Share

Chapter 1

last update publish date: 2020-08-16 01:51:36

NAKATINGIN si Russel sa imahen ng birhen sa bandang likuran ng simbahang iyon. Matapos niyang ibigay ang resignation letter sa School Director nila ay nagdrive siya patungo roon. For the past few years, he’d been stressed out so now he decided to quit. He’s had enough - at pakiramdam niya na kung magtatagal pa siya ay masisiraan siya ng bait.

Bumaling siyang muli sa imahen. The statue of Mary Mediatrix always brings him solace no matter how dire the situation he’s in. Sa nakalipas na apat na taon ay ito ang nagiging takbuhan niya kapag may problema siya, o kapag marami siyang iniisip. Tila ba may kapangyarihan ang imahen na pawiin lahat ng bigat ng kanyang kalooban at nakararamdam siya ng kapayapaan sa tuwing tinitingnan niya iyon. Tulad na lang ngayon.

“Lead me the way where you want me to go,” bulong niya habang ang mga mata niya ay nasa imahen pa rin. “Help me decide what I should do with my life.”

PAGKATAPOS ng pagmumuni-muni ni Russel sa simbahan ay dinala siya ng kanyang mga paa sa mall. Hindi sinasadyang mapatingin siya sa isang poster ng isang call center company. Nilapitan niya iyon at nabasa na kasalukuyang naghahanap ng mga call center agents ang kumpanyang iyon. Tila rin may sariling isip ang kanyang mga paa na pinuntahan niya ang opisina para magtanong.

“Hi, do you also hire supervisors here?” tanong ni Russel sa front desk officer.

Bumaling naman ito sa kanya. “I’m sorry, Sir, but we only hire agents here.” Saglit na nagtagal ang mga mata ng babae sa kanya, at isang tipid na ngiti pa ang sumilay sa mga labi nito bago muling sumagot. “But you can also try our Magallanes Makati site for your application to be processed.”

Sayang. “Oh, okay. Thanks.”

Iniabot kay Russel ng front desk officer ang isang piraso ng papel. Bago pa siya makapagtanong kung ano iyon ay nagsalitang muli ito. “That’s our Magallanes Makati address.”

Ngumiti naman siya pabalik. “Thank you so much.”

KINABUKASAN ay nagtungo siya sa address na ibinigay sa kanya kahapon para mag-apply sa call center na iyon. Minsan na niyang iniwan ang mundo ng call center nang nagpasya na siyang muling magturo, kaya naman hindi niya inaasahang babalik siya rito - para muling magtrabaho. Hindi niya rin alam kung bakit tila ba pakiramdam niya ay hinihila siya ng kanyang mga paa para sumubok na mag-apply sa kumpanyang iyon.

Maybe this is the answer to my prayer, aniya sa sarili. Maybe there’s a reason why I should be here. Matiyaga siyang naghintay na tawagin ng interviewer niya hanggang sa nakausap na niya ito.

“I’m sorry, but we don’t hire supervisors here,” anito sa kanya nang banggitin niya na nag-aapply siya bilang isang supervisor, at hindi dahil isang agent. Saglit na tumingin ang interviewer sa kanya at nang tila maramdaman ang kanyang disappointment sa sinabi nito ay nagsalita itong muli. “You can apply for a supervisor post once you are hired as an agent since we can easily promote agents.”

Agent position at 18k? Should I accept this?

“What do you think?” untag muli ng interviwer sa kanya kung tatanggapin niya ang iniaalok nito. Balak niya na sanang tanggihan ito ngunit may kung anong puwersa ang nagtutulak sa kanya para pumayag.

“Alright, I’m accepting it,” sagot ni Russel. Iniabot ng interviewer ang kamay sa kanya para makipagkamay at tinanggap niya iyon.

“That’s great! I’ll see you on Friday for the orientation, then.” Isang ngiti rin ang ibinigay nito sa kanya. “Training would also start on Monday.”

PINAGMAMASDAN ni Iris ang kanyang boyfriend mula sa kanyang kinauupuan. Kung dati ay matiyaga itong naghihintay na makaalis muna ang sasakyan kung saan siya lulan, ngayon naman ay tila sinisilaban ang puwit nito sa kamamadali. Palalampasin na lang sana niya ang ginawa ni Dennis ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na tila ba laging nagmamadali ang nobyo sa tuwing magkasama sila.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, habang sinusundan ng paningin ang direksyon kung saan patungo ang motor na dina-drive nito. Binuksan niya ang cellphone niya at tiningnan kung may message ba siyang natanggap mula kay Dennis, ngunit wala rin kaya ibinalik niyang muli ito sa kanyang bag. Pupusta siya, hanggang sa matapos ang kanyang shift bukas ay hindi na naman magtetext ang nobyo.

Hindi na ako magtataka kung isang araw, magsasabi ang isang ‘to na mag-break kami. Bahala siya, kung ayaw niya sa akin, e di huwag. Akala niya, iiyakan ko siya. Sige lang, Dennis, ituloy mo lang ‘yang ginagawa mo, ang dami kong puwedeng ipalit sa’yo.

Hindi nagtagal at umalis na ang bus na sinasakyan niya. Mabilis ang naging biyahe niya papunta sa Makati dahil walang traffic ng gabing iyon. Sinilip niya ang relo sa kanyang palapulsuhan.

9:30. Maaga pa, aniya sa sarili. Lumapit siya sa front desk at nagtanong sa guard na naka-duty. “Sir, saan po dito ang Training Room?”

“Trainee po kayo, Ma’am?” balik-tanong nito sa kanya.

“Ah, oo.”

