LOGIN
Nagkuwentuhan kami ng mga alaalang nabuo namin ni, Maria. Umabot na ng isang taon ang aming pagkakaibigan pero hindi ko pa rin nasasabi sakanya ang aking nararamdaman. Sa bawat araw na nakakasama ko siya, mas lalo akong umiibig sakanya. Sabi saakin ni itay dati na ang paghanga at pagkagusto sa isang tao ay magkaiba.Kapag umabot ng apat na buwan o higit ang iyong nararamdaman sa isang tao ay iba na, umiibig kana sakanya. Umiibig na ako kay, Maria. Narito kami ngayon sa lugar kung saan una akong umiyak at nakaramdam ng sakit. Ang lupain na sinasakahan ni ama na katabi ang ilog pag-asa. 'Pag pumupunta ako rito'y pakiramdam ko binibigyan ako nito ng lakas at kaginhawaan, kahit mayroon kaming mapait na pangyayari sa lugar na ito."Sa natatandaan ko, hindi ba't dito nagtapos ang buhay ng iyong kapatid, Tonyo?" tanong niya."Oo, Maria. Ngunit, alam kong masaya na rin naman siya kapiling ng, Panginoon." Napangiti na lamang ako
"We are aiming higher, We are shaping our future! We are one. Together, NEVER SHALL WE FAIL!"Nagagalak akong muling makatungtong sa unibersidad na ito. Naninibago ako sa lugar na ito dahil na nga nanirahan muna ako pansamantala sa probinsya. Pakiramdam ko tuloy, bago pa lamang ako dito. Para bang bumalik ang naramdaman ko noong una akong nakapasok dito.The grass is a sprinter at the squares, prepared to race for the light when the climate warms. New daylight enlightens ideal circles of water upon its fine green wands. With the ensemble of the feathered creatures over, this chill day as of now feels as though it has a bit of wizardry, as though anything may occur.It was as if, everything was magical because of the rain and the scorching heat of the morning.Natawa na lamang ako saaking naalala.
I travelled for about 12 hours and another 2 hours para makarating sa dorm na tinutuluyan ko. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang, sinalubong na ako ng sandamakmak kong libro."I missed you all so much!" Wika ko habang nakatitig sa mga libro. Nabasa ko na rin naman ito lahat pero nag-e-enjoy pa rin akong basahin sila ng paulit-ulit.'Di ko sigurado, pero mukhang three hundred plus ang bilang ng mga libro ko. Hindi pa kabilang dyan ang nasa probinsya. 4 am pa lang naman at may oras pa akong matulog. Nagleave rin muna ako sa pinagpapart-time-an ko malapit sa University na pinapasukan ko, kasi I need rest rin naman."Meow,"Naibukas ko na lamang ang aking mata sa narinig."Paanong may pusa rito e', pinagbabawalan nga ng landlord na mag-alaga kami?" Umupo ako't hinanap kung s
Nagising ako ng may dinadamdam na sakit sa likod, paa, kamay at ulo. Nabigla rin ako ng mapagtanto kong nasa bahay na ako. Ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako sa kalagitnaan ng kasagsagan ng bagyo. Pero paanong naparito ako? Panaginip ko lang ba ang lahat ng yun? Siguro nga.Uupo sana ako pero di ko pa magawang maayos. Pumasok si ama at nakita akong nahihirapan sa pagupo kaya tinulungan niya ako."Ayos na ba ang pakiramdam mo anak?""Bakit anong nangyare tay? May di kanais-nais bang nangyari saakin?""Inapoy ka ng lagnat Tonyo."Natatandaan ko ng nilagnat nga pala talaga ako at si Maria lamang ang tumulong saakin."Ilang araw na ba akong tulog itay?""Dalawang araw at may kalahati,"
Naging malalim ang pagkakaibigan naming dalawa ni, Maria. Madalas ko na rin siyang nakakasama pero, patago namin itong ginagawa at tanging si Fernando lamang ang nakakaalam. Pinagkakatiwalaan ko naman siya. Hindi kasi maaring malaman ng kapamilya niya o kahit na sinong nakakakilala ng pagkatao niya na may kasama siyang isang, Ginoo.Hindi naman ito naging mahirap saamin sapagkat noon pa man, tinatago niya na ang katauhan sa publiko. At ang ilan pa sa mga kakilala niya ay mababait. Kaya, malaya naman kaming nakakakilos.Sa totoo lang, hindi naman talaga pinagbabawalan makita ang isang binibini at ginoo na magkasama. Basta't alam nila ang kanilang ginagawa, walang mangyayaring masama. Kinakailangan lang namin mag-ingat dahil sa ama niya. Hindi ko naman alam kung ano ba ang ugali ng gobernador pero sinasabi niyang hindi ko ito magugustuhan. Kaya sinunod ko na lamang ang kahilingan niyang mag-iinga
"Edi' liligawan ulit kita kagaya no'ng dati." Pagsasalita ko.Nakaupo ako ngayon sa higaan niya at pinagmamasdan siya. Tila naguguluhan ito kung saan ba niya ipupwesto ang mga gamit. Kahit pa rin talaga sa pangalawang buhay niya, nahihilig pa rin siya sa mga libro. Kaya siguradong-sigurado akong siya nga ito.Mayroong apat na buhay ang tao. Magkakaibang personalidad, mukha at pamumuhay. Pero ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay para bang pinagpala ng, Panginoon. Siya pa rin yung babaeng nakilala ko matagal ng panahon, at walang nagbago man lang sa tatlong nabanggit ko.P'wera na lang pala sa memorya niya. Alam kong hindi niya na ako natatandaan pa.Hindi ko alam kung nakikita pa ba ako ngayon ng, Panginoon. Noon kasi, palagi niya akong pinapaalalahanan sa lahat ng magiging kilos ko. Pero ngayon, hindi ko na siya