Chapter: Chapter 2Chapter TwoNapamulat ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa paligid kasabay ng nakakasilaw na ilaw galing sa kisame. Nanlalabo man ang paningin ko ay pinilit kong bumangon sa higaan."Oh, Quinn! Mabuti naman at nagising ka na." biglang salita ni Pracy sa gilid ko.Napalingon ako sa kaniya. Katabi niya ang mga magulang ko. Hindi ko man lang namalayan na kasama ko pala sila. Agad na tumayo si Mama at lumapit sa'kin nang mapansin na gising na ako."Kamusta na ang lagay mo? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya, umiling ako."Anong nangyari? Nasaan ako?" tanong ko."Nasa Hospital ka, anak." sagot ni Mama.Nakakunot ang noo kong inilibot ang paningin ko sa buong silid na 'yun. Wala akong maalala. Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta dito sa Hospital."Ilang araw na ako dito?" naguguluhang tanong ko pa.
Last Updated: 2020-08-31
Chapter: Chapter 1Chapter One"Quinn!"Napalingon ako sa kaibigan kong si Pracy nang tawagin niya ako. Nakangiti ko siyang nilapitan."Saan ka nanggaling?" tanong niya."Bumalik ako sa bahay. Naiwan ko pala 'yung bag ko." sagot ko sabay angat sa bag."Hinahanap na tayo ni Professor. Nasa stadium daw ang lahat ng student," aniya na nagpakunot sa noo ko."Bakit daw?""May announcement ata ang Principal." pagkibit-balikat niya. "Tara na."Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa stadium ng Mystica Elementa High. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil sa dami ng estudyanteng nandoon. Nang matanaw namin ang pwesto ng mga kaklase namin ay agad kaming lumapit at umupo roon."Oh, Quinn? Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap." anang kaklase kong si Rika nang mapansin niya kami."Naiwan ko kasi
Last Updated: 2020-08-31