Home / All / Academia Elementum / Chapter 3 - A Badbye

Share

Chapter 3 - A Badbye

last update publish date: 2020-09-29 18:15:19

Inabot ng ilang minuto ang paglalakad namin ni sir ramon papuntang office, hiyang-hiya ako sa mga estudyanteng tumitingin sa akin habang naglalakad dahil kilala nila si sir ramon na galit sa mga mandaraya, alam nilang tanging napunta lamang si sir sa guidance kung meron siyang estudyante o mga estudyanteng nag-aaway o nandaraya. Ewan ko kay sir pero sa tingin ko ay may past s'ya sa mga nandaraya kaya nagkaphobia sya... ata lang... ata lang talaga yun hehe.

GUIDANCE'S OFFICE 

"Anong kasalanan niya" tanong ng Guidance counselor na lalo kong ikinakaba

"Cheating" Saad ni sir at agad namang binuklat ni Mr. Guidance counselor ang laptop nya at nag-gawa ng document, nakita kong itinype niya ang salitang "Expulsion Letter".

[Emeghed Silistina, Mae-expel ka naaa, waahhhhh!!!!]

"Nasaan ang I.D. nyo Miss" Sabi ni Mr. Guidance counselor kaya agad ko namang ibinigay ang I.D. ko 

Dito sa Silvestre University, May multa ang hindi pagsusuot ng I.D., kaya kapag tinanong ka ng mga staffs ng university na ito kung nasaan ang I.D. mo kailangan mo yung ibigay kaagad o pagmumultahin ka nila.

"Miss Lopez, pakikuha na ng mga gamit mo sa room at umalis ka na sa University, You're now officially expelled" Saad ni sir sabay abot ng isang envelope, binuksan ko ito at binasa ang laman.

EXPULSION LETTER

LRN. No.: 109673102183   

           This letter is to certify that Miss Celestina Lopez, whose Learning Reference Number is 109673102183 is officially expelled in Silvestre University for Cheating.

Guidance Counselor 

▪▪▪

Hindi pa rin ako makaalis sa kinauupuan ko, hindi pa rin ako makapaniwalang expelled na ako sa university na ito, dito sa dream university ko. Ni hindi pa nga ako nakakapag-paliwanag sa kanila tas charan.. may letter na agad na expelled na ako, pero ano pa nga bang silbi ng pagpapaliwanag ko ehh magsisinungaling lang naman din ako sa kanila, may ebidensya si sir kaya mas madaragdagan lang ang mga kasalanan ko, PLEASE FORGIVE ME LORD HUHU.

"Tara na Miss Lopez" Sir ramon said in a cold voice

Mabigat ang loob ko na umalis sa school na ito, iniisip ko kung ano na lamang ang sasabihin ng mga classmate ko, ng pamilya ko,  ng mga kamag-anak ko... wahhhhhhh ansakit na ng ulo ko.

Nakarating na kami sa room at pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko. Sa sobrang hiya ay napayuko na lamang ako habang nagmamadaling magligpit ng mga gamit ko, Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko, tumakbo ako palabas ng university dahil hindi ko na kaya yung sobrang hiya.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang makakaya ko, alam kong madi-disapoint ko lang ang pamilya ko kung uuwi ako nang bahay kaya minabuti ko na lang na dumiretso sa gubat, hindi ko na alam kung saan ako pupunta at mas hindi ko rin alam kung saan ako nanggaling. 

"Meow"

Bigla akong napahinto nang may nakita akong isang napakacute na kuting, isa itong tabby na may Orange fur, nakakawala ito ng stress kaya sinundan ko ito. Nakita ko itong huminto sa tapat ng isang dalawang kakaibang puno tapos may katabing parang kristal na poste kaya nagdahan-dahan akong maglakad papunta sa kanya para hindi ko ito matakot... at success, hinaplos-haplos ko s'ya at kinarga nang parang bata.

"Meow "

Nakita ko siyang lumapit sa gitna ng mga kakaibang puno at hinawakan yung poste and boom biglang naging kulay red yung dating parang kulay quartz, bigla namang naging parang salamin yung space sa pagitan ng dalawang weird na puno, ang kaibahan nga lang ay may nakikita akong mga estruktura at mga tao, para siyang portal .....

"Wooooaaaahhh" namangha ako nang makitang pumasok si katie (yun ang pinangalan ko sa kuting) sa parang portal na iyon, bigla na lamang siyang nawala pati yung parang portal na iyon, bumalik na rin ang kulay nito sa dati.

