LOGINUNANG ARAW ni Tori sa trabaho bilang personal assistant ni Jude. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naglilinis ng mga uling sa 5 kaldero. Natapos na niyang linisin ang 3 at meron pang dalawa. Nagkamali siya ng isipin na magiging maayos ang pagstay niya sa bahay ng idolo dahil hindi lahat ng tao sa loob ng bahay na 'yon ay pinaramdam na welcome siya dahil harap-harapan na ipinapadarama sa kaniya ni Adrian na kabaligtaran n'un ang nararamdaman nito sa pag-stay niya. Nagtataka na nga siya dahil ang pagiging PA ni Jude ang inapply-an niya at hindi ang pagiging house servant.
Halos kaliwa't kanan ang utos nito kay Tori. Hindi naman siya makapagreklamo dahil unang-una ay unang araw niya pa lang at pangalawa hindi niya kayang suwayin ito dahil natatakot siya sa katarayan nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay. Kada minutong lumilipas ay siya ang tinatawag ni Adrian para lang utusan ulit kahit hindi pa man siya tapos sa ginagawa. Walang shedule ang kaniyang alagang si Jude sa araw na iyon kaya naman nanatili silang nasa loob ng bahay at nagpapahinga. Well. Good for them not for me.
Alam niyang pinag-iinitan siya ni Addy kaya siya lang ang palagi nitong inuutusan kahit na free naman ang iba na gawin ang inuutos nito. Marahas na napabuntong hininga si Tori. Hindi pa man natatapos ang kalhating araw ay ramdam na ramdam na niya ang pagod. Wala namang problema sa kaniya na gumawa sa bahay kaya lang sana naman ay bigyan siya nito ng kahit kaunting break.
Muli siyang napabuntong hininga. "Tori?"
Napalingon siya nang bigla umibabaw ang boses ni Cass sa kaniyang likuran. Magkasalubong ang dalawang kilay at halata ang pag-aalinlangan at paghingi ng paumanhin. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti saka panandaliang hininto ang paglilinis niya.
Lumapit ang babae sa kaniya saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso. "Kanina ka pa nagtratrabaho. Pahinga ka na muna,” anito saka atsang hihilahin siya palabas ng kusina ng pigilan niya ito.
"Mamaya na siguro, Cass. Hindi pa ako tapos eh. May dalawa pa akong lilinisin,” sagot niya saka binawi ang braso sa pagkakahawak nito. Isa pa mapagalitan ako ni Addy. Nais niyang idagdag ngunit madali niyang pinigilan ang sarili. "Gusto mo tulungan kita?"
Sunod sunod siyang napailing rito. "Okay lang. Dalawa na lang naman ito eh. Kaya ko na,” ngiting saad ni Tori. Napabuntong hininga si Cass. Tila hindi nagustuhan ang sagot niya. Hindi na ito nagsalita at tahimik na lang na nagtungo sa tabi saka kinuha ang isa pang kaldero saka nagsimulang linisin iyon.
Magrereklamo sana siya dahil baka siya naman ang mapagalitan ni Adrian pero pinigilan niya ang sarili nang magsalita ito. "Hindi ako papayag. Pagdating sa bahay since lahat tayo ay nakatira rito. Equal work dapat tayo hindi 'yung sayo lang lahat." Napabuntong hininga ito.
"Pasensiya ka na talaga ah. Unang araw mo pa naman tapos ganito agad. Hayaan mo at pagsasabihan ko si Addy mamaya. Ang lakas ng loob niya na gawin kang utusan porque wala si Wesley," nakangusong anito habang napapa-iling.
Tanging silang tatlo lang nila Adrian at Cass ang natira sa bahay dahil umalis kaninang alas-4 ng umaga ang idolo kasama ang kambal at si Wesley. Ayon kay Cass ay pupunta ang mga ito sa studio para sa praktis at hindi na siya inabalang gisingin. Napanguso siya. Dapat kasama siya ng idolo ngayon kahit na praktis lang ang pupuntahan nito. Hindi ba at iyong ang bilin sa kaniya ng manager nito?
