumingin sa kaniya.

"Nakakalurky! Manloloko raw e baka siya ang nanloloko sa sarili para isipin na papatulan siya ni fafa mo," komento nito habang binabasa ang balita tungkol sa lalaki.

"Sinabi mo pa," inis na komento niya kapagkuwan ay bumuntong hininga.

"Wiz mong sabihin na magpapapekto ka sa sinasabi ng chaka na 'yan. Halata namang Pureta Malaviga kaya gumagawa ng issue para mabayaran," saad sa kaniya ng kaibigan sabay upo sa harapan niya.

Napailing na lang siya sa sinasabi nito. Minsan ay hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi ni Shin dahil sa paggamit nito ng gay language.

Take note babae po siya mahilig lang siya sa gay language kaya 'yon na ang ginagamit niya. Ang astig daw para sa kaniya.

Kinuha ni Tori ang dyaryo mula sa kaibigan kapagkuwan ay isinilid iyon sa bag. Kung mananatili siya sa bahay ay malalate na siya sa meeting niya.

"Saan ang lakad mo?" kunot noong tanong ng kaibigan.

"May meeting ako sa employer ko."

Tinaasan siya ni Shin ng kilay habang binibigyan ng isang mapanuring tingin.

"Don't tell me. Nagpasa ka ng resume mo d'on," may inis sa tonong tanong nito. Nagkibit balikat lamang si Victoria sa kaibigan. Alam naman nito kung saan ang lakad niya ngayon. Sinabi niya na ito sa kaibigan two days ago. Iyon nga lang ay against ito sa plano niya.

"Ay lukring!!" singhal ni Shin nang makompirma ang hinala ng hindi siya sumagot. "Nagtapos ka ng bachelors degree para lang maging julalay?" Hindi ito makapaniwala.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Wala namang masama doon. Maganda naman ang offer nung manager. Libre ako sa pagkain at tirahan. For a starter lang naman since newly graduate tayo. Isa pa hired na ako tatangihan ko pa ba?”

Nakita niya kasi sa isang post sa social media na looking for personal assistant ang manager ng idolo. Sumubok lang naman siya na magpasa ng resume and to her luck ay siya ang nakuha. Nasa 7k ang sahod every month, may allowance pa, free lounge, and food. Kaya pwede na rin. Sayang naman ang opportunity at pera din 'yon. Makakatulong na siya sa pamilya niya makakapag-ipon na rin siya. Iyon ang kaniyang katwiran kaya niya tinanggap ang opurtunidad na dumating.

"Pasok sa banga! Newly graduate ka so dapat sa field mo ikaw mag-apply. Malaki ang tsansa mo na makapasok dahil nag-graduate ka with flying colors at passer ka na tapos sa pagiging chimini-a ka papasok?" pagpupumilit pa rin ng kaniyang kaibigan. Kitang-kita ang pagdisgusto sa mukha nito. Tutol na tutol talaga ito. Napabuntong hininga siya.

"Magiging assistant lang ako at isa pa wala namang masama sa pagiging katulong, Shin. Remember katulong ang mama ko at nakapagtapos ako dahil d'on."

"Antibiotic na gulay! Gusto mo lang dahil naroon 'yang fafa Jude mo! Sinasabi ko saiyo Victoria, umayos ka. Kekerengkeng ka lang! Hmph."

Pinaikot ni Tori ang kaniyang mata sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman siya na-offend sa mga sinasabi nito. Sanay na rin siya sa talas ng dila ng kaniyang beshy and she knew concern lang ito sa kaniya but she has a reason. Gusto niyang makapag-ipon at nakikita niya ang magandang chance na ito to also protect Jude from his bashers. She can protect him more kung makakasama niya ito.

"The contract lasts for 6 months. Give me that time beshy. Mag-iipon lang ako dahil gusto kong mag-aral ulit. H'wag kang mag-alala hahatian pa rin kita sa renta dito sa bahay," ngiti niyang ani. Six months, iyon ang sinabi sa kaniya ng secretary ng manager ni Jude.

