Home / All / In Bed With Him / Chapte 1b

Share

Chapte 1b

last update publish date: 2020-08-07 00:34:24

MALALAKI ang bawat hakbang ni Trevor. Napag-iiwanan niya ang kanyang sekretaryang si Blesilda habang humihingal itong nakasunod sa kanya. In-inspeksiyon niya sa huling pagkakataon ang De Rosales Condominium sa Ortigas bago ang inagurasyon niyon sa susunod na linggo. Iyon ang pangalawa niyang condominium building sa lugar na iyon.Tumagal lamang ng tatlumpong minuto ang meeting niya sa Engineers at Arkitekto ng kompanya. He mentioned some points which he wanted to be rectified. Minor na lamang ang mga iyon. Pang-apat na iyon sa naipatayo niyang gusali  sa taong ito. The first three were almost sold-out. Ang sarili rin niyang kompaniya – ang De Rosales Realty & Development Corporation ang namamahala ng leasing niyon. Sa susunod na taon ay uumpisahan naman niya ang De Rosales Mall sa isang probinsiya sa Norte.

Ang DRRDC ay isa lamang sa mga kompanya sa ilalim ng mother company nitong De Rosales Group of Companies. Isa pa sa malaking business na pinagkakaabalahan niya ay ang De Rosales Trading Corporation. He was planning to put up School and Office Supplies Retail Stores and he wanted to start as soon as possible.

His calendar for the day was tight. Blesilda being an efficient assistant sent him Whatsapp message this morning that he had to meet her to finalize the upcoming meetings for the coming week. Biyernes ngayon at dahil wala siyang panahon para dumaan sa opisina ay doon na lamang sila sa site nagtagpo dahil malapit ang bahay doon ni Blesilda. Mabuti na lamang at dependable ito. She handled his schedules and calendar of activities very well – walang loopholes. Kung hindi sa dependability at efficiency nito, palagi siya marahil semplang sa kanyang mga appointments pati na sa kanyang mga travel plans. She was practically spoon- feeding him. Blesilda was the type who would not stop bugging him until a pending project was done. Her expertise as Executive Assistant was honed since she was working with his father. Kaya kahit magsi-singkwenta na ito ay hindi niya puwedeng palitan. Matagal na sana niya itong dapat i-promote bilang Office Manager pero nag-aalinlangan siya. He didn’t want to hire a new assistant na magbibigay lamang sa kanya ng sakit ng ulo. He considered her as her shock absorber. Kahit sumigaw siya at magalit, alam na nito ang kanyang ugali. In fact, para niya itong nakatatandang kapatid. Kung mayroon siyang babaeng iginagalang at pinahahalagahan ay si Blesilda lamang iyon. He valued her more than his mother.

            Napalingon siya kay Blesilda na noo’y abala sa pagsusulat ng kung ano sa memo pad nito. Gumuhit ang pamilyar na pait sa kanyang puso sa pagka-alala sa kanyang ina. Blesilda was far more capable of being a mother than her own mother. Ipinilig niya ang ulo at nilapitan si Blesilda.

            “So… what else is there?” tanong niya kay Blesilda bago sumulyap sa relong pambisig. He would have to rush to another meeting with a bank for the renewal of loan facilities. That was what he was always doing. Isang bagay na natutunan niya sa kanyang ama ay magpaikot ng pera sa pamamagitan ng mga loan facilities. He had a dependable Finance Management Committee. He always made sure of return of investment on specified time frame. He was very particular in business planning, setting targets and goals. Kaya nga siya tinitingalang young entrepreneur hindi lang sa bansa kundi maging sa buong Asia.

            Sinulyapan siya ni Blesilda. “Sinabi mo kahapon na sasamahan mo ang Papa mo sa regular check-up niya sa Asian Hospital mamayang four o’clock. Ano bang gusto mo? Ipasundo ko na lang siya kay Delio at ipahatid sa ospital para doon ka na rin dumiretso?”

