INICIAR SESIÓNQuinn Emerald Naveen, grew up having a normal and peaceful life as a student of Mystica Elementa High. Not until she discovered some of unusual superpowers that no one else had, except her. While trying to control her powers, a strange thing suddenly happened. She accidentally opened a portal to a non-existing world. She was trapped there and doesn't know a way to go back to her world. How will she be able to return home?
Ver másChapter One
"Quinn!"
Napalingon ako sa kaibigan kong si Pracy nang tawagin niya ako. Nakangiti ko siyang nilapitan.
"Saan ka nanggaling?" tanong niya.
"Bumalik ako sa bahay. Naiwan ko pala 'yung bag ko." sagot ko sabay angat sa bag.
"Hinahanap na tayo ni Professor. Nasa stadium daw ang lahat ng student," aniya na nagpakunot sa noo ko.
"Bakit daw?"
"May announcement ata ang Principal." pagkibit-balikat niya. "Tara na."
Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa stadium ng Mystica Elementa High. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil sa dami ng estudyanteng nandoon. Nang matanaw namin ang pwesto ng mga kaklase namin ay agad kaming lumapit at umupo roon.
"Oh, Quinn? Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap." anang kaklase kong si Rika nang mapansin niya kami.
"Naiwan ko kasi 'yung bag ko sa bahay kaya binalikan ko." sagot ko.
"Binalikan mo? Bakit mo pa binalikan? Hindi mo na dapat binabalikan pa 'yung mga bagay na iniwan mo na." biglang hugot ng kaklase naming si Joco.
Napangiwi ako at hindi nalang siya pinansin. Muli ko nalang itinuon ang atensyon ko sa harapan. Dumating na ang Principal kaya ang lahat ay nagsipagtayuan sa kani-kanilang upuan.
"Good morning, students." bati ng Principal sa aming lahat.
Bumati pabalik sa kaniya ang mga estudyante samantalang kaming dalawa ni Pracy ay tahimik lang sa gilid. Napabaling kami kay Rika nang bigla niya kaming siniko. Itinuro niya ang pwesto ni Professor. Matalim ang tingin nito sa'min at nagbabanta. Napaayos nalang kami ng tayo at ibinalik ang paningin sa stage.
"I have an important announcement," panimula ng Principal. "Today is the 10th death anniversary of Ms. Varri Cuevas. A former student of Mystica Elementa High. And we will be having a celebration party tonight. Here at the school's ground. The party will start at 9 pm to 12 am. I hope everyone will come. That's all. You can now go back to your classes."
Pagkatapos ng maikli niyang speech ay umalis na rin kaagad ang Principal. Narinig ko ang pagsinghap at reklamo ng mga estudyante roon.
"Ayon na 'yung announcement?" angal ng isa.
"Akala ko pa naman ay tatagal tayo dito sa court. Ayoko pa namang pasukan 'yung first subject natin."
"Ano ba first subject niyo?"
"Math,"
Palihim akong napatawa sa narinig. Binalingan ko ang mga kaklase kong nagrereklamo din dahil boring ang History na first subject namin. Mahinhin pa naman kung magdiscuss ang Professor namin sa subject na 'yun. Nakakaantok lang.
"I-ditch na natin 'yung klase natin." yaya ni Kori, ang kaklase naming napakahilig magcutting.
"Hoy, manahimik ka dyan. May attendance tayo." anang President namin.
Napahilamos nalang siya sa mukha dahil alam niyang wala na siyang magagawa kundi pasukan ang klase namin. Natawa kami.
Nang makabalik na kaming lahat sa room ay agad na nagkumpulan ang mga kaklase namin at nagplano na magcutting. Nangunguna si Kori sa mga pasimuno no'n palibhasa ay wala pa ang Professor. Natatawa nalang akong napailing sa kanila saka naupo sa upuan ko.
"Sasama ka sa party mamayang gabi?" biglang tanong ni Pracy sa gilid ko.
Kumibit balikat ako. "Hindi ko pa sigurado. Ikaw?"
"Sasama nalang ako. Wala naman din akong gagawin sa bahay." sagot niya, tumango nalang ako at nagsimulang magsulat ng kung ano ano sa likod ng notebook ko.