Plano niya na kumuha ng MA kaya lang wala pa siyang pera na pang-enroll at nakita niya itong magandang opportunity. She can divide her payment. To her study and to her family.

Lumapit sa kaniya si Shin kapagkuwan ay malakas na binatukan siya. "Gaga! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam mo naman na meron na rin akong trabaho dahil kinuha ako ng kumpanya kung saan ako nag-OJT," kunot noong saad nito sa kaniya. Hindi na siya umimik at hinayaan niya lang itong simangutan siya.

Ilan pang sandali ay napabuntong hininga na lang ang kaibigan. Alam niyang suko na ito. Wala naman kasi itong magagawa once na nakapag-decide na siya. Hindi niya nga maintindihan kung bakit nag-aksaya pa ito ng boses sa panenermon sa kaniya. "Alam ba 'yan ng pudra at mudra mo?" tanong nito. Napaiwas siya ng tingin.

"There's no need for them to know," sagot ko.

Papa will just stop me for sure, saad ng kaniyang isip.

Ayaw ng kaniyang ama na mag-apply siya sa ibang trabaho bukod sa tinapos na kurso. Sinabi na ito sa kaniya ng kaniyang papa bago pa man sila umalis sa kanilang probinsiya. Hindi niya maintindihan kung anong rason nito. Wala namang masamang sumubok ng iba.

"Zsa Zsa Padilla. Gumora ka na baka ma-late ka pa sa meeting mo ng eclavu mo. Basta sabihin mo sa akin kung epek lang ah,” anito na may nag-aalalang mga mata. Napangiti si Victoria.

"Oo naman. Kaya ko 'to. Gaano ba kahirap maging isang assistant?"

PABAGSAK NA INILAPAG ni Esme ang dyaryong naglalaman ng isa na namang issue ng isa sa kaniyang alaga. Naiirita niyang binalingan ng tingin ang lalaking kasalukuyang prenteng nakaupo sa swivel chair sa harapan niya. As usual ay nakasalpak ang earphones sa mga tainga at parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

"Jude wala ka man lang bang sasabihin? Kakaayos lang ng isyu mo with Kathy last week tapos meron na naman? At ano bang gusto niyang si Jen? Wala talagang utang na loob ang babaeng 'yon. Matapos ko siyang kupkupin ganito ang ibabalik niya sa akin!" gigil na gigil na anas ng ng babae. Nag-iinit talaga ang dugo niya! Matapos niyang bigyan ng trabaho at kupkupin ang ahas na iyon ay ito ang igaganti sa kaniya.

"Let her Ate Esmeralda," malamig na tugon ng lalaki sa kaniya saka ipinikit ang mga mata nito, sumandal sa swivel at akmang matutulog.

Lalong nag-init ang ulo niya. "Ano bang gusto talaga niya Jude? Binibigyan ko na nga ng perang pangtapal sa bunganga niya. Ayaw pang tanggapin! Just let me know kung meron ba siyang gusto na sinabi niya sayo para maibigay ko,” desperadang aniya.

Marami na siyang isinakripisyo para lang mapasikat ang kaniyang alaga tapos masisira lang ng kung sino? Hindi niya iyon mapapayagan.

She heard him sighing. "Ipapamigay mo ako?" he said nonchalantly. Walang emosyon nitong sinalubong ang kaniyang mga tingin.

Akmang magsasalita na sana si Esme nang dumungaw sa pintuan ng kaniyang opisina ang sekretarya niya. "Ma'am narito na po si Ms. Nervaez." Pinaningkitan ni Esme ng tingin si Jude. "Hindi pa tayo tapos sa usapang 'to. Babalik ako."

Hindi ito nagsalita bagkus ay muli lang nitong ipinikit ng lalaki ang mga mata at hindi na lang siya pinansin. Napabuntong hininga na lang si Esme kapagkuwan ay napahawak sa kaniyang noo. Sumasakit na naman ang kaniyang sentido.