Hindi bale! Lagi ko na lang aagahan ang gising para sa susunod ay makakasama na ako.Sobra ang panghihinayang ni Tori nang hindi maabutan si Jude kanina nang magising siya. Hindi rin kasi niya ito naabutan na umuwi ng nagdaang gabi dahil super late na ito umuwi.
Doon niya lang napagtanto ang hirap ng trabaho ng lalaki. Late na ito matutulog pagkatapos ay maaagang papasok. Halos kung tutuusin ay wala na itong sapat na pahinga. Dadagdagan pa ng problema ng mga fans at anti-fans dahil sa kaliwa't kanang issue. Hindi niya mawari kung papaano naha-handle ng idolo ang stress na nararanasan sa araw-araw. To think na mahinahon pa niyang hinaharap ang mga iyon.
Nang dahil sa mga realizations na nalaman ay nas lalo tuloy niya itong hinangaan. Mas lalong tumindi ang nais niya na maprotektahan ito. Super hectic ng shedule ni Jude pero hindi man lang ito nagreklamo... kaya dapat hindi rin ako magreklamo sa dami ng trabaho dito sa bahay… after all para kay Jude at sa akin naman ang ginagawa ko.
Ngumiti ako kay Cass bago ako nagsalita.
"Wala namang problema sa akin eh. Wala naman akong gagawin."
"Wala rin naman akong gagawin kaya tulungan na rin kita," ngiting anito saka ibinalik ang tingin sa ginagawa.
Napakagat ng labi si Tori. Pinipigilan na mapangiti. Ang bait talaga ni Cass sa kaniya.
Mabilis na natapos nila Tori at Cass ang ipinapagawa ni Adrian. Nagtulungan na rin silang dalawa para magluto ng tanghalian.
Alas-12 na pero hindi pa rin nakakauwi ang mga boys kasama si Jude. Gusto pa sana niyang hintayin ang mga ito kaya lang ang sabi ni Cass baka sa studio na rin kumain ang mga ito kung kaya naman ay sinamahan na lang niyang kumain si Cass at Adrian. Matapos iyon ay nagtungo na siya sa silid nila ni Cass para mag-shower. Binigyan lang siya ni Adrian ng 30 minutes break after nilang kumain dahil kakausapin daw siya nito. She wonder what would it be about. Ipiniling niya ang kaniyang ulo para mawala ang kaunting kabang nararamdaman sa magiging paguusap nilang dalawa. Naalala niya ang napag-usapan nilang dalawa ni Cass habang inahanda ang lunch nila. Napagusapan kasi nila ang tungkol sa idolo.
"Matagal na ba talaga kayong magkakasama?"
"Oo. Since debut ni Jude ay magkakasama na kami," ngiting sagot naman nito. Napamaang si Tori sa isinagot nito. Kung ganun ay halos 4 taon na rin silang magkakasama.
"Eh ikaw? Hindi ba sabi mo ay fan ka rin ni Jude? Mabuti na lang hindi ka katulad ng ibang fans na OA,” saad nito saka siya binigyan ng isang mapanuring tingin.
"Yes fan ako ni Jude since training days pa lang niya," sagot ni Tori saka umiling. "I know my limit as a fan at totoo ang sinabi ko. I need this job kaya kinuha ko as an opportunity. Bonus na nga lang dahil magtratrabaho ako under my idol."
Hindi na nagsalita pa si Cass sa sinabi niya at tumango-tango na lang ito saka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. Kung ganun na katagal ang samahan nila…
Naiintindihan na niya kung bakit ganun na lang kaprotective sila Adrian at sa tingin niya ay ganun rin si Cass.
"Uhm. Cass pwede ba ako magtanong tungkol kay Jude?" nag-aalinlangan tanong niya. Ibinaling ni Cass ang tingin sa kaniya.
"Sige. Tanong ka lang."
"A-ano k-kasi… kumusta si Jude sa nagdaang taon?"
Natigilan si Cass sa naging tanong niya. Magkasalubong ang dalawang kilay na tila ba nagtataka sa tanong niya.
"Paanong kumusta ang tinutukoy mo? Okay naman si Jude. Hindi naman siya nagbago. Mabait siya pero very aloof sa mga taong nasa paligid niya. Maging sa amin at kay ate Esmeralda." Nagsalubong ang dalawa niyang kilay sa sagot nito.
