Share

KABANATA 7

Author: shenshieee
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-19 19:55:00
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Fall For You (Tagalog/Filipino)   KABANATA 8

    NAPAAYOS AKO sa pagtayo nang bumalik si Jameson. Nakangiti niyang inabot ang tuwalya sa 'kin."Salamat," nahihiyang saad ko.Tumango siya at muling ngumiti. Magsasalita sana siya nang marinig niya ang boses ni Brennon."TULONG!"Nagtatakang nilibot niya ang paningin. "S-sino 'yon?" nakakunot-noo niyang tanong.Ngumuso ako't nagkibit balikat."TULONG! JAMESON!"Nanlaki ang mga mata niya nang lumingon sa 'kin. "Nasaan pala si Brenno--""JAMESON! NANDITO AKO SA LOOB NG KANAL! TULUNGAN MO AKONG MAKALABAS DITO!"Nagulat si Jameson nang makita si Brennon sa loob ng kaderder na kanal. "What are you doing there?""What am I doing here? Tinulak ako ng babaeng 'yan!" asik ni Brennon habang nanlilisik ang mga mata.Palihim akong natawa. Buti nga sa 'yo! Big

  • Fall For You (Tagalog/Filipino)   KABANATA 7

    SOBRA ANG kaba ko nang makalapit siya sa 'kin. Para akong nakikipagkarerahan dahil mabigat ang bawat paghinga ko."Miss, panyo mo."Napapikit ako nang marinig ko muli ang kaniyang boses. Sa tanang buhay ko ay hindi ko inaasahan na naririto siya at ako mismo ang kaniyang kausap. Pero hindi ko maitatanggi ang kasiyahan sa puso ko. Na para bang natupad ang pinakamimithi kong pangarap sa buong buhay ko. Ngunit... hindi ko siya kayang harapin. Oo nga. Nandito na siya. Subalit hindi ko kayang ipakita ang mukha ko. Hindi ko kaya.Huminga ako nang napakalalim at mabilis na kinuha sa kaniya ang panyo. "S-salamat." Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong tumakbo para makalayo sa kaniya. Nais kong tumigil sa pagtakbo para harapin siya dahil finally napansin din niya ako pero sadyang napakahirap. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon, na para bang nawawalan ako ng lakas at nahihiya akong harapin siya.L

  • Fall For You (Tagalog/Filipino)   KABANATA 6

    PAGKAUWI KO sa bahay ay agad kong kinuha sa kabinet ang cell phone na binigay ni Auntie Phoebe sa 'kin last week. Touch screen at malapad ang screen nito. Hindi ko lang ito dinadala sa eskwelahan dahil ayaw ni nanay. Baka raw mawala ito, lalo na't bagong-bago pa.In-open ko ang facebook saka sinearch ang buong pangalan niya.Brennon Russel LimSa tingin ko'y hindi na 'yon mawawala pa sa utak ko. Nakakakilig pakinggan pa naman ang kaniyang pangalan.Nang lumabas ang mga taong kapangalan niya ay agad kong hinanap ang tunay na Brennon. Nang makita ko siya ay para akong tipaklong sa kakatalon sa aking higaan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para mapigilan ang pagtili. Baka pagalitan ako ni nanay sa oras na marinig niya ako.Brennon Russel LimAdd friendAgad kong na-i-click ang add friend para makapagsend ng friend request sa kaniya. Nagbabaka-

  • Fall For You (Tagalog/Filipino)   KABANATA 5

    ILANG ORAS na akong nakaupo sa bench habang pinapanuod ang tryout ng mga sasali ng football. Pero ang mas tinititigan ko ay 'yong lalaking nagbigay ng panyo sa 'kin. Sadyang nakakaadik talagang titigan ang kaniyang mukha.Ano kaya ang kaniyang pangalan?Nakakahiya naman kung magtanong ako sa mga katabi ko. Lalo na't para silang mga baliw sa kakasigaw at kakahiyaw sa kilig. Baka ang maitanong ko sa kanila ay 'yon iyong taong kinababaliwan nila. Naku! Tiyak na aawayin nila ako.Hindi ko muna isasauli ang kaniyang panyo. Siguro, kapag may pagkakataon ay ibabalik ko rin ito sa kaniya."Hoy, Lynne!"Napatayo ako sa gulat nang marinig ko si Veron sa aking likuran. Lukot na lukot ang kaniyang mukha nang lumingon sa 'kin."Ikaw, Lynne ha? Palagi kang nagpapahanap. Nakakainis ka!" pagdadabog niya."Pasensya na. Nalibang lang kasi ako rito."

  • Fall For You (Tagalog/Filipino)   KABANATA 4

    NAKAKUNOT-NOO akong napalingon sa may hallway kung saan nagtitilian at naghihiyawan ang mga babaeng estudyante.Ang mga katabi ko ay halos mabali na ang kanilang mga leeg dahil para na silang mga giraffe kung makalingon sa kinaroroonan ng mga ito."Sus! I'm sure, mga gwapong estudyante ang pinagtitilian ng mga 'yan," bulong ni Veron sa 'kin.Tumango ako sa kaniya't nagkibit-balikat. "Siguro nga," saad ko.Hindi ko na lang binigyang pansin 'yon at tinuon ko na lamang ang sarili sa pocket book na aking binabasa. Pero, ilang beses ko na yatang binabasa ang isang paragraph ngunit wala man lang akong naiintindihan. Sumuko na lang ako sa pagbabasa't isinilid na lang iyon sa loob ng aking bag."Lynne, anong section ka?" tanong bigla ni Veron habang may binabasa sa kaniyang cell phone."ABM-3, ikaw?" tanong ko naman sa kaniya.

  • Fall For You (Tagalog/Filipino)   KABANATA 3

    "MISS, KUNIN mo na ang panyo. Nakakangalay na."Napakurap-kurap ako sa kaniyang harapan nang sabihin niya iyon bigla. Pero hindi ko man lang magawang magsalita at gumalaw. Hindi kasi ako makapaniwala na ang isang tulad niya'y nasa harapan ko ngayon.Hindi ko masyadong maaninaw ang kabuuan ng kaniyang mukha dahil nakatagilid siya sa 'kin at isa pa'y nakaharang sa aking harapan ang makapal at buhaghag kong buhok. Pero kahit gano'n ay kitang-kita ko ang makapal niyang kilay, ang singkit niyang mata at kung gaano katangos ang kaniyang ilong. Ngayon lang yata ako humanga sa isang lalaki sa buong buhay ko. Talagang kakaiba siya sa lahat ng mga nakilala ko.Kahit may pagka-swag ang itsura niya ay hindi maitatanggi kung papaano niya nakuha ang isang tulad ko."Miss, tititigan mo lang ba ako?"Nagulat ako nang magsalita siya ulit. Dapat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status