"I'll just handle that stubborn later," bulong niya sa sarili. Pagkatapos ay isinara na niya ang pintuan ng silid.

Ilang beses siyang nagbuntong hininga saka inayos ang kaniyang blusa bago nagtungo sa conference room kung nasaan ang newly hire niyang assistant na siya niyang ipapalit kay Jen.

I just hope she's different from the last. Sana hindi niya ako bigyan ng sakit ng ulo gaya ng ibinigay sa akin ng walang utang na loob na babaeng iyon.

Nang makapasok sa loob ng conference room ay agad na bumungad sa kaniya ang isang babae. Nakasuot ito ng t-shirt at faded skinny jeans. Naka-bun ang buhok samantalang ang kulay nito ay typical na kulay ng isang pinay.

Mukha naman mabait. Simple din ang itsura kaya di ako nag-aalala na magustuhan ito ng alaga ko.

Rude man pero iyon ang dapat. Hindi sa nanghuhusga siya. Business and love don't go well together. Gumugulo kasi ang mundo kapag involved na ang salitang LOVE. Proven niya na 'yon.

Ngayon niya lang makikilala ang babaeng magiging personal assistanet ng kaniyang alaga dahil ang head ng HR ng agency kung saan sila nagtratrabaho ang siyang nag-interview dito but then nakita na naman niya ang resume ng babae kagabi. Nagtapos ito sa kursong edukasyon at passer na sa board exam. Sana lang talaga hindi siya nito bigyan ng wrinkles. Victoria Nervaez.

"Good morning Ms. Nervaez," pagbati niya sa babae.

"Uhm. What do you prefer to call you? On your name or on your surname?" tanong niya. Gusto niyang bigyan ito ng choice kung anong itatawag niya rito. In that way she will be comfortable around her.

"Just Tori, Ma'am," ngiting anito habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa mga hita nito. Ramdam niya na kinakabahan ang babae. Umupo siya sa tabi nito at saka binigyan ito ng isang simpleng ngiti.

"Tori,” pag-uulit niya. Lumawak ang kaniyang pagkakangiti. "And you can call me Ate Esme, Tori." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ng babae na agad naman nitong tinanggap. She’s at ease hmm that’s good.

"So we are going to have an orientation and contract signing today then after that you’re going to the house where you will stay. Siyanga pala dala mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Esme kay Tori.

Nagsalubong ang noo niya ng umiling ang babae. She thought nasabihan na ito ng sekretarya niya na magdala na ng gamit dahil required sa trabaho nito na tumira kasama ng aalagaan nito. Isa ‘yon sa terms na nasa kontrata na pipirmahan ng babae. Esme tried herself not to sigh.

"Well that's okay. You can go home after our meeting then kontakin mo na lang ako para mapasundo kita sa address mo,” suhestyon niya. Wala na rin naman siyang pagpipilian. She needs to talk her secretary. Kulang-kulang ang ibinigay nitong impormasyon.

"Salamat po,” nahihiyang tugon nito.

Isang munting ngiti lang ang naging tugon niya rito. Hmm. Too polite.

Kinuha ni Esme ang isang puting folder saka inilapag iyon sa harap ng Tori. Binuklat naman ito ng babae.

"Alam mo naman ang magiging trabaho mo right? Ikaw ang magiging personal assistant ni Jude Sandejo, one of the fast rising idols in our time so kailangan mong alagaan siyang mabuti. Apparently he can't do it due to his hectic schedules so you will attend to all he needs whether he is in a fan meeting, in studio, tv shows, concerts, and especially in home. You are also going to live with him but don't worry there will be several people na kasama niyo rin sa bahay. I hope you are aware of that," paliwanag niya. Tumango naman ang babae bilang sagot kaya nagpatuloy siya.

