Share

XV

Author: ThornedRosesx
last update publish date: 2020-09-25 15:57:37

Sverre POV

Totoo ba ang mga taong laging may tinatago sa likod ng kadiliman? Totoo ba ang sinasabi nilang huwag magtiwala sa iba maliban sa iyong sarili?

Ngunit nagawa mong magsinungaling para sa kapanganan ng iyong sarili...

-

May usok akong naamoy na mula sa silid ng aking prinsesa. Naka-lock iyon kaya nagmadali pa akong kunin ang susi upang buksan ang kanyang silid. Nadatnan ko siyang walang malay at namumula ang palad.

Lumapit ako sa kaniya. Hinaplos ko ang makinis niyang palad, bahagya akong nagulat nang maramdamang mainit iyon.

Lumingon ako at nakitang nasunog ang ibang papeles, ang jar sa kaniyang lamesa ay nabasag sa hindi ko malamang dahilan.

"Mahal na Prinsesa," mahina kong tawag sa kaniya, bahagya siyang yinugyog. "Gising,"

Nang magmulat siya ay ibang kulay ng kaniyang mga mata, kulay lila at tila'y nagliliwanag ito at deretsong nakatingin sa akin.

Nakakatakot , kinakabaan , nangangatog , kinikilabutan 'yan ang mga naramdaman ko habang nakatitig sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit parang napako ang tingin ko sa nakakabighani niyang mga mata na nagliliwanag sa dilim.

"S-Sverre..." Mahinang pagtawag niya sa akin at biglang nawala ang liwanag sa kaniyang mga mata, at nag iba na ng kulay.

"Anong nangyari, mahal na prinsesa?" Tanong ko at inalalayan siyang bumangon.

Itinaas niya ang dalawa niyang palad saka kumunot ang kaniyang noo, hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa palad niya.

"Kumusta ka, Princess Athaliah?" At doon ko lang nakuha ang kaniyang atensyon.

"I... I'm fine," Saka binalingan ang kaniyang lamesa. Yumuko siya nang makita niya ang bubog ng jar.

Nang pupulutin niya na sana iyon ay hinawi ko agad ang kaniyang kamay.

"Ako na," Sabi ko, hinayaan niya naman ako at iniwan akong mag isa.

Pinulot ko isa-isa ang mga bubog at nilagay sa isang supot saka nagwalis kasama ang mga abo ng papel.

Nang matapos ako ay sumilip ako sa kaniyang malaking bintana. In a field full of roses there she is sitting on the grass. She's looking down like she's thinking of something.

I feel sorry for her and for myself, because I lied before... But it's for the best.

Gabi na at madilim na sa labas. Ngunit kung siya ang pagmamasdan ko lumiliwanag ang kaniyang ganda.

Yakap yakap niya ang kaniyang sarili habang nakatingin sa mga bulaklak.

Saksi ang hardin na 'yan sa una naming pagkikita. Saksi ang hardin na 'yan kung bakit nahulog ang mga mata ko sa nakakabighaning prinsesang tulad niya.

We all are flowers in someone's life. She's my flower.

The next day she didn't talk to anyone, as if she's the only one in this palace.

Hindi ko na rin tinangkang kausapin siya sa takot na baka magwala siya.

Sa takot na baka iba ang lumabas sa kanyang bibig...

Takot na masaktan din...

Everyone is scared of her, because she can hurt and kill everyone by her glance, they said. Her glance like medusa that can kill you through her spells.

I know about the elements. I know about her. I know a little information but not all information that they had.

But at least I know something...

"Ma," tawag ko sa aking ina nang madatnan ko siyang naglilinis sa malaking sala ng palasyo. "Ano kayang pakiramdam na tumira rito?"

"Hindi ko alam... Hindi ako rito nakatira, eh." Aniya saka nilinis ang upuan.

"Siguro masaya maging isang hari o prinsipe. Lahat ng gusto mo nakukuha mo--"

"Hindi lahat," Ngiti siya sa akin. "Hindi lahat nakukuha nila,"

"Ano ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko nang hindi ko mawari ang kanyang sinasabi.

"Masyado ka pang bata para makaintindi."

"Ma, bente anyos na ako saan ang bata roon?" Natatawa kong sabi sa kaniya dahil parang nakakalimutan niyang hindi na ako bata.

"Bente anyos nga... Bata pa rin,"

"Mama naman eh!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang dumaan sa sala ang crown princess.

She's wearing her purple above the knee fitted long sleeves dress. She's also wearing her purple crystal hair vine. On her feet she's wearing her beautiful cuban heel. She's also wearing her purple gloves.

