LOGINSanay si Iris na nakukuha lahat ng gusto niya, mula sa buhay, trabaho - at maging sa lalaki. Ngunit magbabago ang lahat ng iyon nang makilala niya si Russel sa isang call center kung saan sila magiging magkatrabaho. Russel is an ex-professor sa isang private college. Sa edad na tatlumpo't-tatlo, he felt that he's too burned out, kaya nagpasya siyang iwan ang kanyang trabaho. With the initial attraction between them, they found themselves drawn to each other. They eventually started their relationship, but only to end because of their differences. Russel went back to teaching, while Iris accepts the job offer at a hotel in Macau. Years passed, and Iris receives a text message inviting her at a friend's wedding in Cebu, unaware that he'll meet Russel again. But this time, Russel is determined to get her back in his arms for good. He asks Iris again, but she refused as she is afraid to get hurt by him again. Bumalik si Iris sa Macau, ngunit wala siyang kaalam-alam na sinundan siya ni Russel doon. He asks her parents for her hand in marriage, and Iris's parents agrees. Fueled with Iris's parents approval, he pleads for a second chance. Realizing that she still loves him even after all that happened, she says yes. He makes a promise of forever and he will always go back to her.
View MoreTADHANA.
Isang salita na pinagtatagpo ang landas ng dalawang taong magkapalad, gaano man kalayo ang distansya. Ilang beses mang lumayo ay mahahanap ang daan pabalik sa isa't-isa. It's a powerful force making things happen for those two lives and two hearts that are drawn to each other. Nakangiting pinagmamasdan ni Iris ang kanyang asawang si Russel habang nakatanaw sa balkonahe ng kanilang rest house sa Quezon. She always loved to spend their nights like this, standing next to each other. And she would love it more to do this with him until the rest of her life. "Bakit ang tahimik mo?" Untag sa kanya ng asawa. Bakas ang ngiti sa labi ni Russel at alam niyang kapag ganito ang ngiti nito ay kasunod na ang pang-aasar. "Gwapong-gwapo ka na naman sa akin, no?" Natawa si Iris sa tinuran ng asawa.Well, totoo naman kasing gwapo ang loko kaya malakas ang loob na magsalita ng ganoon."Yabang." "Hindi pagyayabang 'yon," sagot ni Russel sa kanya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. "I'm just telling the truth." "Oo na, hindi na ako makikipagtalo." Mula sa pagkakatayo nito sa likod niya ay iginapos nito ang mga braso sa kanyang katawan, kaya isiniksik niya rin ang sarili rito. He then turned serious and looked at her with love in his eyes. "I love you, Iris Valdemor," he whispered. "I love you too, Russel Valdemor." Pinatakan siya nito ng halik sa mga labi na kaagad naman niyang tinugon. A few years ago, she thought that falling in love was next to impossible. But one night, fate has found a way to meet the person she would fall in love with and will prove that time and again, she and Russel will always be drawn to each other. “I’M looking for Annnamarie Iris Lozada,” anunsyo ng recruiter, dahilan para mapalingon si Iris mula sa binabasang magazine na dinampot niya habang hinihintay siyang tawagin ng interviewer. Naisip niyang magbasa na lang dahil wala naman siyang makausap at nag-iisa lang sa parte ng recruitment office na iyon. Inilapag ni Iris ang magazine sa side table sa tabi ng couch kung saan siya nakaupo, at tumayo na para makausap ang recruitment officer. Lumapit naman ito sa kanya kaya naman madali niyang napagmasdan ang hitsura nito.
Matangkad, matangos na ilong, slitted eyes na nakatago sa parisukat na salamin at mapulang labi. This one’s cute, medyo mahal lang ang ngiti, aniya sa sarili. The guy’s chinky eyes looked intimidating, but she would not let herself be intimidated. Besides, she'd always been confident at kailan ba niya hinayaaang ma-intimidate siya ng mga taong kaharap niya?
With her chin up, isang tipid na ngiti ang kanyang pinakawalan, saka iniabot ang kamay sa lalaking nasa harap niya. “Annamarie Iris Lozada.”
