Pilit pa rin inaagaw ni Samantha kay Carolina ang hawak nitong butcher's knife. Pilit na lumalaban si Samantha kay Carolina. Hindi makapapayag si Samantha na si Carolina ang papatay sa kanya. Buo ang kaisipan niyang hindi siya mamamatay sa lugar na ito.Diniinan ni Samantha ang pagkakahawak niya kay Carolina. Sinigurado nitong babaon ang kanyang mga kuko sa balat ni Carolina. Unti-unti ay nakikita ni Samantha na nasasaktan din si Carolina kung kaya't mas diniinan pa nito ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa balat ng dalaga. Ganito din ang ginawa ni Samantha sa isang kamay ni Carolina na kanya rin hawak.Damang-dama ni Samantha ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa balat ni Carolina. Namamasa na rin ito dahil sa dugong lumalabas sa sugat na ginagawa niya. Mamaya-maya pa'y nararamdaman na nito ang laman ng braso ni Carolina sa kanyang mga kuko. Nang mas diinan ni Samantha ang pagbaon ng kanyang kuko ay nasaktan na nang tuluyan si Carolina. Kinuhang pagkakataon ito ni Samantha
Last Updated : 2020-09-09 Read more