Nang may biglang sumagi sa isipan ko ay muli ko siyang nilingon at tinawag.
"Pracy,"
Binalingan niya ako at inabangan ang balak kong sabihin.
"Hindi ka ba nakaramdam ng kakaiba kanina?" mahinang tanong ko, kumunot ang noo niya sa pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kanina kasi sa announcement ng Principal," panimula ko, lumapit pa 'ko sa kaniya para walang ibang makarinig sa'min. "Ang sabi niya ay death anniversary daw ng former student dito 10 years ago, 'di ba? Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pa tayo magkakaroon ng celebration party. Para saan? Hindi ba't pang iinsulto 'yun sa namatay na student dito noon dahil parang natutuwa pa sila sa pagkamatay no'n kung magpapaparty pa sila?"
"Ano ka ba naman, Quinn." natatawang aniya, "Baka nagpaparty lang sila para maalala natin ang mga achievements o ang mga nagawa ni Ms. Cuevas para sa school natin. Remembrance ba, gano'n."
"Para maalala natin? Ni hindi nga natin kilala kung sino 'yun. Wala akong kaalam-alam tungkol sa kaniya. Ano bang nagawa ni Ms. Cuevas noon para alalahanin siya ng mga estudyante rito? Alam mo ba?" tanong ko pa.
Umiling siya. "Hindi rin."
Napasandal ako sa upuan. "Oh, 'di ba."
"Hay nako, Quinn. 'Wag ka nga mag isip ng kung ano ano. Masyado kang nagdududa."
"Pakiramdam ko kasi ay parang may mali. Parang may hindi sinasabi sa'tin."
"Gaya naman ng ano?"
Bahagya akong umiling. "Hindi ko maipaliwanag."
"Psh," tumawa siya. "Stop overreacting."
Napabuntong hininga nalang ako nang bumalik siya sa pagce-cellphone at tinalikuran ako. Hindi siya naniniwala sa'kin. Ramdam ko talagang may kakaiba pero hindi ko matukoy kung ano 'yon.
"See you later at the party, Quinn!" paalam ni Pracy nang matapos ang lahat ng klase namin at mag-uwian na.
Kumaway ako sa kaniya. "See you!"
Hinintay ko lang ang sundo ko at umuwi na rin kaagad ako. Mabilis lang ang byahe dahil wala naman masyadong traffic. Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Mama na nagmamadaling umalis. Kaagad ko siyang nilapitan.
"Ma!" sigaw ko, napalingon siya sa'kin. "Saan ka po pupunta?"
"I have a lot of business works, hija. Kailangan kong bumalik ngayon sa office. See you later---"
"Uh, Ma, wait!" pagputol ko sa sasabihin niya. "Yun nga po sana ang ipagpapaalam ko. May celebration party sa school mamayang gabi. Pwede po ba akong sumama?"
"Oh, sure, sweetheart. I really have to go now. I'm sorry. Just take care, okay? Bye!"
Magsasalita pa sana ako nang bigla na siyang humalik sa pisngi ko at mabilis na sumakay sa kotse niya paalis. Napasinghap nalang ako habang nakatanaw sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Dere-deretso akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Nagsimula na 'kong maghanap ng damit na susuotin ko para sa party mamaya. Green sparkling cocktail dress ang napili ko.
Nahiga muna ako saglit sa kama ko para makapagpahinga. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang mag-alarm ang cellphone ko. Naligo kaagad ako at nagbihis. I also curled the tip of my hair.
Nang masigurado kong ayos na ang lahat ay agad na akong umalis sa bahay at nagbyahe pabalik sa Mystica Elementa High. Nakangiti akong sinalubong ni Pracy at Rika nang makarating ako roon.
"Hi! You look extra pretty tonight!" bati ni Rika.
Napangiti ako, "You too."
"Tara na sa loob?" yaya naman ni Pracy, tumango lang ako.
Naglakad na kaming tatlo papunta sa stadium. Mabuti naman at sakto lang ang dating namin dahil hindi pa nagsisimula ang party. Halos mabingi ako sa ingay ng mga tao roon. Sumabay pa ang malakas na tugtog ng music.
"Are you all ready to party?" sigaw ng dj sa lahat.
