LOGINGIRLFRIEND
"Naku Anak, okay ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong ni mama na imbes magmukhang nag-aalala ay parang natutuwa pa.
Napailing na lang ako.
"Wala Ma, wala lang po talaga akong gana," matamlay kong sagot. Ibinaba ko ang kutsara't tinidor.
"Tsk, okay na rin yan. Pangatlong sandok mo naman na iyan. Okay lang kahit hindi limang pinggan ng pagkain ang kainin mo para kahit papaano anak madiet ka naman." Suhestiyon ni mama na ikinainis ko.
"Ma!" Saway ko sa kanya.
"Anak iniisip ko lang ang kalagayan mo. Hindi na normal ang size mo. Okay sana kahit kumain ka nang kumain basta healthy at nag-eexercise ka!"
Napakamot ako sa ulo. Tinry ko naman magdiet at mag-exercise. Pero isang araw pa lang sumuko na ako. Hindi ko talaga siya kaya.
I'm fat but I'm sexy. Nasa posisyon lahat ng kurba ko. Pero ewan ko ba sa mga kapwa pinoy kung bakit nilalait nila ang ganitong katawan. Hindi nila ma-appreciate ang ibang bagay na meron ang mga matatabang tulad ko.
Sa ibang bansa, when we had our vacation, halos purihin nila ang kaseksihan ko, kinukuha nga nila akong maging modelo sa magazine.
Hindi lang kasi ako seksi. I had a pretty face too. Nababalutan nga lamang ng taba , double chin at halos wala nang leeg.Nagpa-alam na lang ako kay Mama at nagkulong na lamang sa kwarto.
Imbes na mag-aral ay nanood ako ulit ng favorite korean movie ko.Yung 200 pounds beauty.Naisip ko tuloy, magpapayat din kaya ako gaya ng ginawa ng bida. May pera naman kami. Dad ko ay isang hapon.
Nabuntis niya si mama noong nasa Japan ito bilang entertainer.Umuwi si Mama na hindi alam na buntis pala siya.Kaya apelyido niya ang gamit ko.
Ito na lang na malaki na ako na nakilala ko si Papa. Mayaman si Papa dahil sa sipag at tiyaga.Nagkabalikan na rin sila ni Mama.Kaya si mama paroo't parito sa Japan para alagaan si Papa dahil matanda na rin ito. Speaking of Japan, puwede akong pumunta roon magbakasyon at the same time doon na rin magpalyposuction...
Pero huwag na,gusto ko pa rin naman ang natural beauty. Gusto ko kapag magkalovelife ako eh yung tanggap ako, kahit anong size ko.Zombie mode pa rin ako kinaumagahan. Hindi talaga ako nakatulog.
"Anong nangyari sa iyo Diozza?" maarteng tanong sa akin ni Mart habang busy sa paglalagay ng fake na eye lashes. Itong si Eula naman pinisil ang aking pisngi.
"Aray," saway ko sa kanya, sabay irap.
"Eyebag mo tumaba na rin. Pinakain mo ba ng puyat?"
Natawa ako, pero namangha din. Minsan may utak din itong si Eula eh, sa kalokohan nga lang. At eto na si Mahinhin, pakembot-kembot na palapit sa amin. With her short short short shorts! Hay andaming "short" na yun ah and spagetti strap top. Maarteng naupo sa aking likod.
"Anong meron?" sabay-sabay naming tanong. And boom ayun iiyak na, kapag ganito kasi ang outfit for sure may something!
"Brineak ako ni Ashton friend!" sisinghot-singhot ito. Inabot naman ni Martha ang isang box ng tissue.
Nagkatinginan kami ni Eula.
Itong si Martha naman niyakap na niya ang nagdradrama naming kaibigan. Broken hearted nga ata talaga,for the firts time,umiyak ito dahil sa lalaki.Mahal na mahal niya siguro."Friend, okay lang yan. Hindi siya para sa iyo. At least natuto kang magmahal ng totoo di ba? What the matter is, you love him wholeheartedly. Kung hindi niya naappreciate yun, hindi ka niya deserve," payo ko. Tsk, may pinaghuhugutan te?
