MasukChapter Two
Napamulat ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa paligid kasabay ng nakakasilaw na ilaw galing sa kisame. Nanlalabo man ang paningin ko ay pinilit kong bumangon sa higaan.
"Oh, Quinn! Mabuti naman at nagising ka na." biglang salita ni Pracy sa gilid ko.
Napalingon ako sa kaniya. Katabi niya ang mga magulang ko. Hindi ko man lang namalayan na kasama ko pala sila. Agad na tumayo si Mama at lumapit sa'kin nang mapansin na gising na ako.
"Kamusta na ang lagay mo? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya, umiling ako.
"Anong nangyari? Nasaan ako?" tanong ko.
"Nasa Hospital ka, anak." sagot ni Mama.
Nakakunot ang noo kong inilibot ang paningin ko sa buong silid na 'yun. Wala akong maalala. Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta dito sa Hospital.
"Ilang araw na ako dito?" naguguluhang tanong ko pa.
"Tatlong araw na..."
Natigilan at nanlalaki ang mata kong napatitig kay Pracy nang sabihin niya 'yun. Tatlong araw? Tatlong araw na akong nakahiga dito?
"A-Ano bang nangyari?"
"Natagpuan ka naming walang malay sa bakanteng silid doon sa stadium." panimula ni Pracy, "Ang akala namin ay doon ka lang nakatulog dahil sa sobrang kalasingan. Pero lumipas na ang isang buong araw at hindi ka parin nagigising kaya nag-alala na kami. Dinala ka namin rito sa Hospital pero ang sabi naman ng Doctor ay okay na okay ka naman daw. Kaya nagtataka kami kung bakit ngayon ka lang nagising."
Napatulala ako sa kawalan matapos marinig ang mga sinabi niya. Anong nangyari sa'kin at doon nila ako nakita sa silid ng stadium? Bakit ngayon lang ako nagising? Ang dami kong tanong sa sarili ko pero ni isa ay wala akong masagot dahil hindi ko talaga maalala ang nangyari ng gabing 'yun sa party.
"Sigurado kang wala talagang masakit sa'yo?" paniniguro ni Papa.
Tumango ako. "Yes, Pa."
"Since you're awake, I have to go back to the office now. I have so many appointments and meeting this week. I'll see you later, sweetie. Magpagaling ka." paalam ni Papa at humalik pa sa noo ko bago tuluyang umalis.
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatanaw sa pintuan na pinaglabasan niya.
"Pagpasensyahan mo na ang papa mo, anak. You know he's a workaholic man. He's really busy." ani Mama.
Nginitian ko siya. "I understand, Ma."
Sanay naman na ako...
"Kakausapin ko muna ang Doctor kung pwede ka ng i-discharge." paalam niya na tinanguan namin ni Pracy.
"Sure, Tita. Ako na muna po ang magbabantay kay Quinn." ani Pracy.
Tumango si Mama saka tuluyang lumabas ng kwarto. Panandaliang katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin ni Pracy.
"Naaalala mo ba kung paano ka napunta sa bakanteng silid ng stadium?" biglang tanong niya.
Umiling ako. "Hindi. Kahit ang nangyari ng gabing 'yun sa party ay hindi ko rin matandaan. Masyadong malabo sa alaala ko ang mga nangyari."
Hindi na siya umimik pa pero kagaya ko ay alam kong nagtataka rin siya. Marahil ay iniisip niya ang posibleng dahilan kung bakit doon nila ako natagpuan.
"Kaya mo na bang pumasok bukas?" tanong sa'kin ni Mama nang makauwi na kami sa bahay.
"Of course, Ma. Don't worry, I'm fine now."
"Are you sure?"
"Yeah,"
Dumeretso ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naubos ng sobra ang lakas ko kaya nanghihina parin ako hanggang ngayon. Nakatulala lang ako ng ilang oras sa kisame bago ako tuluyang nakatulog.
Nagising nalang ako kinabukasan nang marinig ko ang malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Napabangon ako at binuksan iyon. Tumambad sa harapan ko si Mama.
"You're going to be late, Quinn! Go take a bath now." nagmamadaling aniya.