"Basta kung nasaan si Jude dapat naroon ka rin. That's your primary obligation. Understood?"

"Yes ma'am," attentibong wika ng babae. Mas lalong napangiti si Esme. Bibo ang bagong niyang nakuhang assistant. Na-impress siya rito. Sana nga lang ay hindi iyon magbago. With her jolly attitude, I hope she can help Jude to change.

"And since titira ka with Jude, may mga rules ako na dapat mong sundin,” panimula ni Esme sa maselang bahagi ng orientation na ginagawa niya. Matiim na nakatingin naman sa kaniya si Tori na hinihintay ang susunod nyang sasabihin.

"Bawal kang main-love kay Jude,” aniya.

"Once na nalaman ko na nahulog ka kay Jude automatic fired ka. Masyado ng sumasakit ang ulo ko sa mga assistant na tinatanggap ko at sa huli ay problem lang ang ibinibigay sa akin kaya tatanungin na kita ngayon. Nag-apply ka ba dahil may gusto ka kay Jude? Answer me honestly."

LUMAKAS ang tibok ng puso ni Tori sa narinig na tanong ng manager. Nagtaka siya kung bakit kasama ang ganoong klase ng tanong sa meeting nila samantalang signing of contract at orientation iyon at hindi interview.

Huminga ng malalim si Tori bago sumagot. "Wala po,” pagsisinungaling niya pero sa kaniyang loob, umaasa na sana ay di nito mahalata.

Masama ang magsinungaling alam niya pero ayaw niyang matanggal agad sa trabaho ni hindi pa nga niya nasisimulan. She badly needs it for her sake and for Jude too. She needs to protect him. Ilang segundo siyang matamang pinagmasdan ng manager bago nagsalita.

"Okay so what is your purpose of wanting the job? Being an assistant of a celebrity is a tough work and I saw your papers. Maganda naman ang mga iyon bakit ‘di ka mag-apply sa field mo mismo? You can earn double of what you will get here."

Pinigilan ni Tori na mapairap dahil sa narinig. Parang ganito rin ang narinig kong sermon sa akin ni Shin kaninang umaga.

Tumikhim siya. "I want this job because I need it. Kailangan kong mag-ipon dahil binabalak ko pong mag-aral ulit and I see this job as a break for me to reach it,” aniya. One of my reasons.

Tumango ang babaeng nasa harapan niya kapagkuwan ay ngumiti na naman sa kaniya. Kanina pa niya napapansin na panay ang ngiti nito sa kaniya. Not that she doesn’t like it kasi pwedeng magandang senyales ‘yon para sa kaniya.

"But what I mean is you know you can get that from your field. Bakit hindi ka sa field mo mag-apply?"

"Kailangan ko pa po ng kapital para makapasok sa field ko. Napakarami ko pong competitors na mas marami na ang credentials kesa sa akin. I need one too. Kailangan ko rin makakuha ng credentials para lumaki ang chance ko na makapasok,” mahabang paliwanag ni Tori. The woman hummed while nodding and somehow Tori felt relieved. Mukhang nagiging smooth ang lahat para sa kaniya.

"I'm starting to like you,” anito sa mga sinabi niya. Kapagkuwan ay inilapag sa harapan niya ang isang kulay itim na ballpen pati na ang isang folder na asul. "Okay you can sign now in this contract. It would last for 6 months then after that you can ask for renewal kung gusto mo pang mag-stay,” maaliwalas na mukhang ani nito hindi gaya ng nakalipas na minuto nung tinatanong siya nito. Kinuha ni Tori ang ballpen saka nilagyan ng lagda ang kasunduan matapos na ito ay basahin ng mabuti.

"Okay, I’ll tell Wesley to give you a ride para makuha ang mga gamit mo. Isa rin siya sa mga makakasama mo sa bahay and here's your allowance for the month," masayang saad ng kaniyang boss sa kaniya sabay abot ng iaang puting sobre. Wow. Agad-agad? Komento ng kaniyang utak saka tinanggap ang pera.

