LOGINBoyfriend
"Hindi kaya ma flat yan kapag sumakay ako?" Tanong ko. Hindi dahil mataba ako mga besh ha! Siyempre ang lola niyo first time sumakay ng motor. Tapos yung gulong ng motor niya, ang papayat. Nainggit tuloy ako sa gulong.
Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla itong humagalpak ng tawa.
"Hindi," he said as he still laughing hard. Ginawa na akong katatawanan ng gago.
"Sakay na. Ihahatid na kita."
Alangan pa rin muli kong sinipat ang motor.
"Nandidiri ka ba? Sanay ka kasi sa kotse eh!" biglang naging seryoso ang lalaking ito!
"Hindi ako nandidiri! Eto nga sasakay na. Siguruhin mo lang na maiuuwi mo ako. Baka 'di pa tayo nakakalayo, pumutok na ang gulong mo!" pagalit kong sabi bago sumakay. Lumundo nang kaunti kaya napakapit talaga ako sa kanya. Natatawang binigay niya sa akin ang isang helmet na agad kong isinuot. Tinulak ko siya sa balikat.
"Tatawa-tawa ka diyan!"
Nasa ganoong kaming naghaharutan noong dumaan ang kotse ni Bryan sakay silang dalawa ni Crystal.
Sumipol ito."Woah, kawawa naman iyang sasakyan ninyo. Ingat na lang!" sigaw niya habang nilalagpasan kami.
Hindi kami umimik ni Adonis. Nagkatinginan lamang kami, tipid ko siyang nginitian. Pinaandar niya na ang motor .
"Kumapit ka," utos niya
Kahit hindi niya sasabihin kakapit talaga ako. Ayoko ngang mahulog.
Masakit kaya!Parang love lang, kapag hulog na hulog ka na may possibility na masaktan ka! Buti sana kung saluhin ka 'di ba.Sa awa ng Diyos, nakauwi naman ako nang ligtas. Walang isa mang gasgas . Kahit pa nga pinaglokoko ako ng kasama ko. Paano kasi, may times na binibilisan niya ang patakbo. Ayan tuloy, kapit na kapit ako sa kanya!
Parang 'di naman gusto, eh halos tumalon na ang puso ko sa kilig!
"Pasok ka muna," anyaya ko sa kanya kahit alam ko naman na tatanggi siya. Okay naman na hindi na kami magkunwari, wala naman nang ibang nakakakita sa amin.
"And we need to talk!" Seryoso niyang saad na nauna pang pumasok sa bahay.
Nakalimutan kong mag-uusap pala kami. Sign of aging mga beh!
Napatakbo ako bigla paloob ng bahay nang marinig ko ang isang sigaw."Anong nangyari?" Humahangos kong tanong. Pero agad din akong napasimangot nang makita ko si mama habang nasa harap na ni Adonis , sinusuri at pinipisil pisil ang katawan nito.
Naku mama, hindi ko pa nga napipisil yan inunahan mo na ako!Padabog at halos lumindol sa bigat ng padyak ko palapit sa kanila. Hinila ko si Adonis mula kay mama at pinandilatan si mama."Ma?" I gave her " akin yan look"
"Anak? Bakit may gwapo kang kasama?"
Narinig kong tumawa si Adonis kaya siniko ko ito.
"Ma, doon lang kami sa kwarto ko, may pag-uusapan kami." Hinila ko si Adonis patungo sa kwarto ko.
"Bakit sa kuwarto mo anak? Pwede naman sa sala?"paghabol na tanong ni mama. Mas lalo ko tuloy siya pinandilatan ng mata.
"May istorbo kasi Ma!" Sabi ko na siya ang pinaparinggan.
Hinila ko si Adonis sa aking kwarto. Sorry mga beh, aggresive ba? Landi ba tignan dahil sa kwarto ko talaga dinala? Eh kasi rarape-in ko na talaga- hindi na lasing at willing naman sumama eh.
Joke lang. Ayaw ko kasing marinig ni mama. Mahirap na di ba?"Wow! gusto mo si Keanu Reeves?" tanong niya pagkapasok. Kasalukuyan kong sinasara ang pinto.