"Yes!" anang mga estudyante na nandoon.
The party just got started. We danced and drink. Hindi kami tumitigil hangga't hindi kami nagsasawa. Nakangiti kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Ramdam ko ang saya ng mga tao rito.
"Are you having fun, Quinn?" tanong ni Pracy sa'kin nang tumigil kami saglit sa pagsayaw para makakuha ng iinumin.
"Of course, I'm having fun!" magiliw na sagot ko. "How about you?"
"Of course I am, too!"
"Mukha nga," natawa ako.
Hindi ko na halos mabilang kung nakakailang baso na 'ko ng alak. Ang iba ay nagsisiuwian na. Ang iba naman ay nakakatulog na rito mismo dahil sa sobrang kalasingan pero nananatili parin kaming matibay ni Pracy. Ayaw pa rin naming umuwi pareho.
"Hey, this is my last shot." lasing na saad ni Pracy sabay tungga sa baso ng alak.
Napatawa nalang ako nang tuluyan siyang bumagsak sa lamesa. Nilapitan ko siya at inangat para makatulog siya ng maayos. Hindi na ako nag-abalang gisingin pa siya dahil alam kong hindi rin naman siya babangon. Si Rika din ay tulog na nang lingunin ko sa pwesto niya.
Ako nalang ang tanging gising roon. Maski ang dj at mga professor na nandoon ay nakatulog na. Napabaling ako sa oras sa cellphone ko. It's already exact 12:00 am.
Alam kong lasing na rin ako dahil sa dami ng nainom namin. Kahit nahihilo ay pinilit ko paring tumayo. Pinagmasdan ko ang paligid. Napakunot nalang ang noo ko nang mapansin ang madilim na parte ng stadium. Dahan-dahan kong nilapitan iyon. Nakita ko ang isang nakasarang pintuan. Binuksan ko iyon at tumambad sa'kin ang walang kagamit-gamit at mukhang pinaglumaan ng silid. Halos wala akong makita sa loob dahil sa dilim nito.
Napalingon ako sa nakabukas na malaking babasagin na bintana roon. Tanaw na tanaw ko ang buwan at mga bituin. Nabigla nalang ako at napaatras nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong sobrang panghihina na para bang kinukuha ang lahat ng lakas ko. Nahihilo at nandidilim ang paningin ko.
Napabagsak nalang ako bigla sa sahig bago ako tuluyang nawalan ng malay...
Chapter TwoNapamulat ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa paligid kasabay ng nakakasilaw na ilaw galing sa kisame. Nanlalabo man ang paningin ko ay pinilit kong bumangon sa higaan."Oh, Quinn! Mabuti naman at nagising ka na." biglang salita ni Pracy sa gilid ko.Napalingon ako sa kaniya. Katabi niya ang mga magulang ko. Hindi ko man lang namalayan na kasama ko pala sila. Agad na tumayo si Mama at lumapit sa'kin nang mapansin na gising na ako."Kamusta na ang lagay mo? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya, umiling ako."Anong nangyari? Nasaan ako?" tanong ko."Nasa Hospital ka, anak." sagot ni Mama.Nakakunot ang noo kong inilibot ang paningin ko sa buong silid na 'yun. Wala akong maalala. Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta dito sa Hospital."Ilang araw na ako dito?" naguguluhang tanong ko pa.
Chapter One"Quinn!"Napalingon ako sa kaibigan kong si Pracy nang tawagin niya ako. Nakangiti ko siyang nilapitan."Saan ka nanggaling?" tanong niya."Bumalik ako sa bahay. Naiwan ko pala 'yung bag ko." sagot ko sabay angat sa bag."Hinahanap na tayo ni Professor. Nasa stadium daw ang lahat ng student," aniya na nagpakunot sa noo ko."Bakit daw?""May announcement ata ang Principal." pagkibit-balikat niya. "Tara na."Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa stadium ng Mystica Elementa High. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil sa dami ng estudyanteng nandoon. Nang matanaw namin ang pwesto ng mga kaklase namin ay agad kaming lumapit at umupo roon."Oh, Quinn? Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap." anang kaklase kong si Rika nang mapansin niya kami."Naiwan ko kasi





