MasukHindi lahat ng bagay nakukuha sa ganda ng mukha, minsan sa galing dumiskarte sa pag-aalaga ng bata.
Isang binata ang matiyagang naghihintay para sa kanyang interview.
Nakaupo ito sa isang silya at panay ang buntong hininga. Kanina pa nababali ang leeg sa tuwing naririnig ang pagbukas-sara ng pinto.
Mahigit isang oras na siya sa lugar kung kaya't naisipan muna niyang magbanyo.
Ilang layo mula sa kanyang kinaroroonan ay dumating ang isang dalaga. Matangkad, 5.7 ang taas. Maputi. May hanggang bewang na kulay pulang buhok. Bilugan ang mga kulay tsokalateng mata. Matangos ang ilong at manipis ang mala-rosas na labi.
Dire-diretso itong pumasok sa isang silid na parang isang siga sa kanto.
"Good morning, Boss P! Anong mayroon ngayong araw? May kliyente ba tayo?" tanong nito.
Hindi kumibo ang kanyang kausap. Abala ito sa kung anong tinitipa sa kanyang laptop.
"Okay! Wala nga, sabi ko nga!" Padabog na umupo ang dalaga at masama ang loob na kinuha ang cellphone sa hindi kalakihang shoulder bag.
"Mayroong dumating na tawag dito kagabi. Ayon sa mag-asawang Mr. and Mrs. Yuuu, mayroong nagpadala ng death threat sa kanila. Kasama nito ang isang piraso ng Rubik's Cube," sabi ng gwapong matanda.
Mas kilala ito bilang Boss P ng Rainbow Agency. Ang nagmamay-ari sa kilalang detective agency ng Bansang Aa.
Marami ng mga kaso ang nalutas ng ahensya sa tulong na rin ng magaling na detective na si Tine Cadiente. Sa dami ng mga kasong nalutas, iisa lamang ang hindi mahanap-hanap ang kasagutan.
Ang pagkalagas ng mga taong naninirahan sa Bayan ng Aa. Hanggang ngayon isa pa rin itong malamig na kaso. Maging ang tanyag na detective na si Tine Cadiente ay nahihirapan sa pagtugis sa salarin.
"Wow! Finally! Nagparamdam na rin siya sa kabila ng maraming taon. Tanders na yan panigurado!" sabi ng dalagang detective.
"Kailangan mo ng puntahan ang bahay ng mag-asawang Yuuu. Humanap ka ng ebidensya. Kailangan nating mapigilan ang tao sa likod nito. Hindi maaaring iisa sila ng taong kumitil sa buhay ng marami noong 1996 sa taong nanakot sa mag-asawa ngayon," sabi ng gwapong boss.
"Oo nga pala! Hintayin mo na ang bago mong partner. Nakipag-kasundo ako sa kanya na kapag inalagaan niya si Lyka ng isang linggo ay tatanggapin ko siyang bilang kasama mo. Magaling siyang tao pagdating sa pagbuo ng isang Rubik's Cube, nararamdaman kong malaki ang maitutulong niya sa 'yo," sabi pa nito.
"Hindi pa rin ba bumabalik ang yaya ng inaanak ko?" tanong ng dalaga.
"Hindi pa. Hindi ko alam kung kailan ito babalik o kung babalik pa nga ba ito?" sagot ng gwapong matanda.
Tahimik man sa iyong paningin, aba, maaasahan pa rin.
Hindi lahat ng bagay nakukuha sa ganda ng mukha, minsan sa galing dumiskarte sa pag-aalaga ng bata.
In country Aa, killing a human being is punishable by death penalty.