Nagkuwentuhan kami ng mga alaalang nabuo namin ni, Maria. Umabot na ng isang taon ang aming pagkakaibigan pero hindi ko pa rin nasasabi sakanya ang aking nararamdaman. Sa bawat araw na nakakasama ko siya, mas lalo akong umiibig sakanya. Sabi saakin ni itay dati na ang paghanga at pagkagusto sa isang tao ay magkaiba.Kapag umabot ng apat na buwan o higit ang iyong nararamdaman sa isang tao ay iba na, umiibig kana sakanya. Umiibig na ako kay, Maria. Narito kami ngayon sa lugar kung saan una akong umiyak at nakaramdam ng sakit. Ang lupain na sinasakahan ni ama na katabi ang ilog pag-asa. 'Pag pumupunta ako rito'y pakiramdam ko binibigyan ako nito ng lakas at kaginhawaan, kahit mayroon kaming mapait na pangyayari sa lugar na ito. "Sa natatandaan ko, hindi ba't dito nagtapos ang buhay ng iyong kapatid, Tonyo?" tanong niya. "Oo, Maria. Ngunit, alam kong masaya na rin naman siya kapiling ng, Panginoon." Napangiti na lamang ako
Last Updated : 2020-11-16 Read more