Mag-log inMATAGAL-TAGAL na ringpinag-iisipan ni Trevor kung paano mapapalapit kay Savannah Andrada. Nagkaroon siya ng pagkakataon nang na-mild stroke ang Business Development Manager ng kompanya. Kailangan niya ng temporary na kapalit nito. Kung papalarin, it would be a blessing in disguise having Savannah on board. Magkakaroon din siya ng pagkakataong “makaganti” kahit paano.
Sa naisip ay lihim siyang nagdiwang. Galit siya sa mga babaeng mapagsamantala sa kahinaan ng mga lalaki. Una nang naging biktima ang kanyang ama ng mismo niyang ina. Ilang beses nitong sinaktan ang napakabait niyang ama.
He was so young then but he knew what was happening. Naririnig niya palaging nagtatalo ang mga ito. Kung kani-kaninong lalaki ito pumatol. Maging ang ninong niya na matalik na kaibigan ng kanyang Papa ay naging kalaguyo nito. Ngunit likas na mabait ang kanyang ama. Muli’t muli itong nagpatawad at nasaktan. Ipinaliwanag ng kanyang ama ang mga bagay na hindi maabot ng kanyang pang-unawa. Na ang tunay na pag-ibig daw ay mapagpatawad at mapang-unawa.
He was eight years old when his mother left again. Hindi man sabihin ng kanyang ama, alam niyang lalaki na naman ang dahilan. He would see his father silently weeping. Palagi itong lango sa alak. Then after a week, his mother came back. She begged for his father’s forgiveness. As expected, he forgave her.
Kung dati ay malayo ang loob niya sa kanyang ina, mas naging malayo pa iyon magmula nang bumalik ito. Natatak na sa utak niyang hindi na ito magbabago. She tried reaching out for him but his heart was telling him she wasn’t true. Na paimbabaw lang ang pagbabago nito. Bata pa siya ay malalim na ang pagkaintindi niya sa mga nangyayari – bagay na nag-iwan ng mga sugat sa kanyang puso at isip.
Hanggang sa nagdalang-tao ito. Mismong ang kanyang Papa na ang gumawa ng paraan para muling maging maayos ang takbo ng kanilang pamilya. They went on out-of-town and out-of-the country trips. Sa murang isip ay alam niyang ginawa iyon ng kanyang ama para mapalapit ang loob niya sa ina.
Ipinanganak si Archie. Everything went well. Unti-unti ay pilit niyang kinalimutan ang galit sa kanyang dibdib para sa kanyang ina. Gusto niyang inaalagaan nito ang kanyang kapatid. He began talking to her normally. Bagama’t sa sarili’y may inhibisyon siyang nararamdaman. He wouldn’t talk to her like other kids his age would talk to their mothers. Lihim siyang naiinggit sa mga batang naglalambing sa kanilang mga ina. Hidi niya iyon naranasan.
The happy family his father was trying to build was again put to test when his mother committed the same mistake. Wala na nga yatang pagbabago ang isang masama at maruming babae. Bago mag-isang taon si Archie ay sumama na naman ito sa ibang lalaki. Worst – sa kanilang family driver. Karma na ang humusga sa kanyang ina. Habang tumatakas ang mga ito dala ang malaking halagang ninakaw sa kanyang ama ay naksidente ang mga ito. Dead on arrival sa ospital na pinagdalhan sa mga ito!
Doon na nagsimulang mapuno ng poot ang dibdib niya para sa sariling ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala.
He knew his father just wanted to live for him and Archie. Likas na mabait ang kanyang ama. Palagi nitong sinasabi na magpakasama-sama man ng kanilang ina, ito ang nagsilang sa kanila. Palagi rin nitong sinasabi na mahalin niya ang kapatid. Malaki ang tanda niya rito kaya dapat na siya ang mag-alaga at mag-protekta rito.
Ang hindi nagawa ng kanilang ina ay siya ang pumuno para sa kapatid habang lumalaki ito.
Kaya gusto niyang makilala nang lubusan si Savannah Andrada. Sinaktan nito si Archie dahilan para malulong ito sa bisyo na muntik na nitong ikamatay. He overdosed himself with drugs. Na-comatose ito ng halos dalawang lingo dahil sa pagkabagok ng ulo sanhi ng pagkalango sa droga. He was now in Rehabilitation Center.