Dahil sa suot niya napagtanto ko ang paborito niyang kulay. Ang kurba ng kaniyang katawan ay napagtanto ko ring sobrang payat niya. Kung huhubarin niya kaya ang suot niya siguro makikita ko ang flat niyang tyan kung may abs ba?

"Sverre!" Nabalik lang ako sa katinuan nang marinig ko ang pagtawag ng aking ina.

"B-bakit po?" Nauutal kong tanong at hindi inalis ang ringin sa prinsesa na ngayon ay umiinom ng tea.

"Matutunaw 'yan," bulong niya sa akin dahilan para lingunan ko siya.

"Ma naman..." Natawa lamang siya sa amin.

"Alam mo ang estado ng buhay mo, Sverre," Natauhan ako sa kaniyang sinabi.

Tama ang aking Ina... Regular lamang ako at isa siyang royalty na bumubuhay sa mga regular.

Noong tinanong niya sa akin, paano kung gusto niya ako? Hindi totoong may iba akong nagugustuhan. May dahilan kung bakit iyon ang naging sagot ko sa kaniya.

"Kunin mo na ang pagkain ng prinsesa dahil tanghali na." Utos sa akin ng aking ina. Tumango lang ako sa kaniya at nagtungo na sa kusina.

Kahit ang pagkain na ihahain sa kanila ay sila lang ang nakakakain. Ang pagkain nila ay parang isang gintong mamahalin, kung gusto mong kumain ng pagkain nila makakabili ka nito sa royal store sa ibang bansa. Ang presyo? Presyo na ng katawan mo kung ibebenta mo ang lahat ng lamang loob mo.

It sucks, doesn't it? Feelings like you're not good enough to love a girl like her.

"Mahal na prinsesa," pagtawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at nagbaba ng tingin sa hawak hawak kong tray. Tumango siya saka ko inilagay ang tray sa kaniyang lamesa. "Kumain po kayo at huwag mag palipas," Iiwan ko na sana siya nang hawakan niya ang aking kamay.

Napalunok ako nang maramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Akala ko babae lang ang nakakaramdam nito. Hindi naman siguro ako bading at ganito lang talaga ang pakiramdam kapag hinawakan ka ng taong gusto mo.

"Samahan mo ako mamaya mangangabayo ako," Iyon lang saka ako binitawan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko, niyaya niya ako? "Maari ka nang umalis." Bumilis ang tibok ng puso ko saka nagmadaling umalis.

Nangabayo kami no'ng araw na iyon. Sapat na sa akin ang pagmasdan siyang ngumingiti kapag may dumadapong na paru-paro sa kaniyang kamay o sa kaniyang balikat.

Siguro mahirap sa kaniyang gumising na nakikita ang pagmumukha ng kaniyang step mother at half sister.

"Sverre!" Rinig kong tawag ni Adira sa akin habang naglilinis ako sa hardin.

"Adira--"

"Prinsesa Adira." Pagtatama niya sa akin. Hindi bagay... Ang ibig kong sabihin hindi ako sanay na 'yan ang tawag niya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kaniya saka ibinaba ang hose na hawak ko.

"Bakit ka narito?" Marahan niyang hinaplos ang aking balikat.

"Gusto lang kitang makasama," aniya sa malambing tinig. Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako sa kaniya.

Magkaibigan naman kami ni Adira kaya walang problema sa akin iyon. Kababata ko siya at matalik na kaibigan, hindi ko nga lang inaasahan na magiging ganito ang buhay nilang mag ina.

"Alam mo ba'ng sobrang saya ko," base nga sa tinig niya masaya siya. "Noon pinangarap ko lang na maging prinsesa ngayon ay natupad na. Ngayon naman ay pinapangarap kong maupo sa trono at maging reyna?" Natigilan ako sa kaniyang sinabi.

"Hindi ka pwedeng maupo sa trono sapagkat mayroon ng crown princess na nakalaan para sa trono." Pagtitigil ko sa kaniyang malawak na imahinasyon.

"Madali lang hilahin pababa ang taong nasasaktan at nahihirapan, Sverre." Nakapag-aral nga siya wala naman siyang respeto.

Totoo nga ang sabi nila... Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao. Mababa man ang pinag-aralan kung marunong kang rumespeto, daig mo pa ang taong edukado.

Ngunit ang taong kasama ko ngayon daig pa ang isang hangal at walang ibang pinapairal kun'di ang kapangyarihan at kayamanan.

"Bakit, hindi ka pa ba kontento na prinsesa ka na?" Narinig ko naman siyang sarkastikong napatawa.

