NAKAKUNOT-NOO akong napalingon sa may hallway kung saan nagtitilian at naghihiyawan ang mga babaeng estudyante. Ang mga katabi ko ay halos mabali na ang kanilang mga leeg dahil para na silang mga giraffe kung makalingon sa kinaroroonan ng mga ito. "Sus! I'm sure, mga gwapong estudyante ang pinagtitilian ng mga 'yan," bulong ni Veron sa 'kin. Tumango ako sa kaniya't nagkibit-balikat. "Siguro nga," saad ko. Hindi ko na lang binigyang pansin 'yon at tinuon ko na lamang ang sarili sa pocket book na aking binabasa. Pero, ilang beses ko na yatang binabasa ang isang paragraph ngunit wala man lang akong naiintindihan. Sumuko na lang ako sa pagbabasa't isinilid na lang iyon sa loob ng aking bag. "Lynne, anong section ka?" tanong bigla ni Veron habang may binabasa sa kaniyang cell phone. "ABM-3, ikaw?" tanong ko naman sa kaniya.
Last Updated : 2020-09-04 Read more