Napakalikot niyang bata, sobra. 'Di ko inakalang mas mahihirapan pala ako dito kaysa sa dati kong nabantayan. Naririnig ko sa kwento ng kanyang ina noon na nasa sinapupunan pa lang niya daw ito, sobra na kung gumalaw. Nakakatuwang isipin na nahihilig ka pa rin sa pagsayaw, aking sinisinta.Hanggang sa lumabas na siya at ganap ng parte ng mundo. Sobrang tibay ng naging pagbasbas ko, pero alam ko namang may bahaging ibinigay dito ang Panginoon. Bawat araw na lumilipas nakangiti akong binabantayan siya mapa paglaro, pagkain, at pati na rin pagtulog. Kahit wala pa siyang kamuwang-muwang, nakikita ko pa rin ang ngiti niya noon saakin. At alam niyo ba na ang mga batang katulad niya pa lamang ay may kakayahang makakita ng mga taong hindi na parte ng mundo o yung mga natapos na ang mission pero patuloy pa ring naglalakbay dito? At meron pang isa na ikinatuwa ko ng lubos!
Huling Na-update : 2020-11-16 Magbasa pa