Nice Meeting You100 kilos! Mabigat na raw iyon. Panghandaan na. Baboy, pero huwag ka, 38-32-40. Sexy at maganda ang kurba.Malaman lang ako pero hindi ako baboy gaya ng sinasabi ng iba riyan na inggit sa ganda ko.I'm Pretty Diozza Gonzales.Kaya call me Diozza, para diyosang-diyosa. Sabi kasi ng nanay ko na si Beauty Queen Gonzales, ako raw ang pinakamagandang sanggol noong ipinanganak ako. O, 'di ba! Iba rin ang nanay ko, magaling manghula kung gaano kaganda ang anak niya paglaki. Kanino ba naman ako magmamana, e 'di sa kanya.Heto ako ngayon, lumalamon habang nagmomovie marathon sa theater room sa bahay. Nakaharap ako sa isang malaking screen, nakataas ang isang paa sa upuan habang nagkakamay na nilalantakan ang grilled chicken. Hindi ako sinipot ng mga lukaret kong friends, kaya heto mag-isa akong kumakain sa mga pinahanda ko pa
Last Updated : 2020-09-29 Read more