I don't know why pero napalingon ako sa gawi ni Adonis. Mataman din siyang nakatingin sa akin, pero agad na umiwas ng tingin.
Bakit ba siya laging nakatingin?Mag-iisip na sana akong type niya ako eh...pero yung tingin niya kasi parang may kasamang galit. Agad namang napaupo ng maayos si Mahinhin. Kunot noo at nag poute pa ng lips sa akin.
"Sinong nagsabing iniiyakan ko siya dahil mahal ko, excuse me? Umiiyak ako dahil naunahan ako sa pakikipagbreak. This is the firts time and my pride hurt not my heart, duh!" super-duper arte niyang sabi!
Tinaasan ko siya ng kilay."Oh eh bat galit ka?" Yung tanong hindi naman para kay Mahinhin eh, kasi nakatingin ako kay Adonis.
Bumuntong hininga si Adonis at nag iwas na ng tingin sa akin.Naalala ko na naman ang nakita at narinig ko kahapon. Nakaka-awa siyang nagmamakaawa sa ex niya.
Hindi ko lubos maisip na ang tulad niya ay magagawa ang ganoon.Sabagay, napakaganda naman kasi ng ex niya. Wala man lamang ako sa kalahati. Wait! Erase,erase,erase that! Bakit ko pa kinokompara ang sarili ko. Iba naman ako sa kanya! Unique ang beauty ko!Matamlay ako buong araw. Nahalata ito ng barkada kaya noong magpaalam ako na uuwi na, agad silang pumayag. Dati kasi pasyal pasyal at kain bago uwi.
Nasa parking lot ako at hinihintay si Mang Ben ng mamataan kong parating sina Crystal at grupo ni Bryan na boyfriend niya.
Nagtago ako sa may puno kaya hindi nila ako nakita. Mas malaki kasi yung katawan ng puno mga besh."Bakit kayo magkausap kahapon?" galit na tanong ni Bryan hila-hila sa braso si Crystal.
"We just talk about our break up, nothing else!" naiiyak na sagot naman ni Crystal.
"Break up o nakikipagbalikan? Is that why nandito siya dahil sinundan ka?"
Nakita kong umiling lang si Crystal. If I'm right prinoprotektahan nito si Adonis.
"Makita ko lang na kausapin ka pa, ipapabugbog ko talaga siya. Or worst, ipapaexpel ko siya dito sa school."
"Please don't do that, wala naman siyang ginagawang masa..."
Napapikit ako ng mariin nang akmang sasampalin ni Bryan si Crystal. Gustong-gusto ko nang lumabas sa tinataguan. Kaya lang natakot ako, lalo na at andoon lang sa malapit ang barkada ni Bryan, nanonood sa eksena.
Alam niyo na mga beshie, maganda ang bida niyo kaya baka mapansin nila ako. Habulin pa ako 'di ba.
"Ipinagtatanggol mo pa talaga! Boys, umpisaham niyo na..."
I can't think straight. Ano ang dapat kong gawin. Ayaw kong madamay sa gulo. Pero may nagtutulak sa akin na tulungan si Adonis.
Pero paano?
Nanginginig ang tuhod ko habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Napatingin ako sa cp ko.
The picture! O siya sige, magpapahabol na ako!"Wait!" malakas kong sigaw . Nanginginig pa ang tuhod ko na lumabas mula sa puno.
Gulat at takot ang nakita ko sa mukha ni Crystal. Samantalang galit si Bryan."Anong ginagawa mo dito porky? Are you spying on us?"
Never mind the insult Diozza!
"Kung may mangyari sa boyfriend ko, isusumbong ko kayo sa pulis!" utal kong saad. Parang demonyong tumawa ang demonyong si Bryan!
"Boyfriend? Who?" Nang-aalaska ang ngiti nito.
Nanginginig ang aking kamay na itinaas ang aking cellphone at ipakita ang picture namin ni Adonis, kahit pa nga tulog ito. Nanlaki ang mga mata ni Crystal, ngunit bigla ring naging blanko ang ekspresiyon.