Dont worry, hindi ko nilock."Hindi halata! Nagtanong ka pa eh halos siya na laman ng dingding ko."
Napakamot siya sa ulo. Tapos naupo siya sa gilid ng aking kama kahit may couch naman.
"Anlaki ng kwarto mo, wala pa sa kalahati ng inuupahan ko," puna niya.
Tinitigan ko siya habang manghang pinagala ang tingin sa buo kong kwarto. Pareho silang working student ni Cresh dahil hindi naman sila mayaman. Noong una ayaw kong maniwala, lalo na kay Cresh dahil napakakinis ng balat nito. Pero sa tinagal tagal ng pagsasama namin, pinaniwalaan ko siya. Magtatatlong taon na kasing server ito sa isang coffee shop.
Bakit hindi ko siya kaklase ngayon? Lumipat kasi siya ng school na malapit sa trabaho niya. Si Adonis? Working student din nagcoconstruction kaya nga ganda ng katawan. Tapos ang bango-bango pa niya kahit ganoon ang trabaho niya.
Sarap amuy-amuyin"Ahem!"
Napatingin ako sa kanya.
I potruded my lips as he was smiling.Nagtataka talaga ako na nag-iba ihip ng hangin. Last time, he was damn mad at me, iniignore pa niya ako na parang hindi kilala, parang utot lang ba, naamoy na't lahat ignore pa rin. Ngayon panay ang ngiti niya sa akin."Anong plano mo?" I asked as I sit beside him.
He look at me in serious face.
"Ikaw?"
Napalabi ako. Ibalik ba sa akin ang tanong. Kung ako tatanungin, okay lang na magpanggap kami. Save na ako sa kahihiyan, may boyfriend pa akong gwapo. Kahit panggap lang 'di ba?
"Ewan ko sa 'yo?" kunwaring tampo effect ako. Baka effective, suyuin ako.
Nilaro laro ko ang aking mga daliri.
Alam kong nakatitig lang siya sa akin.Narinig ko siyang bumuntong hininga."May plano ka?"
Hinampas ko na siya. Ako ba talaga magdedesisyon?
Napabuntong hininga rin ako."Do you want Crystal back?"
Kunot noo, tinignan niya ako ng masama. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?" Galit kong tanong ulit.
Nakita ko siyang tumango. Parang may tumusok sa puso ko.Mahal niya talaga si Crystal.
Nakaramdam ako ng inggit sa babae.Kailan kaya ako magkakaroon ng lalaking gaya ni Adonis na mamahalin ako nang gaya ng pagmamahal niya kay Crystal.Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob.
"Let's keep on pretending. You save me from kahihiyan, I save you from Bryan. It's a win-win situation?" Sabi kong nagpakunot lalo sa noo niya.
"At paano babalik si Crystal sa akin sa plano mo?" duda niyang tanong.
Wow ha! Wala siyang bilib sa akin.
"She will come back to you, I'm sure of that!"
"How?"
Ang kulit! Paano ko nasabing babalik sa kanya? It's a woman instinct. Nararamdaman kong mahal pa talaga siya ni Crystal. Her eyes never lie too.
Ewan ko kung ano dahilan niya para iwan si Adonis pero nasisiguro kong mahal pa niya si Adonis.Magkakabalikan ang dalawa kung patuloy kaming magprepretend.
Natulala ako sa isiping iyon."Huy!" Niyugyog ako ni Adonis dahil sa pagkakatulala ko.
"Ano?" Inirapan ko siya. Hindi pa niya inaalis ang kamay sa balikat ko.
"Paano nga?"
Gusto kong tumawa. Para lang siyang bata na naghihintay ng candy.
Cute niya sa lagay na to. Pero siyempre mas gusto ko yung Adonis na mature."Basta!" Sabi ko.
Bigla na lamang niya ako kiniliti.
"Ayaw mo sabihin ah!"
"Tama na!, Adonis!" Sigaw ko.
Tumatawa akong sinasalag ang pagkiliti niya sa akin.
