LOGINTahimik man sa iyong paningin, aba, maaasahan pa rin.
Dalawang lalaki ang nakatayo sa harapan ng Rainbow Agency.
Ang isa ay mayroong mala-gintong buhok. Talaga namang habulin ng babae sa ganda ng katawan at porma nito. Nakasuot ito ng amerikana at makintab na itim na sapatos.
Ang isa naman ay simple lang. Pinoy na pinoy! T-shirt na puti at kupasing pantalon.
"Oh! Bakit ang aga naman ng mga manliligaw ko?" bungad agad ng dalaga na kalalabas lamang.
She wore all pink outfit from head to toe. And a white shoulder bag to make her get up, perfect!
"Ako na maghahatid sa 'yo, Babe!" sagot ng lalaking mayroong mala-gintong buhok.
"Saan? At bakit naman?" mataray na tanong naman ng dalaga.
Natawa ang isang lalaki. Kaya naman napatingin ang dalawa sa kanya.
"Ma'am Tine, ako po ang sinasabi sa inyo ni Boss P noong isang araw. Ako po talaga ang kasama niyo ngayon na pupunta sa bahay ng mag-asawang Yuuu," paliwanag nito.
"Teka naman, Dude! Walang bingwitan ng isda! Grabe naman ka naman! Harap-harapan?" giit ng isa.
"FYI, I don't care!" malamig na sagot ng lalaking simpleng manamit.
"Oh! Wait! Huwag na kayong mag-away," awat sa kanila ni Tine.
"So, ikaw pala si JD?" tanong pa nito.
"Yes, Madam!" maikling sagot naman ng binati.
"Tsk!" reklamo ng lalaking mayroong mala-gintong buhok.
"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Yaya ni Tine rito at dumiretso sa kanyang kulay abong kotse.
"O! Ikaw mag-drive." Inabot ng dalaga ang kanyang susi sa kasama.
Napakamot naman ng ulo ang isa.
"Madam, pasensya na. Wala ho akong alam sa pagmamaneho," sagot nito.
Tumaas naman ang kilay ng dalaga. Ilang sandali lamang ay napabuntong hininga na lamang ito. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at pinaandar ito.
Ganoon din ang ginawa ng binata. Pumasok siya sa likod na bahagi ng sasakyan.
Kunot noo siyang tingnan ng dalaga.
"Bakit ho, Madam?" inosenteng tanong nito.
"Aba! Aba! Aba! Tinatanong pa ba iyan? Bakit hindi ka rito sa tabi ko?" masungit na tanong nito.
"Baka ho kasi may magalit," katwiran ng isa.
"Magalit? Saan? Sino naman?" naguguluhang tanong ng dalaga.
"Iyong nobyo niyo pong mukhang mais," sagot ng binata.
Napahagalpak ng tawa ang dalaga. Mayroon pang umalpas na luha sa kanyang mga mata.
"Iyon bang lalaki kanina ang tinutukoy mo? Si Chanler?" Umiling ito.
"Hambog talaga ang lalaking iyon! Matagal ko nang manliligaw pero basted pa rin hanggang ngayon. Sobrang kulit! Nakakainis na!" sabi pa ng dalaga.
Hindi naman na kumibo ang isa. Lumipat ito ng pwesto sa tabi ng dalagang driver.
Walang maririnig sa loob ng kotse hanggang makarating sila sa kanilang destinasyon.
"Mukhang magkakasundo tayo. Hindi ko alam, basta ramdam ko. Galingan mo, Boy!" sabi ni Tine.
"JD ho, JD Torevilla at your service!" sabay kindat nito.
"Hanga rin akong kinaya mo ang likot at kulit ng inaanak ko. Doon pa lang malaki na ang tingin ko sa'yo!" puri ni Tine rito.
Tahimik man sa iyong paningin, aba, maaasahan pa rin.
Hindi lahat ng bagay nakukuha sa ganda ng mukha, minsan sa galing dumiskarte sa pag-aalaga ng bata.
In country Aa, killing a human being is punishable by death penalty.