            “No. I’ll come home and pick him up. Siyempre dapat kasama si Betchay. Pakitawagan na lang si Betchay. Tell them to be ready by quarter to four.” Nasa Ayala Alabang Village ang bahay nila. It would only take more or less than fifteen minutes to Asian Hospital. Si Betchay ang private nurse na nag-aasikaso sa kanyang ama. May alalay itong isa pang caregiver na lalaki.

            “Sure ka? Wala namang gagawin si Delio. Kausap ko na siya kanina at sinabi kong stand-by lang siya for any  further instruction.”

Si Delio ang personal driver ni Trevor pero mas madalas na mas gusto niyang siya mismo ang nagmamaneho ng sariling sasakyan. Natutunan na niyang huwag maging dependent magmula pa noong bata pa siya kahit mayaman ang kanilang pamilya. He had always been independent. Innate na sa kanya iyon.

            “Oo. I told you, I want to serve Papa as much as I could.”

            Napabuntong-hininga si Blesilda. “Napakabait mong anak.”

            “That’s the least I can do for my father. He had been almost helpless all his life. Kahit noon pa, siya na ang sumubaybay sa akin at sa kapatid ko. Maganda ang buhay ko ngayon dahil sa kanya. Kahit anong pinagdaanan niya, hindi naging hadlang para magpabaya siya sa akin… sa aming magkapatid.” His father suffered a mild stroke two years ago. Unti-unti pa lang itong nakakabawi dahil sa patuloy sa therapy.

            Lumatay ang lungkot sa mukha ni Blesilda. “I… I understand pero hindi sa nakikialam ako sa iyo Mr. De Rosales… dapat ay lumalagay ka na sa tahimik. Puro ka trabaho at pamilya. I mean, anong gagawin mo sa mga pinaghirapan mo kung wala ka namang sariling pamilya?”

            Nagkibit-balikat lamang siya saka pinilit na ngumiti. “Tahimik ang buhay ko. No complications. I am fine with it.”

            Hindi na uli nagsalita si Blesilda. Ilang beses na siyang sinabihan nito ng ganoon pero lagi niyang binabalewala. Bilang sekretarya niya ay natural na alam nito ang mga personal niyang relasyon – hindi mabilang na relasyon na walang commitment. Ilang beses na nga siyang nahuli nitong may kasama sa pribadong opisina niya. Alam din nito na ni isa man sa mga naka-relasyon niya ay wala siyang sineryoso. Pang-kama lang ang mga babae, hindi dapat sineseryoso.

            Dahil dati itong  sekretarya ng kanyang ama kaya alam nito ang kuwento ng kanilang pamilya. Hindi man niya diretsahang sabihin ang dahilan niya kung bakit wala sa bokabularyo niya ang salitang “kasal” ay alam niyang may ideya ito kung bakit.

            “I’ll drop you off to office tapos ay didiretso na ako sa meeting ko sa bangko,” aniya sa butihing sekretarya.

            “Magta-taxi na lang ako. Malapit lang ang opisina.”

            “That’s the point. Malapit lang kaya ida-drop na kita.”

            Ngiting-ngiti si Blesilda. “Salamat,” anito pagkuwa’y biglang may naalala. “Na-send ko na nga pala sa email mo, both personal and outlook ‘yong link ng profile ni Savannah Andrada. I browsed it.  Impressive ang portfolio niya. Hindi lang siya maganda. She seems very intellectual. Gusto mo bang i-arrange ko ang interview niya sa HRD?”

            Trevor felt his blood pressure shoot up upon hearing the name. “No. I want to see her directly. If you can arrange for an interview tomorrow, do it.”

            Napakunot ang noo ni Blesilda. “Punong-puno ang schedule mo bukas until five in the afternoon. Puro out of the office meetings ‘yon kasi wala namang pasok sa opisina. Ikaw lang itong gustong magtrabaho kahit Sabado.”

            “Then make it after five.”

            “Too late.”