Nabuwal tuloy kami sa aking kama. At dahil patuloy siya sa pagkiliti, nadaganan ko siya ng kaunti."Anak huwag, ayaw kitang makulong!" Hysterical ang pagpasok ni mama sa aking kwarto. May dala dala itong tray nang meryenda.
Agad kaming umayos ng upo ni Adonis."What are you saying ma?"
"Anak, baka mapatay mo si pogi sa bigat mo. Nakadagan ka na" OA na reaction ni Mama.
Nahilamos ko ang kamay sa aking mukha.Humagalpak naman sa tawa si Adonis na lalong ikinabwisit ko.
Nanay ko talaga, wala sa ayos. Hindi siguro nakainom ng gamot sa pagkaloka loka niya.
Tumayo ako. At hinatak patayo si Adonis."Umuwi ka na nga!" Pagtataboy ko.
Tinutulak ko na siya palabas ng bigla niya akong pina ikot at niyakap mula sa likod."Tita, boyfriend po ako ni Diozza"
Nanlaki ang mga mata ko sa pakilala niya. Pero mas malaki ang mata pati bunganga ni mama.
"Anong ginagawa mo?" Bulong ko. Habang si mama ay parang estatwang hindi parin gumagalaw.
"Pretending!" Bulong niya sa akin. Pero jusko po, anlapit ng bibig niya sa teynga ko.
Nakita kong gumalaw na si mama at nilapitan kami. Binitawan narin ako ni Adonis mula sa kanyang pagkakayakap.
"Seriously? Bulag ka ba hijo?" She sway her hands on Adonis eyes.
I roll my eyes.
Grabe no? Magkakaboyfriend lang ng gwapo ang isang tulad ko, iisipin ng mga tao na ginayuma o kaya naman bulag.Wala na ba kaming karapatang magboyfriend ng guwapo?
Tsk, mapauwi na nga ang mokong na ito. Baka pa magkagulo.Pero infairness. Kinikilig ako.
Hindi ko inaasahan ang gesture niyang iyon. Kinikilig ako na hindi naman dapat!Pa fall talaga tong si Adonis
After dinner nanood muna kami ng mga sumasayaw. Folk dances ang kanilang sinayaw.I had fun memories to keep with him.We held hands the entire show."Let's go."Tumayo na kami at bumaba na. I'm holding my purse baka sakaling kailangan o magkulang ang pera ni Adonis. Pero nagtuloy tuloy kami palabas.Hindi pa siya nagbabayad ah. I freak out.Pero walang humabol sa amin, lahat ng waiter na makasalubong namin ay thank you sir at mam ang sinasabi.Hinila ko ang kamay niya na hawak ko.Lumingon siya sa akin."Dont worry about the bill. It's all set." He said. Pero hindi ako naniwala kaya nanatili lang akong nakatayo at hindi gumagalaw."It's paid Diozza," tatawa tawang saad niya at hinihila na ako palabas."Bayad na iyan sa paghuhugas ko ng pingan ng buong linggo," natatawang pahayag niya. Halatang nag jojoke siya.Pero kinagat ko ang joke na iyon, eh paan
As days goes by, laging nag-uusap si Adonis at Crystal. Pinigilan ko ang aking sarili na magreact at magselos . Kahit deep inside ay talagang masakit na masakit."Bruha, is Adonis cheating on you?" tanong ni Mahinhin na nakataas ang iang kilay at mataray ang hilatsa ng mukha."Hindi kayang gawin iyan ni papa Adonis ah!" Si Eula na number one taga pagtanggol ni Adonis.Umiling ako."Loyal si Adonis sa akin,"sagot ko sa nag aalalang kaibigan. Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin."O, eh bakit sila magka usap na naman ng ex niya!" Mataray na saad ni Martha.Nagkumpulan kaming apat sa likod. May thesis na pinapagawa ang teacher namin, kami ang magkakagrupo as usual.Pero imbes na thesis, chismis ang inatupag namin."They are just catching up. Being a good friends, matagal ang pinagsamahan nila!" I sound being tanga and martir ."Exactly, they h