Napabaling ako ng tingin sa alarm clock ko. Hindi ko man lang narinig na tumunog iyon. Dali-dali akong kumuha ng towel at pumasok sa loob ng banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkababa ko ay nagtataka kong nakitang nandoon parin si Mama.
"Hindi ka pa umaalis, Ma?"
"I'm waiting for you, sweetie."
Kumunot ang noo ko, "Waiting for me? Hindi ka pa po ba late sa meeting mo? Anong oras na, oh."
"Sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita sa school mo. Ako narin ang magsusundo sa'yo mamaya."
"Ma, you don't have to do that---"
"I know, hija. But I want to..."
Natigilan akong napatitig sa kaniya. Naiiyak siyang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"I'm too worried about you, anak. Lalo na nang mabalitaan ko ang nangyari sa'yo. Masyado akong busy sa kumpanya kaya hindi kita naaalagaan. Hindi ko na nalalaman kung anong mga nangyayari sa'yo. And I want to do my role as your mother. I want to take care of you." emosyonal niyang saad, "Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko 'pag may nangyari pang masama sa'yo."
"Shhh. Stop crying, Ma." hinagod ko ang likuran niya at pinakalma siya. "Walang mangyayari sa'king masama. Kahit kailan."
"Promise me that you will always take care of yourself, okay?" paalala niya pa, nakangiti akong tumango.
"I promise." ani ko, "Now, let's go. Malelate na tayo pareho."
Nang makarating kami sa school ay sinalubong kaagad ako ni Pracy. Binalingan ko si Mama.
"Papasok na 'ko, ma. Ingat po sa pagdadrive. Bye, love you!" paalam ko at humalik pa sa pisngi niya bago ako bumaba sa kotse.
"I love you, too, sweetie. Bye!"
"Let's go?" yaya ni Pracy nang makalapit ako sa kaniya.
Tumango ako, "Let's go."
Pagkapasok namin sa loob ay napuno ng ingay ang buong room. Lahat sila ay nilapitan ako at inintriga.
"Anong nangyari sa'yo, Quinn?"
"Bakit tatlong araw kang nawala?"
"Nagkasakit ka ba?"
"Okay na okay ka pa naman ng gabing 'yun sa party, 'di ba?"
Rinig kong mga tanong ng mga kaklase ko sa'kin. Hindi ko nalang sila sinagot dahil maski ako ay hindi alam kung ano bang totoong nangyari. Napabalik sila lahat sa upuan nila nang dumating ang Professor namin.
Wala namang nagbago. Ganoon parin kaboring ang first subject namin. Natapos ang mga sumunod pang subject bago kami nagkaroon ng free time. Dahil wala naman kaming magawa ni Pracy ay napagpasyahan namin na tumambay muna sa hall ng school.
"Malapit na pala ang acquaintance party natin, anong susuotin mo?" tanong ni Pracy.
Oo nga pala. Isang linggo nalang at magaganap na ang acquaintance party pero wala pa akong napipiling suotin.
"Hindi ko pa alam, e." sagot ko.
"Ako rin. Sabay nalang tayong pumili ng susuotin."
Ngumiti ako at tumango, "Okay."
"Hindi ba masama ang pakiramdam mo?"
"Hindi naman. Wala namang masakit sa'kin."
"Good to hear that,"
Tumahimik kami ng ilang segundo. Napatulala ako sa kawalan. Napahawak nalang ako sa sentido ko nang bigla akong nahilo. Agad akong nilapitan ni Pracy.
"Kakasabi mo lang na walang masakit sa'yo!" alalang aniya.
Biglang nag-flashback sa isipan ko ang ilan sa mga nangyari ng gabing 'yun sa party bago ako nawalan ng malay.
Alas dose. Ako nalang ang tanging gising. Kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo at lumapit sa madilim na parte ng stadium. Nakakita ako ng isang bakanteng silid. Pumasok ako at halos wala akong makita sa loob dahil sa dilim nito. Napalingon ako sa nakabukas na malaking babasaging bintana roon. Nabigla ako at napaatras nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Sobra akong nanghina. Nahihilo at nandidilim narin ang paningin ko. Bumagsak ako sa sahig at tuluyan ng nawalan ng malay.