            “It does not matter. We need to hire her as consultant. Baka maunahan pa tayo ng iba. Huwag mo nang padaanin sa HRD. Call her directly from your side. If she won’t be available after five, you can postpone any less important meeting to accommodate her earlier. Alright?”

            “Okay. I’ll do that. If she’ll confirm at five, then I will postpone your four o’clock appointment and re-schedule on a weekday. Hindi naman ‘yon urgent issue. That can be postponed.”

            “Great.  Arrange the interview with Savannah Andrada in the office.”

            “What? Only the guards will be there and the janitors and janitresses. Wala ngang pasok, remember?”

            Napaisip si Trevor. “Mas okay ‘yon.”

            Pinangunutan siya uli ng noo ni Blesilda. “Mr. De Rosales…” tila may pag-papa-alala sa tono nito.

            “I know what I’m doing.”

            “Baka sumemplang ka sa isang ito.”

            “Do you think so? I have heard so much about her. Last year, she was implicated in a political controversy, right? Mistress of Senator Manalang if my memory serves me right?”

            “Hindi naman lahat ng nasusulat lalo na about politics ay totoo. Kung totoo na pumatol siya kay Senator Sotero Manalang at naging kerida siya, I don’t think magagawa niyang harapin ng taas-noo ang Senate Blue Ribbon Committee. Napatunayan naman daw na peke ang bank accounts na sinasabing nakapangalan sa kanya at pinag-deposito-han ng milyon-milyong pork barrel funds. At saka ang ganda-ganda niya. I browsed her social media profiles also. Her blog site is also impressive. Mahusay talaga.”

Tinitigan niya si Blesilda. “We will see. I really need to get her services. Kailangan ko nang ma-push ang School and Office Supplies Retail Stores. It will help boost the revenue of the De Rosales Trading. Since sinabi mo nga na maganda ang profile niya as Business Development enthusiast, I believe we really need her the soonest possible time.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • In Bed With Him   Chapter 1c

    MATAGAL-TAGAL na ring pinag-iisipan ni Trevor kung paano mapapalapit kay Savannah Andrada. Nagkaroon siya ng pagkakataon nang na-mild stroke ang Business Development Manager ng kompanya. Kailangan niya ng temporary na kapalit nito. Kung papalarin, it would be a blessing in disguise having Savannah on board. Magkakaroon din siya ng pagkakataong “makaganti” kahit paano.Sa naisip ay lihim siyang nagdiwang. Galit siya sa mga babaeng mapagsamantala sa kahinaan ng mga lalaki. Una nang naging biktima ang kanyang ama ng mismo niyang ina. Ilang beses nitong sinaktan ang napakabait niyang ama.

  • In Bed With Him   Chapte 1b

    MALALAKI ang bawat hakbang ni Trevor. Napag-iiwanan niya ang kanyang sekretaryang si Blesilda habang humihingal itong nakasunod sa kanya. In-inspeksiyon niya sa huling pagkakataon ang De Rosales Condominium sa Ortigas bago ang inagurasyon niyon sa susunod na linggo. Iyon ang pangalawa niyang condominium building sa lugar na iyon.Tumagal lamang ng tatlumpong minuto ang meeting niya sa Engineers at Arkitekto ng kompanya. He mentioned some points which he wanted to be rectified. Minor na lamang ang mga iyon. Pang-apat na iyon sa naipatayo niyang gusali sa taong ito. The first three were almost sold-out. Ang sarili rin niyang kompaniya – ang De Rosales Realty & Development Corporation ang namamahala

  • In Bed With Him   Chapter 1a

    TREVOR gave his hardest thrusts. His movement was faster and deeper. He felt his partner shivered wildly in ecstasy as she moaned in pleasures. She was as aroused as he was. Lumakas nang lumakas ang pag-ungol nito habang nakasabunot ang dalawang kamay sa kanyang buhok. She was screaming her heart out. Kasabay ng panginginig ng kalamnan ay ang malakas na pagsambit nito sa kanyang pangalan. She was in the peak of ecstasy. “Damn you, Trevor! Hard….harder… Ohhh…” Lumip

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status