Home / All / Impossible / Chapter 8 - Child Abuse

Share

Chapter 8 - Child Abuse

Author: Piyaaah
last update publish date: 2020-09-14 18:50:52

Hingal na hingal ang dalawa ng malayo na ang narating nila. Napasalampak na si Bea sa lapag at, napabuga lamang ng hangin si Dawn.

Nagulat na lang si Bea ng biglang tumawa si Dawn. "W-What's funny?"

"Mm, nothing." Aniya't mayrong napakalaking ngiti.

Napa-iwas lang ng tingin si Bea, at patuloy na tumawa lang si Dawn.

"Tumigil ka nga dyan, nakaka-irita ka na."

"Sorry na po----girlfriend ko! HAHAHAHA!"

Namula si Bea sa sinabi ni Dawn, parang gusto nya balikan 'yung lalaki kanina at kunin ang baril nito tsaka pagbabarilin si Dawn. "Uuuugh! Manahimik ka nga! Nakakarindi ka na."

"Pffft, okay-okay! Pero ano gusto mong tawagan natin? Bhebheqouh? Or babe lang? Hahahaha!"

Nabatukan sya tuloy ni Bea, iritado na talaga sya sa pang-aasar ni Dawn.

"Aray naman bhebhe ko, maaalog utak ko sayo."

"Isa pang salita dyan----"

"Oo na, oo na! Ang kj naman nito hahaha!"

Napa-ikot lang mata ni Bea.

"Pero swerte mo mapagkamalang girlfriend ko ah? Dami kayang nagkakandarapa para lang maging gf ko." Woah, saan nanggaling ang hangin na 'to!? Di makapaniwala si Bea sa narinig.

"Wooooow! Ako pa maswerte ah? Asa ka namang ginusto ko yon!"

"Psh, weeeeh? Nakita ko ngang nagblush ka nung tinawag kitang gf ko eh. Ayiiiieee hahaha!"

"Bwisit ka Dawn!" At nakurot sya ni Bea sa braso.

"Araaaay, masakit po bhebhe! Tama na huhuhu!"

"Tantanan mo ko Dawn, iligaw kita eh."

Mas lumakas tawa ni Dawn. "Naku, di mo na ko kailangang ligawan. Sayong-sayo naman ako eh hahaha!"

"Dawn! Manahimik ka na nga!"

"Hays, sige na nga. Kakasuhan na lang kita pagkatapos nito." Naningkit mata ni Bea sa nasabi ni Dawn.

"At ba't mo naman ako kakasuhan aber!?"

"Mas matanda sa'kin yung girlfriend ko. Child abuse 'to, child abuse!"

"Sira ulo ka talaga! Maiwanan ka na nga dyan!" At iniwanan na ni Bea si Dawn.

Pero parang ewan naman si Bea, nang makatalikod na sya kay Dawn natawa din sya. Parang baliw talaga si Dawn, anlakas mang-asar at sobrang feeling close. Kakagaling lang nila sa panganib pero kung umasta akala mo walang nangyari, nagagawa pa nitong biruin ng biruin si Bea.

"Uy teka lang bhebhe ko! Hahaha!" Nasunod na lang si Dawn kay Bea.

Napadpad naman sa harap ng isang motel sina Bea dahil hindi na nila alam kung saan pa sila pupunta, itong motel na ito at ilang bahay lang ang nakikita nila sa lugar na ito. "Don't tell me we're staying here?" Tanong ni Dawn.

Napangisi lang si Bea sa kanya, "As if we have any choice. We're in a middle of nowhere!"

"Ate Bea, alam kong inaasar kita kanina na girlfriend kita pero hindi ko gusto panindigan yun. Biro lang yun, tsaka bawal pa ko sa bagay na gusto mong mangyari."

Nagloading pa sa utak ni Bea ang mga pinagsasabi ni Dawn, at bigla na lang nya nasapok ito ng marealize nya ang ibig-sabihin ni Dawn.

"Sira ka! Magpapahinga lang tayo dito! Ang dumi ng utak mo!"

"Sorry na agad! Sa motel mo kasi ako dinala tapos kung makatingin ka sa'kin parang may masama ka pang balak!" Napayakap si Dawn sa sarili nya.

Bea rolled her eyes, "Sige, ako na lang mag-isa papasok dito. Sa kalye ka na lang matulog! Isaksak mo din pala sa utak mo na hindi ako interested sa mga bobo na kagaya mo."

Nang makatalikod sya ay natawa lang sya sa nasabi ni Dawn, "Aray ko naman, alam kong bobo ako pero wag namang masyadong harsh ate Bea! May feelings din ako noh! Nakaka-offend kaya mapagsabihan ng bobo."

"Tse! Manahimik ka na lang dyan!"

"Grabe 'tong bhebhe ko, sagad-sagaran sa pangcha-child abuse."

"Ugh, whatever." Napa-irap na lang sa kawalan si Bea.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Impossible   Chapter 30 - Epilogue

    Natulala lang si Bea nang mawala na si Dawn.She felt sad, but she had the urge to know something. Parang may kailangan syang imbestigahan. Kinuha nya ang kahon na binigay sa kanya ni Dawn at tinignan ang mga laman nito. Naalala nya din ang isang bagay na hindi nya nagawang itanong kay Dawn.Paano ako nahanap ni Dawn?Pagkakalkal nya sa kahon, wala na itong iba laman kung'di ang litrato at papel. Napahiga sya sa sahig nya at napa-isip. Parang may kakaiba syang nararamdaman eh. Tinignan nya yung kahon ulit pero wala na talaga itong laman.Napa-irap na lang sya at nabato ang kahon sa pader sa inis. Yun lang? Ba naman yan Audrey. Isip-isip nya, feeling nya talaga may kailangan pa syang malaman eh.Pagkatayo nya ay dinampot nya ulit ang kahon, pero nasira pala ito sa pagkakabato nya. Nanlaki mata nya ng makita nyang nabukas ang ilalim ng kahon, may laman pa itong ilang litrato at pap

