LOGINSa isang liblib at hindi kilalang baryo napdpad ang apat na magkakaibigan habang sila ang nagbabakasyon. Ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, makikilala nila ang isang babaeng nagngangalang Carolina. Ngunit habang sila ay nananatili sa baryo, mayroon silang hindi inaasahang madidiskubre. Sa pagtuklas nila ng sikreto ni Carolina, buhay nila ang magiging kapalit. Sino nga ba si Carolina? Ano ang lihim na kayang itinatago?
View MoreNakatulalang nakatingin sa kawalan si Samantha. Natuyo na ang kanyang mga luha sa pisngi. Pakiramdam din niya ay wala na siyang mailuluha pa. Nasa kandungan pa rin nito ang wala nang buhay na katawan ni Charlie. Pinagmasdan ni Samantha ang bangkay ng kanyang nobyo. Hinawi nito ang buhok ni Charlie bago niya ito bigyan ng halik sa noo. Dahan-dahan ay inalis na niya ang ulo ni Charlie sa kanyang kandungan bago ito dahan-dahan tumayo.Napansin na naman niyang muli ang bangkay ni Carolina. Puno pa rin ng galit ang nararamdaman ni Samantha kay Carolina kahit na napatay na niya ito gamit ang sarili niyang mga kamay. Lumapit pa ito sa pugot na ulo ni Carolina. Masama ang tinging ibinato niya dito bago niya sinipa ito ng ubod ng lakas. Dahan-dahan ay bumalik si Samantha sa bayan.Tahimik.Mainit.Walang tao.Ito ang mga napansin ni Samantha. Gusto niyang tumawa ngunit hindi niya magawa. Gusto niyang matawa sa katangahan nila. Simula palang ay w
Pilit pa rin inaagaw ni Samantha kay Carolina ang hawak nitong butcher's knife. Pilit na lumalaban si Samantha kay Carolina. Hindi makapapayag si Samantha na si Carolina ang papatay sa kanya. Buo ang kaisipan niyang hindi siya mamamatay sa lugar na ito.Diniinan ni Samantha ang pagkakahawak niya kay Carolina. Sinigurado nitong babaon ang kanyang mga kuko sa balat ni Carolina. Unti-unti ay nakikita ni Samantha na nasasaktan din si Carolina kung kaya't mas diniinan pa nito ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa balat ng dalaga. Ganito din ang ginawa ni Samantha sa isang kamay ni Carolina na kanya rin hawak.Damang-dama ni Samantha ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa balat ni Carolina. Namamasa na rin ito dahil sa dugong lumalabas sa sugat na ginagawa niya. Mamaya-maya pa'y nararamdaman na nito ang laman ng braso ni Carolina sa kanyang mga kuko. Nang mas diinan ni Samantha ang pagbaon ng kanyang kuko ay nasaktan na nang tuluyan si Carolina. Kinuhang pagkakataon ito ni Samantha
Matinding sakit ng ulo ang naramdaman ni Samantha nang magising ito. Nakakaramdam ito ng matinding kirot. Ramdam din nito na para bang may malagkit na likido sa gilid ng kanyang mukha. Minulat nito ang kanyang mga mata ngunit wala siyang makita dahil sa sobrang dilim ng buong lugar. Nang nasa huwisyo na siyang muli ay saka lang nito napansin ang masangsang na amoy na bumabalot sa kinalalagyan niya. Para siyang masusuka ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili.Sinubukan din ni Samantha tumayo ngunit hindi niya magawa. Ramdam nitong nakagapos ang kanyang mga kamay sa likuran. Kahit ang mga paa nito'y nakagapos din. Nang subukan niyang galawin ang kanyang kaliwang braso ay nakaramdam siya ng matinding hapdi. Saka lang nito naalalang matindi ang sugat na nakuha niya dito.Mula sa pagkakagapos ng kamay niya sa likuran ay ramdam niyang may pares pa ng kamay ang nakatali dito. Sa unang hawak palang niya sa mga kamay na iyon ay alam niyang si Charlie iyon. Hinawakan niya ang
Kinabahan si Charlie sa kanyang nakita. Nagising siya sa kalagitnaan ng gabi dahil naramdam ito ng uhaw. Nais niya sanang uminom ng tubig kung kaya't dahan-dahan siyang tumayo mula sa tabi ni Samantha at lumabas ng kwarto nila. Papunta na siya sa kusina nang makita ang ganoong hitsura ni Carolina. Puno ng dugo ang kanyang damit. Base sa nakikita niya, alam nitong sariwa pa ang dugong nasa damit ni Carolina."Bakit gising ka pa? May kailangan ka ba?" nakangiting tanong ni Carolina kay Charlie."A-Anong nangyayari sa'yo?" nangangatal na tanong ni Charlie kay Carolina. Bigla nalang ito nakaramdam ng takot sa dalaga sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.Imbes na sagutin ang tanong nito, nakangiting lumapit si Carolina kay Charlie. Dala ng takot ay umaatras si Charlie sa bawat hakbang na gawin ni Carolina palapit sa kanya. Dahil sa pag-atras nito'y hindi na niya namalayang napasandal na siya sa pader. Hinarap niya si Carolina. Isang hakbang nalang ang layo nito sa ka



![Fated to Marry the Devil [Tagalog]](/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