"Aloof? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.
"Ganun naman talaga ang attitude ni Jude. Masyadong masikreto. Wala ni isa sa amin ang nakababasa sa kung ano man ang tumatakbo sa isip niya. Para siya isang treasure chest na hindi mabuksan-buksan. Minsan lang siya makisama sa mga lakad namin. Madalas ay nag-iisa sya sa kwarto niya at nakikinig ng music o kaya ay nagsusulat ng lyrics."
Mas lalong itinutok ni Tori ang kaniyang ulo sa shower. Hindi niya maiwasan na mag-alala sa binata sa pagiging aloof nito. Ibig sabihin ay never pa itong naglabas ng nararamdaman. Kinikipkip lamang nito lahat sa sarili. Papaano na ang mga panahon na super nakaka-stress ang nangyayari sa kaniya? How can he handle all of it? Napakahirap siguro sa loob ng idolo na walang mapagsabihan ng saloobin… pero bakit ganun? Sa pagkakakilala ko rito ay hindi naman ito ganun.
Ang Jude na kilala niya ay laging open sa lahat. Palagi itong open sa nararamdaman. Hanggang sa makapagbihis si Tori ay hindi na nawala sa kaniyang isipan ang nalaman tungkol sa idolo.
Bumalik lang siya sa realidad nang marinig niyang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Dali dali niya iyon kinuha mula sa ibabaw ng mini table na katabi ng kaniyang kama. Sinagot iyon nang makita ang pangalan ng best friend sa screen kapagkuwan ay ni-loudspeak ito. Iyon na kasi ang required ng kaniyang depektadong cellphone.
"Hello Tori, Kumusta ka na?" bati ng kaibigan. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
"Okay naman ako. Mababait naman ang mga kasama ko sa tinitirhan ko. Mga katrabaho ko rin sila,” sagot ni Tori.
Lumabas siya ng kanilang silid ni Cass dahil dadalawa lang ang signal sa loob. Nagtungo siya sa veranda upang sumagap ng malakas na signal.
"Bruha ka nakalimutan mo na akong tawagan porque nakatira ka na sa bahay ng mahal mong si Jude," may pagtatampong anito kunwari. Alam niya na nakangise naman ito sa kabilang linya.
Bigla nakaramdam si Tori ng kaba dahil sa sinabi ng kaibigan. Dinig na dinig iyon dahil sa speaker ng kaniyang cellphone. Ipinalig niya ang kaniyang tingin sa kaniyang likuran upang alamin kung meron bang tao na nakarinig sa sinabi ng kaibigang si Shin.
Nakahinga lang siya ng maluwag ng siya lang ang nasa ikalawang palapag ng bahay. Paniguradong malalagot siya hindi lang kay Adrian kundi pati sa nag-hire sa kaniya kapag nalaman ng mga ito na nagsinungaling siya.
"Mula ngayon ay wag mo ng mababanggit ang pagkakaroon ko ng feelings kay Jude sa tawag, Shin,” may pagbabalang saad niya rito.
"Bakit naman?"
"Bawal at hindi pwede." Napabuntong hiningang aniya sa kaibigan. "Kanina ko lang nalaman nang sabihin sa akin ng manager ni Jude na bawal akong mahulog ditio.” Napakagat labi si Tori sabay napapikit ng mariin. Hindi na naman ako mahuhulog dahil matagal na akong hulog kay Jude.
"Ha? Eh paano na 'yan? Deds na deds ka pa naman kay fafa Jude."
Napabuntong hininga siya. Kakasabi pa lang niya na wag magsalita ng kung ano tungkol sa nararamdaman niya sa lalaki heto at inulit na naman. Minsan talaga ay masarap sapakin itong si Shin pero tama naman ang sinabi nito sa akin. Tama lang ang pagkaka-describe nito sa nararamdaman ko para sa lalaki.
"Ano pa nga ba? Edi dapat pigilan. Isa pa ang nararamdaman ko ay love of a fan lang so there's nothing to be serious about it."
"Eyses! Echoserang palaka itong babaknit na 'to. Talaga lang ah? Panindigan mo 'yan," may pang-aasar na komento nito sa isinagot niya na siyang ikinatawa na rin niya sa kapagkuwan.
