Home / Lahat / Impossible / Chapter 9 - One Bed Only

Share

Chapter 9 - One Bed Only

Author: Piyaaah
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-14 18:51:43

Nang makacheck-in na sila sa motel, medyo maliit na kwarto na may iisang kama ang ibinigay sa kanila. Ang gusto sana ni Bea ay yung may dalawang kama, ngunit mas mahal iyon. Kulang pa ang pera na dala nilang dala.

Pagkapasok nila sa kwarto ay agad binato ni Bea ang bag nya sa kama at humiga rito. "I'll sleep here, sa lapag ka."

"Ayoko nga! Ansakit sa likod pag sa lapag." Angal ni Dawn.

Ibinaba nya naman ang bag nya sa isang tabi at naupo sa gilid ng kama. "Ikaw na lang sa lapag." Sabi nya.

Napa-awang bibig ni Bea, "Hoy, babae ako. Ikaw mag-adjust since ikaw ang lalaki."

"Mas bata ako, ate kita! Ba naman yan."

"Kahit na! Ako dito, ikaw doon sa lapag." Nagtalo nanaman ang dalawa.

"Bwisit na yan, asaan na ang gender equality!? Nakakabanas naman! Ansakit kaya nung likod ko kagabi sa lapag ng apartment mo." Reklamo ni Dawn, hihiga sana sya sa tabi ni Bea kaso pinapalo sya nito.

"H'wag ka tumabi sa'kin! Yikes, eeeww!"

"Maka-eww ka dyan! Nagnanasa ka nga sa abs ko nung kagabi lang ah." Napangisi si Dawn, hinampas lang ni Bea ang unan niya sa mukha ng mahangin na lalaking ito.

"In your dreams!"

"Hahaha, child abuse aleeeert!"

"Uuuuugggh!" Bea groaned. Tinakpan nya ang magkabilang tenga nya dahil inaasar sya ng inaasar ni Dawn.

"Hoy ate Bea!" Ani Dawn, pinipilit si Bea na pakinggan sya. "Uy, titigil na ko, basta dito ako sa kama mahihiga mamaya." Dagdag nya.

Nakatingin lang si Bea sa kaniya't binelatan sya, di pa din ito nakikinig sa kaniya dahil nakatakip pa rin ang tenga niya habang nagsasalita sya. Hinawakan naman ni Dawn ang mga kamay ni Bea at tinatanggal ito sa pagkakatakip nito sa tenga nya.

"Uyy! Beaaa!"

"Ano ba Dawn!"

Nahirapan pa si Dawn tanggalin ang mga kamay ni Bea sa tenga nito. "Ayaw mo makinig ah!" Puma-ibabaw si Dawn kay Bea't natanggal nya din sa wakas ang mga kamay nito sa magkabilang tenga. Nagulat naman si Bea sa ginawa ni Dawn.

"WHAT THE HELL, GET OFF ME!"

Nang marealize ni Dawn ang ginawa nya ay nanlaki mata nya at agad umalis. "Ah shit, sorry!"

Nanggigil nanaman si Bea at pinaghahampas si Dawn. "Bwisit ka! Sumisimple ka pa!"

"A-Aray ate Bea! Sorry na nga diba!! Araaaay!" Kinuro naman ni Bea ang tenga ni Dawn.

"Kulit mong bwisit ka!"

"Ang sadista mo naman huhuhu!"

"Manahimik ka na nga!"

"Opo, opo! Ansakit na 'te, please lang wag mo na pagdiskitahan tenga ko."

"Tch." Pinakawalan din ni Bea ang namumulang tenga ni Dawn, bumalik ito sa pagkakahiga at tinalikuran lang si Dawn. "Basta sa lapag ka, at dito ako sa kama. Period."

Napabuntong hinga naman si Dawn, wala na syang magagawa pa. Masakit ulit ang likod nya nito bukas. "Sige na nga, matutulog ka?"

"Oo, gisingin mo ko mamaya-maya." Masungit na sagot ni Bea.

"Ah okay, lalabas lang ako ah."

"Sure, whatever." Then nang marinig nya ng lumabas si Dawn ay tiningnan nya muna ang buong kwarto at siniguradong wala na talaga si Dawn.

Biglang nagwala si Bea at nagpa-ikot-ikot sa higaan habang tumitili pero may unan na nakatakip sa bibig nya. "AAAARGH! BWISIT KA DAWN, BWISIT KANG GWAPO KA! BWISIT KAAAAA!" Inaamin nyang nagulat sya sa ginawa ni Dawn at nagagalit sya, pero kinikilig din ang bruha.

Sino ba namang hindi kikiligin sa kagwapuhan ni Dawn diba? Napasampal na lang si Bea sa sarili nya ng tumigil na sya, feeling nya para na syang tanga. H'wag na sya mag-feeling tanga kamo, mukha na kasi talaga syang tanga sa ginagawa nya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Impossible   Chapter 30 - Epilogue

    Natulala lang si Bea nang mawala na si Dawn.She felt sad, but she had the urge to know something. Parang may kailangan syang imbestigahan. Kinuha nya ang kahon na binigay sa kanya ni Dawn at tinignan ang mga laman nito. Naalala nya din ang isang bagay na hindi nya nagawang itanong kay Dawn.Paano ako nahanap ni Dawn?Pagkakalkal nya sa kahon, wala na itong iba laman kung'di ang litrato at papel. Napahiga sya sa sahig nya at napa-isip. Parang may kakaiba syang nararamdaman eh. Tinignan nya yung kahon ulit pero wala na talaga itong laman.Napa-irap na lang sya at nabato ang kahon sa pader sa inis. Yun lang? Ba naman yan Audrey. Isip-isip nya, feeling nya talaga may kailangan pa syang malaman eh.Pagkatayo nya ay dinampot nya ulit ang kahon, pero nasira pala ito sa pagkakabato nya. Nanlaki mata nya ng makita nyang nabukas ang ilalim ng kahon, may laman pa itong ilang litrato at pap