Lumingon lingon ako sa paligid, hinanap ko si katie sa pagitan ng mga weird na punong iyon pero hindi ko siya makita, wala akong makitang bakas na dumaan siya doon, naglaho siyang parang bula.

Sinubukan kong tingnan ang gilid ng mga puno dahil baka nagtatago lamang siya doon, pero wala talaga. Bigla na lamang akong natapilok dahil sa isang sanga at napakapit ako sa parang kristal na posteng iyon kaya biglang nabasag nang unti habang nailaw ng kulay Blue, at bigla na lang....

"Wooooooooowww" napanganga na naman ako nang makita si katie na may kasamang dalawang babae???, nakita ko silang bigla na lang nagpalabas ng mga APOYYYY!!!??? na nakatutok sa akin.  Pero sa halip na matakot ako ay namangha ako sa kanila...

"Sino ka?" Tanong ng isang babae habang hawak-hawak ang isang bolang-apoy. Triny kong hawakan yung parang salamin pero lumusot lang ang kamay ko doon. Pumasok ako sa salamin na iyon at nakita ko nang mas malinaw ang mga bagay.

"Woah ang ganda naman po ng mga hair n'yo, how to be you po? San pong salon kayo nagpaayos ng buhok ninyo? May powers po kayo? Pano po kayo nakakapagpalabas ng apoy sa kamay ninyo?" Sunod-sunod kong tanong ko sa mga babaeng nakatingin ng masama sa akin, meron yung isang wavy hair na may fire red higlights, tapos yung isa naman ay may straight hair na may apple red na highlights.

Nakita ko silang nagbubulungan, hindi ko naririnig yung mga sinasabi nila pero sa tingin ko ay tungkol ito sa akin, bigla na lang may dumating na lalaki, parang nasa mid-30's yung edad nya tapos deep ocean blue yung kulay ng buhok nya, mukha siyang teacher/k-pop star sa pormahan niya.

"If you please Miss Celestina, go to the headmistress' office" sabi niya kaya naman kinakabahan na naman ako, kakapunta ko lang kanina sa dean's office tapos headmistress' office naman ngayon, school ba talaga to, ano kaya kasalanan ko dito?. At paano niya kaya ako nakilala ehh hindi pa naman ako nakakapagpakilala sa kanila.

"Don't worry Miss Celestina, wala kang kasalanan" halaa pano niya nabasa isip ko wahhhh!!! Psychic ba siya!? Mag-isip ka ng ibaaaaa Celestina!!! Chicken... Notebook... Laptop... Carbonara... Ballpe-

"Sorry, ititigil ko na kung ayaw mo. Tara na Miss Celestina" saad niya kaya naman bigla akong naginhawaan. Naglakad ako kasunod niya, naalala ko tuloy nung naglalakad kami ni sir ramon papuntang office, grabeee sobrang nakakahiya. Ngayon parang ganoon na naman ang pakiramdam ko, pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito, yung para bang kinakatakutan nila ako. Sa tingin ko ay tinitingnan nila yung scar sa may bandang gilid ng leeg ko, ano kayang kinakatakutan nila doon?

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na din kami sa office, hindi ko namalayang nakabukas na pala ang bibig ko dahil sa pagkamangha, sobrang laki ng office at punong-puno ito ng samu't-saring imbensiyon. Nakita ko ang sarili ko na naka-project sa isang parang hologram tapos nasa tabi nito ang mga impormasyon ko.

"Iyan ang kasagutan kung bakit alam ko ang pangalan mo... Ako nga pala si Dave Fuentes" 

"Paano po napunta diyan ang impormasyon ko, ehh wala naman po akong ibinibigay na impormasyon sa gumawa nan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hinawakan mo ba yung diamond pillar?" Muntik na akong mapatalon at mapasigaw dahil sa takot nang may biglang akong narinig na boses na sumingit.

"Ah-ako p-po, yun ba po yung parang kristal na poste na nasa gitna nung mga puno?" Sabi ko at biglang lumabas sa isang parang imbensiyon ang isang babae, nasa mid-30's na yung edad niya pero maganda pa rin siya. 

"Yun nga, umilaw ba nung hinawakan mo ba yun?"

"uhmm opo, bakit po?"

"I invented that thin-"

"Woaahh ang galing n'yo naman po" pagputol ko sa kanya dahil sa sobrang pagkamangha ko.

"Igalang mo siya, siya si Mrs. Torre, siya ang headmistress ng school na ito" bulong ni sir dave sa akin.