Si Bryan ay lalong nademonyo. Humalaklak ito na parang baliw."Boyfriend mo? Oh come on?"
"Ayaw mo maniwala? Oh eto pa." Pinakita ko sa kanya lahat ng picture. Pati yung picture na hubad si Adonis. Gusto ko ngang idukdok yung cellphone ko sa pagmumukha niya nang maduling!
"Ako ang sinundan niya dito, nahumaling na siya sa akin simula noong matikman niya..." I paused for a moment.
Kailangan ng suspense mga bhe, kasi yung mga mukha nila oh, curious na curious! Nangunot tuloy at nagsalubong ang kilay ni Bryan sa paghihintay ng kasunod sa sasabihin ko.
"Yung alak sa bahay ko," I said with matching irap sa kanila. "Isa pa, hindi kami showy kasi...kasi nga..." wala akong maisip na dahilan. Think Diozza, nasaan na ang utak mong mataba gaya mo. Nasulyapan ko si Crystal.
"Kasi kabrebreak lang nila." Itinuro ko si Crystal
Biglang naningkit ang mata ni Bryan.
Oh hell, I just wish na dumating na si mang Ben. O lamunin muna ako ng lupa. Napatingin ako kay Crystal na halos hindi na makatingin sa mga picture na pinakita ko."Oh babe, yung ex mo masyado yatang ibinaba ang sarili." naningkit ang mata ko sa kanya. Nakakarami na ito ah! Ang sarap sapakan ng basura ang bunganga. Nakakapanggigil!
"Pero bagay kayo, Miss porky and Mr poor. Wag mo na pakawalan ha!" Sabay tapik niya sa balikat ko. Pumasok sila sa kotse at umalis na.
Napaupo ako bigla sa semento.Anong nagawa ko? Patay ako
After dinner nanood muna kami ng mga sumasayaw. Folk dances ang kanilang sinayaw.I had fun memories to keep with him.We held hands the entire show."Let's go."Tumayo na kami at bumaba na. I'm holding my purse baka sakaling kailangan o magkulang ang pera ni Adonis. Pero nagtuloy tuloy kami palabas.Hindi pa siya nagbabayad ah. I freak out.Pero walang humabol sa amin, lahat ng waiter na makasalubong namin ay thank you sir at mam ang sinasabi.Hinila ko ang kamay niya na hawak ko.Lumingon siya sa akin."Dont worry about the bill. It's all set." He said. Pero hindi ako naniwala kaya nanatili lang akong nakatayo at hindi gumagalaw."It's paid Diozza," tatawa tawang saad niya at hinihila na ako palabas."Bayad na iyan sa paghuhugas ko ng pingan ng buong linggo," natatawang pahayag niya. Halatang nag jojoke siya.Pero kinagat ko ang joke na iyon, eh paan
As days goes by, laging nag-uusap si Adonis at Crystal. Pinigilan ko ang aking sarili na magreact at magselos . Kahit deep inside ay talagang masakit na masakit."Bruha, is Adonis cheating on you?" tanong ni Mahinhin na nakataas ang iang kilay at mataray ang hilatsa ng mukha."Hindi kayang gawin iyan ni papa Adonis ah!" Si Eula na number one taga pagtanggol ni Adonis.Umiling ako."Loyal si Adonis sa akin,"sagot ko sa nag aalalang kaibigan. Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin."O, eh bakit sila magka usap na naman ng ex niya!" Mataray na saad ni Martha.Nagkumpulan kaming apat sa likod. May thesis na pinapagawa ang teacher namin, kami ang magkakagrupo as usual.Pero imbes na thesis, chismis ang inatupag namin."They are just catching up. Being a good friends, matagal ang pinagsamahan nila!" I sound being tanga and martir ."Exactly, they h