He could still remember how excited Archie every time he would talk about Savannah. According to him, she was the woman of his dreams – sexy, beautiful and smart. He knew Archie dated Savannah. He even borrowed his new sports car – his red Porsche – to show off. And he bought expensive gifts for her. Nalaman niya iyon minsang pumirma siya ng tsekeng pambayad sa personal credit cards ni Archie. Out of curiosity ay inisa-isa niya ang mga naka-attached na resibo sa check vouchers. He found receipts for branded bag and pouch. Mayroon pang mga resibo ng bulaklak at mamahaling chocolates.
Doon sila ibang-iba ni Archie. He had never invested and spent that much for a woman!
He did not confront Archie that time though. As long as magiging masaya ang kanyang kapatid ay walang problema sa kaniya.
Ngunit ibang usapan nan ang malaman niyang pagkatapos nitong gastusan nang ganoong kalaki ang babaeng kinahumalingan nito ay basta na lang nito id-i-nump ang kapatid niya? Matapos nitong huthutan si Archie. Damn her!
He actually ran on Savannah’s profile when Archie spoke about her. Noon nga niya nalamang maraming prominent personalities ang na-involve sa babae in the past. He had this thinking that Savannah was using her wit and charm to attract men and get rich.
But his brother was not a dirty old man like others she had affairs with! Inosente ang kaniyang kapatid. Inosente na nagoyo ng isang babaeng manggagamit. Those thoughts made him promise himself that one day, he would get even with her.
Hangga’t may kagaya ng kanyang ina at ni Savannah Andrada sa mundo, maraming lalaking masasaktan. Noong nasa ICU si Archie ay ipinangako niyang hindi siya titigil hanggang hindi naigaganti ang kapatid. He would have Savannah landed on his lap—two birds with one stone –as his business consultant and as his temporary lover. He would bring her to bed – make her fall for him and make her feel the agony his brother felt. No one could hurt his brother the way his mother had hurt his father. He would give Savannah Andrada a dose of her own medicine.
Ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay sa kanilang pagtatagpo. The sooner he could start his plan, the better. Ramdam na niya ang tagumpay. Excitement engulfed him.
MATAGAL-TAGAL na ring pinag-iisipan ni Trevor kung paano mapapalapit kay Savannah Andrada. Nagkaroon siya ng pagkakataon nang na-mild stroke ang Business Development Manager ng kompanya. Kailangan niya ng temporary na kapalit nito. Kung papalarin, it would be a blessing in disguise having Savannah on board. Magkakaroon din siya ng pagkakataong “makaganti” kahit paano.Sa naisip ay lihim siyang nagdiwang. Galit siya sa mga babaeng mapagsamantala sa kahinaan ng mga lalaki. Una nang naging biktima ang kanyang ama ng mismo niyang ina. Ilang beses nitong sinaktan ang napakabait niyang ama.
MALALAKI ang bawat hakbang ni Trevor. Napag-iiwanan niya ang kanyang sekretaryang si Blesilda habang humihingal itong nakasunod sa kanya. In-inspeksiyon niya sa huling pagkakataon ang De Rosales Condominium sa Ortigas bago ang inagurasyon niyon sa susunod na linggo. Iyon ang pangalawa niyang condominium building sa lugar na iyon.Tumagal lamang ng tatlumpong minuto ang meeting niya sa Engineers at Arkitekto ng kompanya. He mentioned some points which he wanted to be rectified. Minor na lamang ang mga iyon. Pang-apat na iyon sa naipatayo niyang gusali sa taong ito. The first three were almost sold-out. Ang sarili rin niyang kompaniya – ang De Rosales Realty & Development Corporation ang namamahala
TREVOR gave his hardest thrusts. His movement was faster and deeper. He felt his partner shivered wildly in ecstasy as she moaned in pleasures. She was as aroused as he was. Lumakas nang lumakas ang pag-ungol nito habang nakasabunot ang dalawang kamay sa kanyang buhok. She was screaming her heart out. Kasabay ng panginginig ng kalamnan ay ang malakas na pagsambit nito sa kanyang pangalan. She was in the peak of ecstasy. “Damn you, Trevor! Hard….harder… Ohhh…” Lumip