"Maraming salamat po."

Maswerte siya sa nakuhang trabaho. Nakuha niya agad ang allowance niya.

"So see you around? May kailangan pa kasi akong asikasuhin. Alam kong ‘di lingid sa kaalaman mo na may kinakasangkutan ang aalagaan mo. Sana ‘di kita na-offend sa tanong ko kanina. I just want to make sure na walang hidden intention ang mga tinatanggap ko sa trabaho. Madalas kasi lahat ng nag-aapply na assistant ng alaga ko ay may gusto kay Jude. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko ang gulo na katulad ng nangyayari ngayon,” saad ng manager. Tori nodded.

"I understand ma'am. Its good to prevent an issue before it even started."

Besides hindi naman ako manggugulo katulad ng iba. All I want is to protect Jude by all means.

"Right so see you around again. I got to go first,” pagpapaalam ng manager saka siya iniwang mag-isa sa loob ng conference room. Nang mailapat nito ang pintuan ay saka lang siya napabuntong hininga. It was a sigh of relief. Masaya siya dahil nalaman niya na todo ingat ang management ng idolo niya para sa welfare nito. Talagang inaalagaang si Jude ng mabuti.

Makalipas ng ilang segundo ay inayos naman niya ang kaniyang mga gamit bago lumabas ng conference room.

Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang tumigil ang kaniyang mundo nang makita ang lalaking dati'y pinapangarap lang niyang makita sa personal.

"Jude,” mahinang sambit niya. Tila narinig naman iyon ng binata ng tumingin ito sa direksyon niya bago tuluyang pumasok sa elevator.

Ang una naming pagkikita makalipas ng maraming taon…

Akmang susundan ito ni Tori nang may biglang humarang sa kaniyang dinaraanan.

"At saan sa tingin mo ikaw pupunta?" mataray na saad ng isang bakla sa kaniya. Alam na niya ang gender nito sa uri ng pananalita nito sa kaniya. Sasagutin niya sana ito nang maunahan siya nitong magsalita ulit.

"Ikaw yung new hired assistant di ba? Oh ito dalhin mo,” utos nito sa kaniya sabay bigay sa kaniya ng isang matabang suite case na kulay gray.

Muntikan niya pa ‘yon mabitawan dahil sa bigat. "Dahan-dahanin mo naman ang pagbitbit. Mamahalin ang mga make-up na nasa loob n’an. ‘Di mo kering bayaran," galit na sigaw nito sa kanya. Sabay talikod sa kaniya at naunang maglakad taliwas sa direksyon na pinuntahan ng lalaking idolo.

Napabuntong hininga siya sa sobrang bossy nito. Binalingan niya muli ng tingin ang pinuntahan ng lalaki ngunit wala na ito. Nakasakay na marahil sa isang elevator. Tori then exasperatedly sighed. He looked at me when I called him.

Lumapat ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib at pinakiramdaman ang pagwawala ng kaniyang puso na tila ba gustong makawala sa kaniya.

Their eyes met for seconds and her heart can’t calm down. Tori clenched her fists.

"I will face you soon, Jude."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)    Chapter Five

    ALAS-KWATRO na ng hapon pero nakahiga pa rin si Tori sa kaniyang kama. Tulala at walang gana habang nakatingin sa kisame ng silid nilang dalawa ni Cass. Agad siyang dumiretso sa kanilang silid at nagkulong. Nawalan siya ng interest na makisalamuha sa mga katrabaho niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang naubusan ng lakas. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin siya maka-recover sa mga nalaman at nasaksihan sa studio. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa kaniyang noo kapagkuwan ay napabuntong hininga. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga nasaksihan at isa na ro’n ang magaspang na pag-uugali ng idolong si Jude. Hindi niya akalain na may lalabas na mga masasakit na salita sa bibig nito. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin niya matanggap na kayang manggano’n ng lalaki na tila ba walang pakialam kung anong mararamdaman ng ibang tao.She's having a hard time believing it dahil sa pagkakakilala niya sa lalaki