Near to our so called " Five monthsarry" marami kaming pinagtatalunan ni Adonis. Isa na doon ang pananamit ko, na dati naman na, na ganoon.Sobra siyang iritado kapag nakadress ako. Kaya kahit mainit ay lagi itong may dalang jacket.Last tampuhan namin sabi niya kumot na daw ang dadalhin niya next time para ibalabal sa akin ng buo.Pero ang pinakamatindi naming away ay noong makita ko silang nag uusap ni Crystal. I dont want to be jealous, I dont want to feel it, ilang beses ko ng pinapaalalahanan ang sarili ko. Still I'm fucking jealous!Iniwanan ko si Adonis at hindi nagpapaalam. Hindi naman ako umuwi agad. Nagpagala-gala lang ako sa mall. I know I become bad influence na sa inyo mga beh, lagi na lang akong absent o kaya nag cu-cut ng class. Sorry, I just really need distraction. Para makalimot kahit papaano. Rarampa na lang ako sa mall.Nagtagal ako sa mall. Pag kauwi ko alas otso na ng gabi at hayun, nandoon
Nag half day lang ako sa school at umuwi nang hindi nagpapaalam.Ayaw kong makita ako nila Martha lalo na si Adonis na mugto ang aking mga mata. It sucks! Kahit ano pa lang tatag ko, I still cry.Walang humpay ang text at tawag sa akin, lalo na si Adonis. Binagsak ko ang aking katawan sa kama. I close my eyes when my cellphone start to ring again.Nagdalawang isip akong sagutin iyon.Si Adonis kasi. Pero kung 'di ko sagutin baka akala iniiwasan ko siya."Hello" pilit kong pinasaya ang boses ko."Where are you? You cut class? Are you okay?" Sunod sunod niyang tanong. Nahihimigan ko ng pag alala ang kanyang boses na lalong nagpakirot sa puso ko."I'm okay. Umuwi na ako. I'm just dizzy,"sagot ko sa kanya. Muling tumulo ang luha."Sinabihan mo sana ako para naihatid kita. Nag aalala kami dito. You didn't come back at 'di ka namin mahanap." may tampo sa tono nito.
Adonis never change. Mag lilimang buwan na kaming nagprepretend pero hindi ko siya nakitaan ng anumang pagbabago. 'Yun lang naging busy ito sa pagtatrabaho. Kaya minsan ay walang oras sa akin. Pero naiintindihan ko siya. Minsan gusto ko na nga bigyan ng pera dahil naaawa ako. Pero as a man's pride, ayaw kong tapakan iyon. Ang tanging nagagawa ko na lamang ay ang ipagluto siya ng pagkain at dalhin sa boarding house niya.Oh di ba, asawang-asawa ang peg ng dyowang Diozza niya. Napapangiti nga ako kapag naiisip kong tumagal kami ng ganito, at tatagal pa siguro habang hindi narerealize ni Crystal ang kahalagahan ni Adonis. Thinking of it, parang ayaw kong dumating ang araw na iyon. Ngayon pa nga lamang may kirot na sa puso ko. Ano pa kaya kapag nagkatotoo.Minsan natutulala ako habang kinukwestiyon ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong mahulog ng husto, but can I question what
Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa school. Wala nang nambubully sa amin. Paano naman kasi, para naming bodyguard si Adonis dahil sa lahat ng lakad ng barkada nandoon siya.Ipinagtataka ko lang na ilag sa kanya ang mga lalaking estudyante. Kahit ang mga bully noon at sanggano, parang ilag sa kanya. Maliban na lang kila Bryan na sa tuwina ay pinagkakatuwaan ang grupo namin, kaya nga iwas kami sa kanila.Kahit bagong lipat lang si Adonis ay naging kilala siya agad sa school. And I'm part of it kasi nga GIRLFRIEND niya ang diyosang tulad ko."Si Adonis?" tanong ko kila Martha. Paupo dala ang pagkaing inorder. Gutom na gutom ako kaya hindi ko siya napansin. Yung kakainin ko kasi ang inuna ko. Mahirap na baka mangayayat ako. Sayang naman ang inipon kong taba ng labing siyam na taon kung pababayaan ko lang."Hindi ba nagpaalam sa iyo?" tanong ni Mahinhin na hanggang ngayon ay duda sa relasyon namin ni Adonis.