Near to our so called " Five monthsarry" marami kaming pinagtatalunan ni Adonis. Isa na doon ang pananamit ko, na dati naman na, na ganoon.Sobra siyang iritado kapag nakadress ako. Kaya kahit mainit ay lagi itong may dalang jacket.Last tampuhan namin sabi niya kumot na daw ang dadalhin niya next time para ibalabal sa akin ng buo.Pero ang pinakamatindi naming away ay noong makita ko silang nag uusap ni Crystal. I dont want to be jealous, I dont want to feel it, ilang beses ko ng pinapaalalahanan ang sarili ko. Still I'm fucking jealous!Iniwanan ko si Adonis at hindi nagpapaalam. Hindi naman ako umuwi agad. Nagpagala-gala lang ako sa mall. I know I become bad influence na sa inyo mga beh, lagi na lang akong absent o kaya nag cu-cut ng class. Sorry, I just really need distraction. Para makalimot kahit papaano. Rarampa na lang ako sa mall.Nagtagal ako sa mall. Pag kauwi ko alas otso na ng gabi at hayun, nandoon
Nag half day lang ako sa school at umuwi nang hindi nagpapaalam.Ayaw kong makita ako nila Martha lalo na si Adonis na mugto ang aking mga mata. It sucks! Kahit ano pa lang tatag ko, I still cry.Walang humpay ang text at tawag sa akin, lalo na si Adonis. Binagsak ko ang aking katawan sa kama. I close my eyes when my cellphone start to ring again.Nagdalawang isip akong sagutin iyon.Si Adonis kasi. Pero kung 'di ko sagutin baka akala iniiwasan ko siya."Hello" pilit kong pinasaya ang boses ko."Where are you? You cut class? Are you okay?" Sunod sunod niyang tanong. Nahihimigan ko ng pag alala ang kanyang boses na lalong nagpakirot sa puso ko."I'm okay. Umuwi na ako. I'm just dizzy,"sagot ko sa kanya. Muling tumulo ang luha."Sinabihan mo sana ako para naihatid kita. Nag aalala kami dito. You didn't come back at 'di ka namin mahanap." may tampo sa tono nito.
Adonis never change. Mag lilimang buwan na kaming nagprepretend pero hindi ko siya nakitaan ng anumang pagbabago. 'Yun lang naging busy ito sa pagtatrabaho. Kaya minsan ay walang oras sa akin. Pero naiintindihan ko siya. Minsan gusto ko na nga bigyan ng pera dahil naaawa ako. Pero as a man's pride, ayaw kong tapakan iyon. Ang tanging nagagawa ko na lamang ay ang ipagluto siya ng pagkain at dalhin sa boarding house niya.Oh di ba, asawang-asawa ang peg ng dyowang Diozza niya. Napapangiti nga ako kapag naiisip kong tumagal kami ng ganito, at tatagal pa siguro habang hindi narerealize ni Crystal ang kahalagahan ni Adonis. Thinking of it, parang ayaw kong dumating ang araw na iyon. Ngayon pa nga lamang may kirot na sa puso ko. Ano pa kaya kapag nagkatotoo.Minsan natutulala ako habang kinukwestiyon ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong mahulog ng husto, but can I question what
Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa school. Wala nang nambubully sa amin. Paano naman kasi, para naming bodyguard si Adonis dahil sa lahat ng lakad ng barkada nandoon siya.Ipinagtataka ko lang na ilag sa kanya ang mga lalaking estudyante. Kahit ang mga bully noon at sanggano, parang ilag sa kanya. Maliban na lang kila Bryan na sa tuwina ay pinagkakatuwaan ang grupo namin, kaya nga iwas kami sa kanila.Kahit bagong lipat lang si Adonis ay naging kilala siya agad sa school. And I'm part of it kasi nga GIRLFRIEND niya ang diyosang tulad ko."Si Adonis?" tanong ko kila Martha. Paupo dala ang pagkaing inorder. Gutom na gutom ako kaya hindi ko siya napansin. Yung kakainin ko kasi ang inuna ko. Mahirap na baka mangayayat ako. Sayang naman ang inipon kong taba ng labing siyam na taon kung pababayaan ko lang."Hindi ba nagpaalam sa iyo?" tanong ni Mahinhin na hanggang ngayon ay duda sa relasyon namin ni Adonis.