“Fill-up po muna kayo dito sa form, Ma’am,” anito at iniabot sa kanya ang isang clipboard. Saglit na pinadaan niya ang mga mata sa clipboard at napansin ang mga nakasulat doon. May nakita siyang isang pangalan na sa tabi ay may nakasulat na “Technical Department,” kaya naisip niyang maaring isa ito sa magiging kasama niya. “Pagkasulat n’yo po sa form na ‘yan, Ma’am, pahiram na lang po ng isang valid ID niyo para sa trainee badge.”

“Salamat po,” sagot niya. Mabilis niyang isinulat ang pangalan saka kumuha ng isang ID sa kanyang wallet at iniabot sa guard. Ibinigay naman kaagad ng guard ang Badge at itinuro sa kanya ang glass door sa harap nila.

“Pasok po kayo sa pintong ‘yan, tapos dumiretso po kayo hanggang sa makita niyo ang pantry. Katapat lang po ng pantry ang training room.”

“Salamat uli.” Isang ngiti ang ibinigay niya sa kausap at isinuot ang ID lace na ibinigay sa kanya. Binuksan niya ang pinto na itinuro nito at tinungo ang pantry dahil sarado pa ang training room. Iginala niya ang paningin sa loob ng pantry, at natawag ang kanyang atensyon ng isang babaeng nakaupo sa tapat ng TV. Lagpas balikat ang buhok, hugis-itlog na mukha na pinarisan ng bilugang mga mata at makipot na mga labi.

Hmm, walang make-up ang isang ito at simple lang pero masasabi kong maganda siya at mukhang mabait, aniya sa sarili habang pinagmamasdan ang babae. Sa hinuha niya ay isa itong trainee na kagaya niya dahil napansin niya ang lanyard na suot nito, na gaya ng sa kanya.

Lumapit si Iris sa babae at isang ngiti ang ibinigay niya rito. "Hi, is that seat taken?” Itinuro niya rin ang upuan sa tapat nito. “Technical department trainee ka rin ba? Kung oo, pareho tayo. Trainee din ako.”

Mula sa pinapanood ay bumaling ang babae sa kanya at saglit na napako ang paningin “Oo. Batch 26 ng Technical Department,” sagot ng babae sa malumanay na boses. Mukhang mabait ang isang ito at kaya kong mapasunod in the end.

Annamarie Iris Lozada, Iris na lang for short." Naglahad na siya ng kamay na kaagad na tinanggap ng babae sa harap niya at isang tipid na ngiti ang isinukli sa kanya nito.

"Louisse Arevalo, nice meeting you, Iris.”

“Tayo pa lang?" ani Iris at naupo na sa single seat sofa habang iniliibot ang mata sa paligid.

Oo nga, e. Wala pa akong nakikitang pamilyar na mukha. Kahit yung mga kasabay ko sa orientation last Friday, wala pa. Siguro dahil maaga pa,” sagot naman ni Loui.

Sabagay,” sang-ayon naman niya. Nagkukuwentuhan na si Iris at Loui nang may dumating pang isang lalaki na kasama rin nila sa training. Tumabi kaagad ito sa kanila kaya nagpakilala na rin siya rito.

Iris Lozada po.” Inilahad naman niya ang kamay at agad namang tinanggap ni Daddy Robert iyon, kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Nice meeting you.

Roberto Robles, pero Daddy Robert na lang. Iyon din kasi ang madalas na tawag sa akin ng mga ka team mates ko.” Bago pa matapos magsalita si Daddy Robert ay may lumapit muling isang babae na kilala rin ni Loui at Daddy Robert.

Nandito na pala kayo, guys. Kanina pa kayo?

Medyo. Uy, ka team pala natin, si Iris,” pagpapakilala ni Loui sa kanya kay Sheryl.

Hello, Iris. Sheryl Garcis nga pala.

Hi, Sheryl. Nice meeting you. Unti-unti nang dumami ang tao sa paligid at halos magkakakilala nang lahat, kaya pakiramdam niya ay naiwan siyang mag-isa.

Oh, well. Grupo-grupo na sila, naiwan akong mag-isa. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang mapalingon sa kumpol ng mga lalaki, at isang babaeng nakikisalamuha sa mga lalaking iyon ang nakita niya.

Maganda siya, maputi, makinis at naka-postura, ani Iris sa sarili habang pinagmamasdan pa rin ang babaeng kausap ng mga lalaki sa parte ng pantry na iyon. Talo na ang beauty ko nito, panigurado.

Napailing si Iris nang lumapit sa kanya ang babaeng kanina’y tinitingnan niya. Naglahad ito ng palad, at isang ngiti ang ibinigay nito. “Hi, I’m Nicka. And you are?”

Tinanggap niya ang kamay ng babaeng nagngangalang Nicka at isang ngiti rin ang isinukli niya. “Nice to meet you, Nicka. Annamarie Iris Lozada, pero Iris na lang.”

“It’s nice to meet you too, Iris.” Magmula sa ngiti ay tumawa si Nicka, saka tumalikod at iniwan siya.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Bulong niya, sabay iling sa ikinilos ni Nicka. She’s weird. Oh well, panalo pa rin ako! I’ll make sure that I’ll get their attention, lalo na ng mga boys!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Drawn To You (Tagalog)   Chapter 1

    NAKATINGIN si Russel sa imahen ng birhen sa bandang likuran ng simbahang iyon. Matapos niyang ibigay ang resignation letter sa School Director nila ay nagdrive siya patungo roon. For the past few years, he’d been stressed out so now he decided to quit. He’s had enough - at pakiramdam niya na kung magtatagal pa siya ay masisiraan siya ng bait.

  • Drawn To You (Tagalog)   PROLOGUE

    TADHANA.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status