"Sorry po, continue..."

"Once na hinawakan mo ang diamond pillar na iyon, mag-eemit yung ng colored light depende sa element na kaya mong manipulahin.

Ang Red ay Fire Element,

Ang Brown ay Earth Element,

Ang White ay Air Element,

Ang Blue ay Water Element,

Habang umiilaw ang pillar na iyon, magbubukas ang part ng dimension na ito sa tapat ng dalawang wisteria tree at magbibigay ito ng data papunta sa server na siya namang ipro-project dito as a hologram kaya alam namin dito kung sino ang mga napasok at nalabas sa dimension na ito." Hindi ko na naman namalayang dahan-dahan na namang bumubuka ang bunganga ko habang nagsasalita si Mrs. Torre, although wala ako masyadong maintindihan, namangha parin ako, grabe ang galing nya talaga

"Destiny brought you here Celestina, you are one of those blessed peoples who can manipulate elements"

"Talaga pooohhh?"

"Oo Miss Celestina"

"Pwede pa ba po ako magtanong Mrs. Torre?"

"Pasensya na Miss Celestina pero marami pa kasi akong gagawin, pero kung gusto mo pwede ka ditong mag-aral para makilala mo ang tunay mong pagkatao, payag ka ba?" 

"Syempre naman po" sagot ko sa kanya nang walang pag-aalinlangan, sa tingin io din naman

"By the way, may dalawang main sect ang nasa school, ang earth sect at heaven sect. Usually napupunta ang mga estudyante sa Heaven sect kapag kaya nilang manipulahin ang Fire o Earth element at kung mataas ang concentration ng yang sa katawan mo. 

Sa Earth sect naman mapupunta ang mga estudyante kapag kaya nilang imanipulate ang Air o Water element at kung mataas ang concentration yin sa katawan mo" sabi niya habang may pinipindot-pindot dun sa may parang glass o hologram ba yon. Hindi ko talaga maintindihan yung pinagsasasabi niyang yin na yan, pati yung yang na yan, kaya talagang dapat akong mag-aral sa school na to hehe. Nakita ko na may inilagay siyang parang card doon sa may table, tapos parang ini-scan nung laser yung card. Biglang lumabas yung mga info ko dun sa card kaya parang printer yung laser hahahaaa ang gulo talaga.

Laser na printer, grabe ang galing talaga ni Mrs. Torre

"Blue po yung ilaw kanina nung hinawakan ko yung pillar kaya water manipulation yung akin, so sa Earth sect po ako mapupunta?"

"No" sabi niya sabay abot sa akin nung parang card, well actually mukha na siyang I.D. ngayon dahil may lace na siyang kasama, wala nga lang cover yung card

"Why po?"

"Because you're more than those blessed."

"Huh?!"

"Mr. Fuentes, pakihatid na nga sya sa Celestial Sect"

"Celestial Sect?"

▪▪▪

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Academia Elementum   Chapter 4 - Celestial Sect

    Nagsimula na kaming maglakad ni Sir Dave, after several minutes tumigil siya sa gitna na naman nung dalawang weird na puno, ano nga ba tawag don?, Wishing Tree?, Washer Tree?, Wiserna Tree?, hmp, basta puno. Inilabas niya yung parang I.D. nya tas' itinapat dun sa may dahon nun tas' wooshh, the portal suddenly appear between the Basta Puno. Pumasok na si Sir Dave dun sa portal, tas' nagsarado kaagad, luhh siya... ansama, 'di man lang nag-intay. Ginawa ko din yung ginawa niya, then nangyari din sa kin yung nangyari sa kanya, kaya pumasok na ako gaya ng ginawa niya (haha gulo ng authorerist no?!)"Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo Miss Celestina. Yung Policy here is ~Every portal, One Tap, One Head~." Muntik na akong mapatalon nang biglahg nagsalita si sir."Ahh ganon ba po hehe" Aishh, yan na naman yung mind-reading, mind-reading na yan."Sorry""Wel-ahh okay lang po" tadaaa! Muntik na akong mapasabi ng Wel