  • My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)    Chapter Four

    KASALUKUYANG nasa isang sulok si Tori habang nanonood sa mga pinong galaw ng idolong si Jude habang sumusunod ito sa tugtog ng musika na umaalingawngaw sa loob ng studio. Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya sa t'wing naaalala ang nanyari kahapon. Sa unang pagkakataon ay nagkausap silang dalawa ng lalaking matagal na niyang pinapangarap."So ikaw pala ang bago kong PA? Anong pangalan mo?""Victoria Nervaez pero pwede mo akong tawaging Tori.""Tori," napangiti ang lalaki sa kaniya. "I hope to work well with you."Nakangiting napahawak si Tori sa kaniyang mukha dahil pakiramdam niya ang tumaas lahat ng kaniyang dugo sa katawan sa kaniyang mukha dahil bigla na lang 'yon uminit."I hope to work well with you."Bagamat sinabi iyon ng binate sa kaniya na wala man lang kaemo-emosyon ay hindi pa r

  • My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)    Chapter Three

    UNANG ARAW ni Tori sa trabaho bilang personal assistant ni Jude. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naglilinis ng mga uling sa 5 kaldero. Natapos na niyang linisin ang 3 at meron pang dalawa. Nagkamali siya ng isipin na magiging maayos ang pagstay niya sa bahay ng idolo dahil hindi lahat ng tao sa loob ng bahay na 'yon ay pinaramdam na welcome siya dahil harap-harapan na ipinapadarama sa kaniya ni Adrian na kabaligtaran n'un ang nararamdaman nito sa pag-stay niya. Nagtataka na nga siya dahil ang pagiging PA ni Jude ang inapply-an niya at hindi ang pagiging house servant. Halos kaliwa't kanan ang utos nito kay Tori. Hindi naman siya makapagreklamo dahil unang-una ay unang araw niya pa lang at pangalawa hindi niya kayang suwayin ito dahil natatakot siya sa katarayan nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay. Kada minutong lumilipas ay siya ang tinatawag ni Adrian para lang utusa

  • My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)    Chapter Two

    "GATHER EVERYONE!" masiglang sigaw ng baklang kasama ni Tori. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan nito dahil hindi naman siya nito kinausap at gaya ng gusto nito ay sinundan niya ito hanggang sa makapasok sa isang silid malapit sa conference room na pinagmeeting-an nila ng boss niya. It was an empty room fillled with glass walls at may makintab na sahig.Napansin niya ang apat na tao na naroon sa loob. Isang babae at tatlong lalaki na busy sa mga kaniya-kaniyang ginagawa."Magkakaroon tayo ng panibagong kasamahan…” pag-aanunsiyo ng kasama kapagkuwan ay turo sa kaniya. Binitawan niya ang dalang mabigat na maleta saka binigyan ng ngiti ang magiging bago niyang mga kasamahan."Hello ako nga pala si

  • My Strange Hero: Jude Sandejo (The Drop-dead Idol)    Chapter One

    "A MAN WITH A BROKEN PROMISE. A Solo Artist from DREAMEDIA AGENCY had call off his wedding to his fiancée with the fact that he was caught cheating with an actress from the other network…” Napabuntong hininga si Victoria nang makita ang litrato ng lalaking matagal na niyang hinahanggaan sa dyaryong hawak. Jude Sandejo. Nasa front page na naman kasi ito ng isang dyaryo at unfortunately ay dahil na naman sa isang masamang balita. Kung iisipin ay hindi naman iyon bago sa mundo ng showbiz. Kapag sikat ka gagawan ka ng bagay na ikakasira mo either para pasikatin ka pa o pabagsakin ngunit hindi niya mapigilan ang mainis dahil lagi na lang nasa peryodiko ang kaniyang idolo at kung ano-anong paninira ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status