LOGINChapter 10
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para maglinis ng bahay at magdilig ng mga halaman. Bumangon na ako at naligo tsaka nagbihis
“Hi Adi, good morning” bati ni Ashton kaya napalingon ako sakanya at nagpatuloy sa pagdidilig
“H-hi Sir” sabi ko at umiwas ng tingin sakanya
“Oh come on, don’t call me Sir” natatawa niyang sabi at diniinan pa ang 'sir' kaya napakunot yung noo ko
“Bakit naman po?” tanong ko
“Well, mas gusto ko yung Ashton nalang. Don’t be too formal towards me Adi and please cut the 'po' hindi naman siguro ako ganun katandang tignan diba?” sabi niya kaya tumango nalang ako at hindi na siya pinansin
“Marunong ka palang magluto?” tanong niya
“Ah oo, palagi kasi akong tinuturuan ng nanay ko” sagot ko dito at ngumiti
“You look beautiful when you smile” sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin sakanya at namula
“Bolero” pabulong kong sabi pero narinig parin niya
“Im not kidding Adi” sabi niya kaya napairap nalang ako sabay iling. Habang naglilinis ako sa bakuran ay panay naman yung pangungulit niya at nagulat ako ng may tumikhim sa likod namin kaya napatingin ako roon at nakita si Apollo na seryosong nakatitig sakin kaya napalunok ako
“Come inside Ashton, you’re back with your skills again” sabi ni Apollo at napakunot naman yung noo ko. Ano daw? Skills?
“Gotta go Adi, galit na ata si Apollo” sabi niya at pinatunog yung dila niya sabay kindat sakin at doon ko lang napansin yung earrings niya sa dila. Infairness mas gumwapo siya dahil dun
Buong araw ay naglinis lang ako at paminsan minsan ay tumutulong sa pagluluto. Dahil wala si Donya pwede akong makapagluto ng hapunan ngayon
Nagsimula nang kumain si Ashton, Apollo tsaka Atasha. Grabe ang formal nilang kumain, di parehas samin na puro tawanan. Yung sakanila kasi seryoso at si Ashton lang ata yung tumatawa
Nagligpit na kami ng hapagkainan at pagkatapos ay nagbihis ako ng pantulog. Nagising ako dahil sa sobrang uhaw kaya bumaba ako sa kusina at naghanap ng tubig sa ref at ininom iyon
Pagbalik ko sa sala ay nakita ko si Apollo na busy ulit sa laptop niya at lumingon naman siya sakin kaya kumaway ako pero hindi niya ako pinansin. Anong problema nun?
Nagkibit balikat nalang ako at pumunta na ulit sa itaas. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay kaagad akong humiga at di naman nagtagal ay nakatulog na ako
Kinabukasan ay maaga akong nagising pero hindi muna ako bumangon dahil tinatamad ako lalo na't araw araw nalang akong walang saktong pahinga
Tinignan ko yung calendar at nagulat ako kasi bukas na pala yung birthday ko, September 4. Wala namang kwenta yung birthday ko kasi wala naman sila mama, papa tsaka sina Jave at Jessa
Pinigilan ko ang sarili kong umiyak at naligo nalang pagkatapos ay nagbihis. Bumaba na ako at naabutan ko si Atasha na katabi si Apollo sa sofa
“Are you okay Zain?” tanong ni Atasha at tumango naman si Apollo sakanya
Nag iwas ako ng tingin sakanilang dalawa at dumiretso nalang sa kusina. Naghanap ako ng gatas tsaka pandesal. Napapansin ko rin sa sarili ko na mas lalo akong pumayat kaya napabuntong-hininga ako at nagpatuloy nalang sa pag kain
“Hi Adi” bati sakin ni Ashton kaya napatingin ako sakanya
“Oy hello Ash” sabi ko naman at ngumiti
“Wanna go out?” sabi niya kaya napakunot naman yung noo ko
“Saan?” excited kong tanong
“I’ll bring you to my bar” sagot niya kaya lumiwanag naman yung mukha ko
“Talaga?” sabi ko at tumango naman siya sabay ngiti at nawala agad iyon ng maalala ko na baka pagalitan ako ni Donya kapag nalaman niya iyon
“Oh ba’t nawala yung ngiti mo?” tanong niya
“Ah ano kasi baka magalit si Donya na gumagala ako” sabi ko at napayuko nalang. Nagulat naman ako ng inangat niya yung baba ko at tinignan ako sa mata
“Ako ang bahala okay?” sabi niya kaya bumuntong-hininga ako sabay tango