Tumagal pa ng ilang minuto ang kanilang usapan ni Shin bago nila naisipan na putulin na pansamantala ang tawag. It was already her time to meet Adrian for their meeting.
Nakasalubong ni Tori ang nakabusangot na si Adrian sa hagdanan nang bumaba siya sa unang palapag. Halata ang ka-badtrip-an sa mukha nito. Pabalang na inilahad nito ang isang puting papel sa harapan niya. Napakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa puting papel na hawak nito saka iyon kinuha.
"Here's the rules that you must abide to stay here. Any offense will be taken seriously," madilim na anito saka siya nilagpasan at iniwan. Napakamot sa ulo niya si Tori dahil hindi niya makuha ang trip nito.
Hala? Akala ko ba mag-uusap kami?
Itinuon niya ang tingin sa mga nakasulat rito habang naglalakad pababa ng hagdan.
10 House Rules
1. LUMAYO kay Jude.2. H’WAG LANDIIN si Jude.3. BAWAL pumasok sa room ni Judeng walang pahintulot4. BAWAL istorbohin si Jude.5. BAWAL KUMUHA ng litrato o videos ni Jude6. NO VISITORS ALLOWED.7. LAHAT ng nangyayari sa loob ng bahay aymananatili sa loob ng bahay.8. STAY FOCUS sa trabaho.9. CURFEW time alas-710. I don't trust you so I'm gonna keep my eyes on you.Iniwasan niyang hindi mapangiwi sa pang-10. Halata naman na para ito sa akin. Unang una palang at saka bakit puro tungkol kay Jude ang unang kalhati ng rules?
"Hi Tori! Ano 'yang hawak mo?" Napaigtad si Tori nang tumama ang mainit na hininga ng nagsalita sa kaniyang batok. Tinignan niya ng masama si Wesley. Nagtataka ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
"Nakakagulat ka naman, Wesley!" gulantang na ani Tori habang nakahawak sa dibdib. Basta na lang itong sumusulpot na parang kabute.
"I apologize if I startle you," hinging paumanhin nito habang kinakamot ang batok nito kapagkuwan ay itinuro ang hawak na papel ni Tori. "Para saan ba 'yan?"
"Ah ito?" ipinakita ni Tori ang papel sa lalaki. "Sabi ni Adrian rules ito na dapat kong sundin para manatili rito sa bahay." Napakunot ang noo ni Wesley saka kinuha ang papel sa kaniya.
"Talaga lang ah? Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito?" Binasa ni Wesley ang nasa papel kapagkuwan ay natawa ng malakas. Tawa na para bang wala ng bukas. Napalabi si Tori sa reaksyon ng lalaki.
"This is funny the rules 1-5 only state that bawal kang lumapit kay Jude kahit na anong mangyari. Sinasadya man o hindi,” naiiling na anito saka ibinalik kay Tori ang papel. Naramdaman niya ang marahang pagtapik nito sa kaniyang kaliwang balikat.
"H'wag mong pakaseryosohin ang nakasulat sa papel na 'yan. Over reacting lang talaga ang nilalang na iyon," nakangiting ani ng lalaki sa kaniya. Naroon pa rin ang kislap ng amusement sa mga mata nito.
"So ikaw pala ang bago kong personal assistant?" sabat ng isang baritonong tinig na umalingawngaw sa kanilang likuran ni Wesley.
Nanigas ang kaniyang katawan dahil kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses. Sabay silang napalingon ni Wes sa dako nito at ganun na lang ang pagwala ng kaniyang puso nang makita ang mukha ng idolo. Nakasandal ito sa hawakan ng hagdanan habang nakamasid sa kanilang dalawa ni Wesley. Tori’s jaws literally dropped as she looked at the man above her.
Ang mukha na may chinitong mga mata, matangos na ilong at makinis na mukha na madalas ay nakikita lang niya sa mga billboard, magazine at telebisyon.
"Oh ikaw pala Jude."
