ВойтиREZXCA'S POV:Nakalabas na ako ng Dead End Entrance sa kadahilang sa may creepy na tunog ako pumunta. Iyon lamang naman ang tanging daan na alam kong tama. Sinuot ko na rin ang maskara ko pagkalabas pa lang ng school. Sa susunod hindi na ako magtatanggal ng maskara, baka mamaya may makakita pa na iba. Napaka'careless ko talaga kung minsan.Palingon-lingon lang ako sa buong paligid. Kapansin-pansin na nasa likod pala ako ng school na ito. Walang makikita na mga studyante at may kalsada naman sa gitna."Nice." Walang gana kong sabi sa aking sarili."Hindi ko na kaya.""Kayanin mo, hindi tayo binuhay para sumuko. Tandaan mo may
REZXCA'S POV:"May event tayong gagawin by pairs .Ang mga pairs ninyo ay ang mga katabi ninyo ngunit ang event ay mangyayari next monday. Para sa ngayon training ninyo muna." Paliwanag niya sa amin. Napalingon siya sa gawi ko at saka sa kaniyang folder."At dahil hindi kasali ang new transferee natin, magiging trainor na lang siya ng Traverson twins. At substitute partner muna siya ni Mr. Huang habang naghahanap pa ako ng ipapartner nito. Ayos lang ba?"'Sh*t! Sinasadya ba niya na paglapitin kami ng dalawang ito? Nakakaasar.'Napansin ko naman sa mukha ng mga estudyante ang pagka'excited at ang iba naman ay takot sa maaaring mangyari.Excited dahil sa tataas muli ang kanilang ranggo. At takot dahil hindi naman nila alam kung ano ba ang laro na gaganapin sa lunes."Tsk." Sabay na singhal namin nang mahina ng katabi
REZXCA'S POV:(KINABUKASAN)Nandito na ako sa room ko. Naisipan ko na rin na pumasok kaysa ang magmukmok sa loob ng aking kwarto. Wala rin mapapala ang sarili ko kung patuloy akong nagagalit ng palihim. Kailangan ko na rin na harapin ang mga bagay na nagpapaalala sa akin ng nakaraan.Ngunit kahit kailanman ay hindi ko sila papatawarin sa mga kasalanang nagawa nila sa akin. Papahirapan ko sila hanggang sa maramdaman nila kung gaano ba kasakit ang mga salitang binitawan nila.*Tok~Tok*Katok ko sa pintuan na sarado. Naghihintay ng tao na bubukas nito. Sampong segundo lang ang nahintay ko bago ko makitang unti-unting nagkaka
Wala ng katao-tao akong nakita dito sa hallway papunta ng Dean Office. Mukhang may mga pinupuntahang mga palabas na hindi ordinaryo.Lahat naman ng paaralan may mga ganitong eksena, lalo na sa main school ng Elite High sa England.Napatigil muli ako sa paglalakad ko ng marating ko ang stage. Hindi lamang pala isa ang stage sa Elite High, kundi dalawa na pala. Ang isa ay malapit na sa office ng Dean at ang isa ay nasa field.May mga nakapalibot na mga studyante rin, ngunit may daan naman par
REZXCA'S POV:Pinagmamasdan ko lang ang buong pasilyo ng paaralan na ito. Lahat ng mga nadadaanan ko ay masuri kong tinitingnan.Maging ang mga studyante na napapalapit ay napapatigil sa akin. Nagtataka sa suot ko na hindi kaaya-aya sa kanilang mata.Isang full mask na nakalagay sa aking mukha, at isang cloak na tinatago ang kulay ng aking buhok.Mahirap man, ngunit wala akong magagawa dahil kailangan ko itong gawin. Hanggat nasa ganito akong kasuotan, hinding-hindi ako mabubulilyaso ninuman.At saka sanay na rin ako sa ganitong suot.Pero gayon na lang ang pagtaas ng kilay ko sa mga naririnig ko sa mga studyante na nadadaanan ko sa hallway na ito.'Aren't they gonna shut up their f*cking mouth? And do their own business? Tsk. '
REZXCA'S POV:"What a waste of time. " Bulalas ko sa aking sarili nang may makita akong mga kalalakihan na palapit sa akin.Mga mukha pa lang nila kilala ko na. Hanggang dito sa Pilipinas nagawa nila akong puntahan.'I remember, they are filipino. They have rights to comeback in Philippines wherever they want.' "Hey! After a long long years of finding you. Dito ka lamang pala namin makikita. Kumusta ang pagpapakasarap sa buhay? " May ngising bungad nito sa akin nang makalapit sa direksyon ko.Malamig ko naman siyang tiningnan at maging ang iba pa niya na kasama.