Pinagluto nga sila ni Carolina ng hapunan. Mabait naman pala ito, sa isip-isip nilang apat. Naisip din nila na masama nga pala talaga ang mangilala base lamang sa itsura ng isang tao. Si Carolina na rin ang naghanda ng mga plato at kubyertos na gagamitin nila "Sana magustuhan niyo ang luto ko." sabi ni Carolina.Nagsiupo na sila sa kani-kanilang mga upuan. Tinignan naman ni Joanna ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Marami ang mga niluto ni Carolina, nasabi nito sa kanyang isipan. May dinuguan, may nilagang baboy, adobong baboy at ginisang gulay na nakahain sa mesa."Ang taray! Ang daming meat na naka-serve! Masisira na naman ang diet ko." komento naman ni Rex ng makita ang mga pagkaing nakahain sa mesa."May katayan kasi ako malapit dito. Kaya pagpasensiyahan niyo na kung may maaamoy kayong mabaho sa di kalayuan dito. Ayaw mo ba ng ulam? Gusto niyo bang ipagluto ko pa kayo ng iba?" "Ay girl, hindi na! Nagulat lang kasi ako. Ang dami mon
Last Updated : 2020-09-09 Read more