ALAS-KWATRO na ng hapon pero nakahiga pa rin si Tori sa kaniyang kama. Tulala at walang gana habang nakatingin sa kisame ng silid nilang dalawa ni Cass. Agad siyang dumiretso sa kanilang silid at nagkulong. Nawalan siya ng interest na makisalamuha sa mga katrabaho niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang naubusan ng lakas. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin siya maka-recover sa mga nalaman at nasaksihan sa studio. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa kaniyang noo kapagkuwan ay napabuntong hininga. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga nasaksihan at isa na ro’n ang magaspang na pag-uugali ng idolong si Jude. Hindi niya akalain na may lalabas na mga masasakit na salita sa bibig nito. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin niya matanggap na kayang manggano’n ng lalaki na tila ba walang pakialam kung anong mararamdaman ng ibang tao.She's having a hard time believing it dahil sa pagkakakilala niya sa lalaki
KASALUKUYANG nasa isang sulok si Tori habang nanonood sa mga pinong galaw ng idolong si Jude habang sumusunod ito sa tugtog ng musika na umaalingawngaw sa loob ng studio. Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya sa t'wing naaalala ang nanyari kahapon. Sa unang pagkakataon ay nagkausap silang dalawa ng lalaking matagal na niyang pinapangarap."So ikaw pala ang bago kong PA? Anong pangalan mo?""Victoria Nervaez pero pwede mo akong tawaging Tori.""Tori," napangiti ang lalaki sa kaniya. "I hope to work well with you."Nakangiting napahawak si Tori sa kaniyang mukha dahil pakiramdam niya ang tumaas lahat ng kaniyang dugo sa katawan sa kaniyang mukha dahil bigla na lang 'yon uminit."I hope to work well with you."Bagamat sinabi iyon ng binate sa kaniya na wala man lang kaemo-emosyon ay hindi pa r
UNANG ARAW ni Tori sa trabaho bilang personal assistant ni Jude. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naglilinis ng mga uling sa 5 kaldero. Natapos na niyang linisin ang 3 at meron pang dalawa. Nagkamali siya ng isipin na magiging maayos ang pagstay niya sa bahay ng idolo dahil hindi lahat ng tao sa loob ng bahay na 'yon ay pinaramdam na welcome siya dahil harap-harapan na ipinapadarama sa kaniya ni Adrian na kabaligtaran n'un ang nararamdaman nito sa pag-stay niya. Nagtataka na nga siya dahil ang pagiging PA ni Jude ang inapply-an niya at hindi ang pagiging house servant. Halos kaliwa't kanan ang utos nito kay Tori. Hindi naman siya makapagreklamo dahil unang-una ay unang araw niya pa lang at pangalawa hindi niya kayang suwayin ito dahil natatakot siya sa katarayan nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay. Kada minutong lumilipas ay siya ang tinatawag ni Adrian para lang utusa
"GATHER EVERYONE!" masiglang sigaw ng baklang kasama ni Tori. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan nito dahil hindi naman siya nito kinausap at gaya ng gusto nito ay sinundan niya ito hanggang sa makapasok sa isang silid malapit sa conference room na pinagmeeting-an nila ng boss niya. It was an empty room fillled with glass walls at may makintab na sahig.Napansin niya ang apat na tao na naroon sa loob. Isang babae at tatlong lalaki na busy sa mga kaniya-kaniyang ginagawa."Magkakaroon tayo ng panibagong kasamahan…” pag-aanunsiyo ng kasama kapagkuwan ay turo sa kaniya. Binitawan niya ang dalang mabigat na maleta saka binigyan ng ngiti ang magiging bago niyang mga kasamahan."Hello ako nga pala si
"A MAN WITH A BROKEN PROMISE. A Solo Artist from DREAMEDIA AGENCY had call off his wedding to his fiancée with the fact that he was caught cheating with an actress from the other network…” Napabuntong hininga si Victoria nang makita ang litrato ng lalaking matagal na niyang hinahanggaan sa dyaryong hawak. Jude Sandejo. Nasa front page na naman kasi ito ng isang dyaryo at unfortunately ay dahil na naman sa isang masamang balita. Kung iisipin ay hindi naman iyon bago sa mundo ng showbiz. Kapag sikat ka gagawan ka ng bagay na ikakasira mo either para pasikatin ka pa o pabagsakin ngunit hindi niya mapigilan ang mainis dahil lagi na lang nasa peryodiko ang kaniyang idolo at kung ano-anong paninira ang