"Sino makokontento sa pagiging isang prinsesa lang, Sverre?"

'Si Athaliah' sabi ko sa isip ko dahil kahit kailan hindi ko nakitang nakikipag kompetensya siya kahit kanino.

"Sverre, may ipagtatapat sana ako sa'yo." Biglang sabi niya nang tumigil kami sa harap ng dalawang duyan.

"Ano naman iyon?" Umupo siya sa isang Duyan.

"Huwag ka sanang umiwas sa akin..." Yumuko siya at ngumuso nang sabihin niya iyon.

"Bakit naman kita iiwasan?" Marahan siyang tumayo at basta na lang lumapit sa akin. Lapit na tatlong daliri na lang ay maglalapat na ang aming labi.

"Gusto kita... Gustong gusto kita, matagal na panahon na." Pagtatapat niya at nanlaki ang mga mata ko nang siniil niya ang aking labi.

I didn't respond to her kiss. Hindi ko siya tinulak, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko iyon ginawa.

Ngumisi siya sa gitna ng paghalik niya sa akin. Tumigil siya sandali para tingnan ang mga mata ko. Nang wala siyang makitang emosyon ay humalik na naman siya ulit.

Hinawakan ko ang kaniyang balikat at pilit siyang inilayo sa akin. Pero sadyang ginagamit niya ang buong lakas niya para manatili.

"Sverre, tumugon ka naman sa halik ko!" Inis niyang sabi at hinawakan ang batok ko at hinalikan akong muli.

"Adira? Sverre?" Gulat na tinig ng isang babae na nagtulak sa aking kumawala kay Adira.

"Princess Athaliah." Yumuko ako sa kaniya at hindi na makatingin pa sa kaniyang mga mata.

"Maiwan ko na kayo, Sverre," pagpapaalam ni Adira. "Salamat sa masarap na masarap na halik!" May ngisi pa sa kaniyang labi nang umalis siya.

"Nasira ko siguro ang halikan niyong dalawa," ani prinsesa Athaliah. "Habulin mo... Mukhang nabitin eh." Nagulat ako sa kaniyang utos ngunit ang kaniyang mga mata ay nakatingin kay Adira.

"Paumanhin mahal na prinsesa," iyon lang ang masasabi ko sa ngayon.

"Ayos lang naman, Sverre." Mapait niyang sabi at tatalikuran na sana niya ako nang hablutin ko ang kaniyang kamay.

Nagpumiglas siya pero mahigpit ang hawak ko sa kaniya. Higpit at hindi na siya kayang bitawan pa.

"Sverre, pagkawalan mo ako!" Utos niya sa akin. Nang tingnan ko ang kaniyang mga mata isang emosyon lang ang nakikita ko... Nasasaktan siya.

"Galit ka ba?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"Hindi ako galit!" Sigaw niya sa akin.

"Kung hindi ka galit bakit mo ako sinisigawan?"

"Because I got these feelings but you never mind that shit!" Doon ko na siya nabitawan at agad na siyang umalis sa harapan ko, iniwan akong mag isa.

She's the moon that shimmers throughout the night. She's the star that glimmers with the moon. She's my heart that beats inside.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Downfall, Defender of Dreams   XXIV

    "Our brothers are the heirs, we are the spares, but some of us do not have the abilities to protect ourselves," Calaenos said in front of us.We are at Terreck Ground now for our training camp. We're going to train only for two days. The training of Regulars and Royalties is separate because they do not have the abilities like us.

  • Downfall, Defender of Dreams   XXIII

    I was awake, but my eyes were closed. I felt my tears dripping. Is it possible for your own father to do that?I still feel the pain in my chest but I ignore it. The way my father treated me is more painful.I felt someone wipe my tears on my cheek. When I opened my eyes I saw a man. The man who

  • Downfall, Defender of Dreams   XXII

    No one must fade, but she who wear the crown. - Nos-"Calm down first," Marxia ordered because people were screaming.

  • Downfall, Defender of Dreams   XXI

    People nowadays prefer to believe lies. Spread the issues without even a single trace of truth.But what did they received? None, they got nothing, rather they just desecrated their names.-

  • Downfall, Defender of Dreams   XX

    Athaliah POV"Powerful?" I looked at some of his companions. If the color of their masks represented their abilities, what would their abilities be?If the symbols he showed me earlier are the ones I belong to, why only now?

  • Downfall, Defender of Dreams   XIX

    Athaliah looked up where she heard the voice of someone familiar to her.That she recently called 'Prince Sergei'"Who is that fool whispering on the side of darkness?" Gently asked by the ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status