Napaangat ako ng tingin kay Pracy nang maalala ko ang mga 'yun.
"Ano? Okay ka lang?" tanong niya pa.
"Kumidlat at kumulog ng malakas,"
Kumunot ang noo niya. "Ano?"
"Noong gabing 'yun. Sa celebration party."
"Hindi ko maintindihan, Quinn."
"Pumasok ako sa bakanteng silid na 'yun ng stadium. Biglang kumulog ng malakas kasabay ng kidlat. Bigla nalang akong bumagsak sa sahig dahil sa panghihina at nawalan ng malay," saad ko. "Yun ang mga naaalala ko."
Natigilan siya. "Kumulog at kumidlat? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman umulan ng gabing 'yun."
"Oo, walang kaulan-ulan. Maski ako ay nagtataka."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman, Pracy."
"Parang imposible naman kasi ang sinasabi mo, Quinn. Hindi ka naman rin natamaan ng kidlat, 'di ba?" aniya, tumango ako. "Paano kang mawawalan ng malay sa tatlong araw dahil lang doon?"
"Hindi ko rin alam."
"That's nonsense."
Napabuntong hininga ako at tumingin nalang muli sa kawalan. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong sabihin. Tumayo si Pracy na ikinalingon ko.
"Bibili lang ako sandali ng pagkain natin." paalam niya.
"Sige," tango ko.
Nang makaalis siya ay kinalma ko ang sarili ko at inalis lahat ng bumabagabag ngayon sa isipan ko. Lumipas ang ilang minuto at wala parin si Pracy. Bigla akong nakaramdam ng sakit ng tiyan. Napadami ata ang kinain kong almusal kanina. Tumayo ako habang nakahawak sa kumikirot kong tiyan.
Nasaan na ba si Pracy?
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng hall. Walang ibang tao kundi ako lang. Napapikit ako sa sakit ng tiyan ko. Gusto ko ng magpunta sa banyo. Gusto ko ng magbanyo. Nang dumilat ako ay napaatras ako sa sobrang gulat. Naramdaman kong umangat ang mga balahibo sa katawan ko. Natataranta akong lumingon-lingon sa paligid.
Paano ako napunta bigla rito sa banyo?
Chapter TwoNapamulat ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa paligid kasabay ng nakakasilaw na ilaw galing sa kisame. Nanlalabo man ang paningin ko ay pinilit kong bumangon sa higaan."Oh, Quinn! Mabuti naman at nagising ka na." biglang salita ni Pracy sa gilid ko.Napalingon ako sa kaniya. Katabi niya ang mga magulang ko. Hindi ko man lang namalayan na kasama ko pala sila. Agad na tumayo si Mama at lumapit sa'kin nang mapansin na gising na ako."Kamusta na ang lagay mo? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya, umiling ako."Anong nangyari? Nasaan ako?" tanong ko."Nasa Hospital ka, anak." sagot ni Mama.Nakakunot ang noo kong inilibot ang paningin ko sa buong silid na 'yun. Wala akong maalala. Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta dito sa Hospital."Ilang araw na ako dito?" naguguluhang tanong ko pa.
Chapter One"Quinn!"Napalingon ako sa kaibigan kong si Pracy nang tawagin niya ako. Nakangiti ko siyang nilapitan."Saan ka nanggaling?" tanong niya."Bumalik ako sa bahay. Naiwan ko pala 'yung bag ko." sagot ko sabay angat sa bag."Hinahanap na tayo ni Professor. Nasa stadium daw ang lahat ng student," aniya na nagpakunot sa noo ko."Bakit daw?""May announcement ata ang Principal." pagkibit-balikat niya. "Tara na."Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa stadium ng Mystica Elementa High. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil sa dami ng estudyanteng nandoon. Nang matanaw namin ang pwesto ng mga kaklase namin ay agad kaming lumapit at umupo roon."Oh, Quinn? Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap." anang kaklase kong si Rika nang mapansin niya kami."Naiwan ko kasi