  • Impossible   Chapter 29 - Ring

    Habang naglalakad kami ni Dawn, parang gun machine ratatat combat bibig nya kung makadaldal ng kung anu-ano. Pero di naman ako nagsawang makinig. Mayamaya ay napatingin sya sa kung ano at bigla na lang ako hinila sa isang shop."D-Dawn, ano ba yan. Muntikan na ko madapa.""Eheheh sorry." Aniya."Ano ba kasing bibilhin mo dito?""Singsing lang naman." Napanganga lang ako, then kinausap nya yung babae sa counter at pinakuha yung napili nyang singsing. After nya mabayaran yung singsing ay dinala nya ko sa may garden ng mall. "P-Para sa'kin yun Dawn?""Ay hindi, para sa akin yun." Pamimilosopo nya.Napa-irap lang ako.Nang tumigil kami sa isang magandang pwesto ay napaluhod sya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. I began to feel emotional again, "Joke lang yung kanina, para sayo talaga 'to."Natawa ako. "Yeah, alam ko."

  • Impossible   Chapter 28 - Goodbye

    Nang matapos na ang date nila Bea, umuwi na sila sa apartment nila. Di maiwasang makaramdam ng lungkot ang dalawa. Ayaw ni Dawn, ganun din si Bea kaso sa ayaw at sa gusto nila ay babalik at babalik pa rin si Dawn sa panahon nya.Pagkapasok nila sa apartment ni Bea, halos natahimik lang ang dalawa. Nagsalita naman si Dawn para mawala ang lungkot nila. "Ambilis noh? Parang kelan lang tayo nagkakilala tapos ngayon patay na patay ka na sa kagwapuhan ko." Natatawang sambit ni Dawn.Pagkaharap nya kay Bea ay nakita nyang tahimik itong umiiyak. "B-Bea, wag ka namang ganyan. Stop crying..." pakiramdam naman ni Dawn ay maiiyak na din sya."Andaya lang Dawn," napahagulgol si Bea at pumunta sa sofa nya para maupo. "Sana pala, noong una palang... sana di ako nagkagusto sayo..."Mas nasaktan si Dawn sa nasabi ni Bea. Pero hindi nya ito masisi, hindi nya din namang ine-expect na magkakagustuhan sila. Umupo na lang

  • Impossible   Chapter 27 - First And Last Date

    BEATRIX POINT OF VIEW"Oy! Beaaaaa!""Mmm...""Bea gising naaaa!""5 more minutes, please...""Gigising ka? Or ako na lang magpapaligo sayo?" Nagising ako sa banta na 'yon. Pagka-upo ko ay nakita ko si Dawn na naka-ayos na at mukhang ready na ready na.Nagtaka pa ko kung bakit sya naka-ayos ng ganun. "Saan ka pupunta?"Napangisi siya, "May date tayo Bea, anu ba! Gisingin mo na nga diwa mo!"Naalala ko na magd-date nga pala kami ngayon, napamadali naman ako mag-ayos. Sinabi nya na sya na daw bahala gumawa ng almusal. Sana naman magaling sya magluto, at mas lalong sana di masunog ang apartment ko.Nang matapos ako maligo, namili naman ako ng susuotin ko. After a half hour later, napagdesisyunan kong mag-suot ng floral dress at kinulot ko din buhok ko para bongga. First da

  • Impossible   Chapter 26 - Letter

    "No... way..." napatitig si Bea kay Dawn.And he was serious. Really serious."H-How... why... did you..." madaming tanong si Bea para kay Dawn, pero di nya alam kung ano muna ang itatanong kay Dawn.Malungkot lang na napangiti sa kanya si Dawn at inabot ang letter na hawak nya kay Bea. "Tsaka ito nga pala yung letter ni mama na binigay nya sa'kin, kasama ng box na 'to. Hindi ko mabasa ng maayos sulat nya kasi hindi na maayos ang kalagayan nya nung 8 pa lang ako, parang nastroke sya, sinulat nya daw ito sa akin noong mag-t-ten na ako. At sinabi nya sa akin na basahin ko ito pag nag-eighteen na ko, pero nito ko lang nakita yung box eh.""Si Audrey, n-nastroke?""Yeah... sana mabasa mo, di ko kasi maintindihan eh."Nang basahin ni Bea ito, hindi nya din maintindihan ang sulat. Magulo ang pagkakacursive nito, pero sinubukan nya pa rin intindihin. She tried to ma

  • Impossible   Chapter 25 - Going Back Home

    Malungkot man ang dalawa. Pinilit pa rin nilang maging masaya, ayaw nilang maging malungkot ang natitira nilang oras. Habang pauwi na sila, nagkwentuhan lang ang dalawa para mawala sa isip nila na limitado na ang oras ng pagsasama nila.Kinuwento lang ni Dawn ang buhay nya noong bata pa lang sya kasama si Audrey, hanggang sa kaniyang paglaki at kung papaano sya nakapag-time travel. Sa panahon kasi ni Dawn, maraming imbensyong di inakalang ma-iimbento talaga pagdating ng panahon. Isa na doon ang time travelling watch na ginamit ni Dawn upang makapunta sa panahon na 'to.Na-amaze lang si Bea sa kaniyang mga kwento at parang na-e-excite na lang sa future."So... hanggang kelan ka na lang dito?" Tanong ni Bea."Hmm, i only have 1 week. Yun na ang pinaka-max na araw na mabibigay sa'kin eh.""So you still have one day with me?" Nalungkot si Bea.Niyakap ito kaagad

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status