  • Impossible   Chapter 29 - Ring

    Habang naglalakad kami ni Dawn, parang gun machine ratatat combat bibig nya kung makadaldal ng kung anu-ano. Pero di naman ako nagsawang makinig. Mayamaya ay napatingin sya sa kung ano at bigla na lang ako hinila sa isang shop."D-Dawn, ano ba yan. Muntikan na ko madapa.""Eheheh sorry." Aniya."Ano ba kasing bibilhin mo dito?""Singsing lang naman." Napanganga lang ako, then kinausap nya yung babae sa counter at pinakuha yung napili nyang singsing. After nya mabayaran yung singsing ay dinala nya ko sa may garden ng mall. "P-Para sa'kin yun Dawn?""Ay hindi, para sa akin yun." Pamimilosopo nya.Napa-irap lang ako.Nang tumigil kami sa isang magandang pwesto ay napaluhod sya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. I began to feel emotional again, "Joke lang yung kanina, para sayo talaga 'to."Natawa ako. "Yeah, alam ko."

  • Impossible   Chapter 28 - Goodbye

    Nang matapos na ang date nila Bea, umuwi na sila sa apartment nila. Di maiwasang makaramdam ng lungkot ang dalawa. Ayaw ni Dawn, ganun din si Bea kaso sa ayaw at sa gusto nila ay babalik at babalik pa rin si Dawn sa panahon nya.Pagkapasok nila sa apartment ni Bea, halos natahimik lang ang dalawa. Nagsalita naman si Dawn para mawala ang lungkot nila. "Ambilis noh? Parang kelan lang tayo nagkakilala tapos ngayon patay na patay ka na sa kagwapuhan ko." Natatawang sambit ni Dawn.Pagkaharap nya kay Bea ay nakita nyang tahimik itong umiiyak. "B-Bea, wag ka namang ganyan. Stop crying..." pakiramdam naman ni Dawn ay maiiyak na din sya."Andaya lang Dawn," napahagulgol si Bea at pumunta sa sofa nya para maupo. "Sana pala, noong una palang... sana di ako nagkagusto sayo..."Mas nasaktan si Dawn sa nasabi ni Bea. Pero hindi nya ito masisi, hindi nya din namang ine-expect na magkakagustuhan sila. Umupo na lang

  • Impossible   Chapter 27 - First And Last Date

    BEATRIX POINT OF VIEW"Oy! Beaaaaa!""Mmm...""Bea gising naaaa!""5 more minutes, please...""Gigising ka? Or ako na lang magpapaligo sayo?" Nagising ako sa banta na 'yon. Pagka-upo ko ay nakita ko si Dawn na naka-ayos na at mukhang ready na ready na.Nagtaka pa ko kung bakit sya naka-ayos ng ganun. "Saan ka pupunta?"Napangisi siya, "May date tayo Bea, anu ba! Gisingin mo na nga diwa mo!"Naalala ko na magd-date nga pala kami ngayon, napamadali naman ako mag-ayos. Sinabi nya na sya na daw bahala gumawa ng almusal. Sana naman magaling sya magluto, at mas lalong sana di masunog ang apartment ko.Nang matapos ako maligo, namili naman ako ng susuotin ko. After a half hour later, napagdesisyunan kong mag-suot ng floral dress at kinulot ko din buhok ko para bongga. First da

  • Impossible   Chapter 26 - Letter

    "No... way..." napatitig si Bea kay Dawn.And he was serious. Really serious."H-How... why... did you..." madaming tanong si Bea para kay Dawn, pero di nya alam kung ano muna ang itatanong kay Dawn.Malungkot lang na napangiti sa kanya si Dawn at inabot ang letter na hawak nya kay Bea. "Tsaka ito nga pala yung letter ni mama na binigay nya sa'kin, kasama ng box na 'to. Hindi ko mabasa ng maayos sulat nya kasi hindi na maayos ang kalagayan nya nung 8 pa lang ako, parang nastroke sya, sinulat nya daw ito sa akin noong mag-t-ten na ako. At sinabi nya sa akin na basahin ko ito pag nag-eighteen na ko, pero nito ko lang nakita yung box eh.""Si Audrey, n-nastroke?""Yeah... sana mabasa mo, di ko kasi maintindihan eh."Nang basahin ni Bea ito, hindi nya din maintindihan ang sulat. Magulo ang pagkakacursive nito, pero sinubukan nya pa rin intindihin. She tried to ma

  • Impossible   Chapter 25 - Going Back Home

    Malungkot man ang dalawa. Pinilit pa rin nilang maging masaya, ayaw nilang maging malungkot ang natitira nilang oras. Habang pauwi na sila, nagkwentuhan lang ang dalawa para mawala sa isip nila na limitado na ang oras ng pagsasama nila.Kinuwento lang ni Dawn ang buhay nya noong bata pa lang sya kasama si Audrey, hanggang sa kaniyang paglaki at kung papaano sya nakapag-time travel. Sa panahon kasi ni Dawn, maraming imbensyong di inakalang ma-iimbento talaga pagdating ng panahon. Isa na doon ang time travelling watch na ginamit ni Dawn upang makapunta sa panahon na 'to.Na-amaze lang si Bea sa kaniyang mga kwento at parang na-e-excite na lang sa future."So... hanggang kelan ka na lang dito?" Tanong ni Bea."Hmm, i only have 1 week. Yun na ang pinaka-max na araw na mabibigay sa'kin eh.""So you still have one day with me?" Nalungkot si Bea.Niyakap ito kaagad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status