LOGINSi Lynne Amelia Bautista ay isang senior high student, na may lihim na pagtingin sa half-Filipino at half-Chinese na si Brennon Russel Lim. Pero, isang araw ay may mangyayari sa buhay niya na magpapabago sa kaniyang nararamdaman. Ano kaya ito?
View MoreNAPAAYOS AKO sa pagtayo nang bumalik si Jameson. Nakangiti niyang inabot ang tuwalya sa 'kin."Salamat," nahihiyang saad ko.Tumango siya at muling ngumiti. Magsasalita sana siya nang marinig niya ang boses ni Brennon."TULONG!"Nagtatakang nilibot niya ang paningin. "S-sino 'yon?" nakakunot-noo niyang tanong.Ngumuso ako't nagkibit balikat."TULONG! JAMESON!"Nanlaki ang mga mata niya nang lumingon sa 'kin. "Nasaan pala si Brenno--""JAMESON! NANDITO AKO SA LOOB NG KANAL! TULUNGAN MO AKONG MAKALABAS DITO!"Nagulat si Jameson nang makita si Brennon sa loob ng kaderder na kanal. "What are you doing there?""What am I doing here? Tinulak ako ng babaeng 'yan!" asik ni Brennon habang nanlilisik ang mga mata.Palihim akong natawa. Buti nga sa 'yo! Big
SOBRA ANG kaba ko nang makalapit siya sa 'kin. Para akong nakikipagkarerahan dahil mabigat ang bawat paghinga ko."Miss, panyo mo."Napapikit ako nang marinig ko muli ang kaniyang boses. Sa tanang buhay ko ay hindi ko inaasahan na naririto siya at ako mismo ang kaniyang kausap. Pero hindi ko maitatanggi ang kasiyahan sa puso ko. Na para bang natupad ang pinakamimithi kong pangarap sa buong buhay ko. Ngunit... hindi ko siya kayang harapin. Oo nga. Nandito na siya. Subalit hindi ko kayang ipakita ang mukha ko. Hindi ko kaya.Huminga ako nang napakalalim at mabilis na kinuha sa kaniya ang panyo. "S-salamat." Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong tumakbo para makalayo sa kaniya. Nais kong tumigil sa pagtakbo para harapin siya dahil finally napansin din niya ako pero sadyang napakahirap. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon, na para bang nawawalan ako ng lakas at nahihiya akong harapin siya.L
PAGKAUWI KO sa bahay ay agad kong kinuha sa kabinet ang cell phone na binigay ni Auntie Phoebe sa 'kin last week. Touch screen at malapad ang screen nito. Hindi ko lang ito dinadala sa eskwelahan dahil ayaw ni nanay. Baka raw mawala ito, lalo na't bagong-bago pa.In-open ko ang facebook saka sinearch ang buong pangalan niya.Brennon Russel LimSa tingin ko'y hindi na 'yon mawawala pa sa utak ko. Nakakakilig pakinggan pa naman ang kaniyang pangalan.Nang lumabas ang mga taong kapangalan niya ay agad kong hinanap ang tunay na Brennon. Nang makita ko siya ay para akong tipaklong sa kakatalon sa aking higaan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para mapigilan ang pagtili. Baka pagalitan ako ni nanay sa oras na marinig niya ako.Brennon Russel LimAdd friendAgad kong na-i-click ang add friend para makapagsend ng friend request sa kaniya. Nagbabaka-
ILANG ORAS na akong nakaupo sa bench habang pinapanuod ang tryout ng mga sasali ng football. Pero ang mas tinititigan ko ay 'yong lalaking nagbigay ng panyo sa 'kin. Sadyang nakakaadik talagang titigan ang kaniyang mukha.Ano kaya ang kaniyang pangalan?Nakakahiya naman kung magtanong ako sa mga katabi ko. Lalo na't para silang mga baliw sa kakasigaw at kakahiyaw sa kilig. Baka ang maitanong ko sa kanila ay 'yon iyong taong kinababaliwan nila. Naku! Tiyak na aawayin nila ako.Hindi ko muna isasauli ang kaniyang panyo. Siguro, kapag may pagkakataon ay ibabalik ko rin ito sa kaniya."Hoy, Lynne!"Napatayo ako sa gulat nang marinig ko si Veron sa aking likuran. Lukot na lukot ang kaniyang mukha nang lumingon sa 'kin."Ikaw, Lynne ha? Palagi kang nagpapahanap. Nakakainis ka!" pagdadabog niya."Pasensya na. Nalibang lang kasi ako rito."