Tumingin sa kanya pabalik ang lalaki, marahil nagulat sa kanya ngunit ibinalik ang pakikipagkamay niya rito. Isang tipid na ngiti rin ang isinukli nito sa kanya. “Frey Chua. I’m one of the recruiters here. Follow me please.” Sumunod siya sa lalaking nagngangalang Frey at pumasok sila sa isang maliit na kuwarto. Naupo ito at itinuro rin ang upuan sa harap niya. “Please have a seat, Ms. Lozada.” “Thank you,” pakli niya. Iniabot sa kanya ni Frey ang papel, saka muling nagsalita. “Congratulations, you passed the interview for the Sales Department post. The piece of paper I’ve given you is your medical examination slip kaya kailangan mo nang magpa-medical bukas. Your training will start on Monday.” Napaisip siya. Monday? She recalled the calendar on her head. Teka, iyon ang flight ko pa-Cambodia, sayang naman ang treat ni Gelo kung magsisimula kaagad ako rito. “I would just like to ask you something.” “What is it?” “Puwede ba akong hindi muna mag-start? I mean, can I be included on the next batch’s training instead.” Nagtaas ito ng kilay at saglit na natigilan ngunit hindi rin inalis sa kanya ni Frey ang mga mata. “I’ll have to ask our recruitment team for that. Can I ask why you won’t be able to start right away?” “I’ve already booked a flight going to Cambodia, and it’s a one-week trip. Nanghihinayang kasi ako kung hindi ako tutuloy since I have the ticket and a place to stay.” Nilangkapan niya pa ng ngiti ang sinasabi pero ramdam niya na papayag din ito. "Can you wait here for five minutes? I’ll be right back.” "Sure." Tumayo si Frey sa kinauupuan at lumabas ng maliit na silid na iyon kaya naman naiwan siyang mag-isa. Kung will ni Lord na makapag-work ako dito, papayagan ako na magstart na lang after two weeks. Kung hindi naman, then maybe then this job isn't for me. Isa pa ay sayang din ang gift sa akin ni Gelo. Bumalik sa kanyang alaala ang usapan nila ng kanyang nakababatang kapatid. "Ate, anong gusto mong gift?" Bungad ni Gelo sa kanya isang gabi habang magkausap sila nito sa Skype. Nagtatrabaho sa isang hotel sa Macau ang kapatid niyang si Gelo, kaya naman lagi itong tumatawag sa kanila para mangumusta. "Gift?" May pagtatakang tanong niya sa kapatid. "Hindi ko naman birthday, ah?" Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Gelo, saka muling nagsalita. "Bakit, Ate? Ayaw mo ba?" Napangisi siya. Alam niyang kapag ganito itong si Gelo ay seryoso ito sa sinasabi nito. "Siyempre, tatanggi pa ba ako sa grasya? Hindi 'no," sagot niya sa kapatid. Inilagay niya ang daliri sa kanyang baba na parang nag-iisip. "Ano kayang maganda?" "Gusto mo ba'ng mag-travel, Ate?" Mungkahi ni Gelo sa kanya, kaya napangiti siya. "Gusto ko 'yang suggestion mo, Gelo. I have an idea, mag-Cambodia kaya tayo?" "Sige, Ate. Okay ako sa Cambodia na 'yan. Ipapadala ko sa'yo ang pambayad sa ticket mo, mag-book ka na. Ako na rin ang bahala sa tutuluyan natin doon." Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Talaga, Gelo? Seryoso ka ba talaga?" "Ate naman. Kailan ba ako nagbiro? Sige na, mag-book ka na, ha?" Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi niya. Ibang klase talaga ang mga kapatid ko magregalo, bongga. "Wow! Thank you, Gelo!" Ngumiti ito pabalik, na halos mawala na ang mga mata nito sa pagka-singkit. "You're welcome, Ate. Anytime." NAPUTOL ang pagmuni-muni ni Iris nang bumukas ang pinto at bumalik si Frey sa kinauupuan nito kanina. "I'm sorry, pero hindi ka pwedeng ma-include sa next batch para sa sales. But I have a suggestion for you." "Ano 'yon?" Tanong ni Iris kay Frey. Interesado siya sa sasabihin ng binata. "We'll have an opening for the technical department, and this will start after two weeks. The training will be for a month, so would you like that instead?" One month training. Starts in two weeks. Pwede na. "Sige, I'll take that."NAKATINGIN si Russel sa imahen ng birhen sa bandang likuran ng simbahang iyon. Matapos niyang ibigay ang resignation letter sa School Director nila ay nagdrive siya patungo roon. For the past few years, he’d been stressed out so now he decided to quit. He’s had enough - at pakiramdam niya na kung magtatagal pa siya ay masisiraan siya ng bait.
TADHANA.