  • Academia Elementum   Chapter 3 - A Badbye

    Inabot ng ilang minuto ang paglalakad namin ni sir ramon papuntang office, hiyang-hiya ako sa mga estudyanteng tumitingin sa akin habang naglalakad dahil kilala nila si sir ramon na galit sa mga mandaraya, alam nilang tanging napunta lamang si sir sa guidance kung meron siyang estudyante o mga estudyanteng nag-aaway o nandaraya. Ewan ko kay sir pero sa tingin ko ay may past s'ya sa mga nandaraya kaya nagkaphobia sya... ata lang... ata lang talaga yun hehe.GUIDANCE'S OFFICE"Anong kasalanan niya" tanong ng Guidance counselor na lalo kong ikinakaba"Cheating" Saad ni sir at agad namang binuklat ni Mr. Guidance counselor ang laptop nya at nag-gawa ng document, nakita kong itinype niya ang salitang "Expulsion Letter".[Emeghed Silistina, Mae-expel ka naaa, waahhhhh!!!!]"Nasaan ang I.D. nyo Miss" Sabi ni Mr. Guidance counselor kaya agad ko namang ibinigay ang I.D. koDito s

  • Academia Elementum   Chapter 2 - The Dean's Office

    Agad kong ihinanda ang mga gamit ko para bukas, nakahiga na ako sa kama ko ngayon, nagrereview para sa exam, pero hindi talaga napasok sa utak ko lahat ng mga binabasa ko, maybe distracted lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko, nag-usap kami ni Justine- este Jasmine remember, yung kaibigan kong beki kanina.Watch the Flashback.... Este Read pala hehe...FLASHBACK >>>"Besh, may periodical test pala sa susuno-" bigla n'yang tinakpan ang bibig ko kaya naputol ang mga sinasabi ko."Tumahimik ka nga baka may makarinig sa atin" s/he murmured while covering my mouth by his/her hand.Tinanggal ko ang kamay nya sa bibig ko at pagharap ko... Teka lang, galing sya sa cr???"San ka galing?" Tanong ko sa kanya"Sa C.R namin, bakit""C-c.r? A-anong ginawa mo?""Umihi lang ako""Ahh umih- UMMIIHHII!?""

  • Academia Elementum   Chapter 1 - Time Runs Backwards

    "TIINNNAAAAAAAAAAAAA!!!" bigla na lamang akong itinulak at isang napakalakas na preno mula sa isang jeepney ang aking narinig."Alagaan mo si Papa, Magpakabait kang babaita ka." at dun ko na lang napagtanto na si kuya pala ang tumulak sa akin."KUYAAAAA!!!" sigaw ko....; habang pinapanood ko s'yang maligo, maligo sa sarili n'yang dugo.....; habang pinapanood ko s'yang respondehan ng mga tao, while standing infront of his body soaked in his own blood.....▪▪▪"Dead on Arrival." Sabi ng isang doctor kaya para akong pinagsakluban ng langit at lupa kaya hindi ko na mapigilang bumuhos ang mga luha ko, I calmed myself, I didn't give up, my hope never lose."D-Doc, please..." nagmamakaawa kong sambit at tila ba muling nagbabadyang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko "T-Try your best""We're really sorry Miss..... Time of Death' 4:37.""D-doc, D-doc p-please

  • Academia Elementum   Academia Elementum

    How do you define school?How many schools do we have in the world?How many schools do you have in your country?How many schools do you have in your city or province?How many schools did you know?In what school were you enrolled?Do you know who built the school you were enrolled?Do you know why they built the school you were enrolled?I know there are hundred of thousands of schools in the world... Public schools... Private schools... Junior high schools... Senior high schools... Elite schools... however you class it.But i also know a different school...A school built only for those blessed...Elemental Manipulators...A rare school...Want to know why?Then read the whole story to know what is...Ac

  • Academia Elementum   Front Page

    Academia ElementumHello readers?, this is my first book to be written and to be published . I hope na magustuhan nyo to. Don't expect for too much i'm just a newbie writerister and also expect for Grammatical and Typograpical Errors kaya paki-intindi nalang po hehe. Pero isa lang ang nasisiguro ko sa inyo , mag-eenjoy kayo at ma-aamaze dito. Sorry po kung hindi ako laging makakapag-update, la ehh, di tayo reachked. Makakapag-update lang po ako kung may load wala po kasi kaming wi-fi hehehe. Fantasy po talaga yung main genre nya, tapos yung iba na idinagdag ko ay unti lang yung part na merong ganon sa mga chapter. Fan po talaga ako ni Naruto-san, ang "naruto" po talaga ang inspiration ko sa pagsulat ng book na ito. Kung fan din po kayo ni Naruto, pa-follow at pa-like naman po ng page na @Gwiyeobda21, marami po d'yang wallpapers, facts

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status