“Good, magbihis kana” sabi niya at pumunta naman ako sa itaas at nagpalit ng off shoulder tsaka shorts at hindi na akong nag abala pang itali yung hanggang bewang ko na buhok
“Ganda mo talaga” sabi niya at napairap naman ako “Bolero mo” sabi ko at tumawa naman siya
“Apollo, may pupuntahan lang kami ni Adi. Don’t worry, ill bring her home early” sabi ni Ashton
“Dito ka lang Adi” seryosong sabi ni Apollo at napakunot naman yung noo ni Atasha
“Let them be Apollo” mahinahon na sabi ni Atasha
“Come on bro” singit ni Ashton
“I said dito ka lang Adi” matigas niyang sabi pero hindi ko siya pinakinggan at hinila nalang si Ashton papalayo sakanya
“Oh easy lang Adi” natatawang sabi ni Ashton at pinatunog na yung sasakyan niya
Sumakay na ako sa passenger's seat at siya naman ay pumasok na rin sa driver’s seat. Excited ako kasi alam niyo na minsan lang talaga ako nakakapunta sa mga malalayong lugar kaya susulitin ko na
“Ang ganda pala dito no? Ibang-iba siya sa probinsya” sabi ko at manghang tumingin sa mga buildings at daan
“First time mong lumabas?” tanong niya at tumango naman ako
“Oo” sabi ko at ngumiti
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bar na sinasabi niya “Ang ganda” sabi ko “Syempre, ako ang may ari eh” mayabang niyang sabi at napairap naman ako
Pumasok kaming dalawa sa bar at napatakip naman ako sa tenga ko dahil sa malakas na tugtog na sumalubong samin at idagdag nyo pa yung ilaw na nakakahilo na sa paningin
“Ganito ba talaga yung bar?” nalilito kong tanong at natawa naman siya
“Yep” sabi niya at pumunta kami sa parang counter at umupo siya doon kaya umupo rin ako
“You want?” alok niya kaya napakunot naman yung noo ko
“Ano yan?” tanong ko
“Nevermind” sabi niya
“Ano nga sabi” pilit kong tanong dito at bumuntong hininga siya
“Fine fine, this is vodka” sabi niya kaya mas lalong napakunot yung noo ko
“Pwedeng patikim?” inosenteng tanong ko
“No Adi” matigas niyang sagot at napasimangot naman ako
“Bakit?” reklamo ko dito
“Baka malasing ka” sabi niya “Okay” sabi ko nalang at tumalikod na sakanya
“Hey Adi” sabi niya pero di ko siya pinansin at tahimik lang
“Look, ayokong malasing ka kaya wag matigas ang ulo okay?” kalmado niyang sabi pero nagpanggap akong walang narinig
Ilang minuto akong tahimik at nagulat ako ng may maliit na baso na ang nakalagay sa harap ko kaya dahan dahan akong ngumiti at tumingin sakanya
“Di ako sanay na hindi mo ako pinapansin” sabi niya na nakanguso kaya mas lalong lumaki yung ngiti ko at kinindatan siya “Damn you” dugtong niya at natawa naman ako sabay inom sa binigay niya at biglang umasim yung mukha ko dahil ang pangit ng lasa
“Ano? Suko kana?” panghahamon niya
“Ako? Susuko? Never” sabi ko at napatawa naman siya at nilagyan pa ang baso ko kaya napangiti ako “You’re the best Ashton” sabi ko sakanya at napailing naman siya
Ilang oras kaming nag uusap at nagtatawanan sa bar. Medyo hindi ako sanay na umiinom kaya napapansin ko na mas nagiging maingay na ako at nakakaramdam na rin ng hilo ng konti
“Lasing kana Adi” sabi ni Ashton at napakunot naman yung noo ko
“Hindi pa” sabi ko at uminom ulit. Shit! Ang pangit talaga ng lasa
“Iuuwi na kita” sabi niya pero umiling lang ako bilang protesta
“Anong oras na?” tanong ko at napatingin naman siya sa relo niya
“10 pm na, kaya iuuwi na kita. Kanina pa tayo dito” sabi niya kaya napasimangot ako at hindi siya pinansin
Sabing ayoko eh! Mas gusto kong dito mag celebrate ng birthday ko. Ano ba yan naiiyak na naman ako! Naaalala ko na naman yung pamilya ko. Tuwing birthday ko konting handaan lang pero masaya
Pinahid ko yung mga luha ko at uminom ulit “May pupuntahan lang ako” sabi niya kaya napatango ako. Inaantok na ako pero di ko yun pinansin at tumingin nalang sa paligid
Alas dose na at nandito pa rin ako sa bar. Gusto kong umuwi sa bahay namin kaso wala na pala kaming bahay haha. Nilagay ko yung ulo ko sa table at pinikit yung mga mata
Naramdaman ko na may kumarga sakin “Sino ka?” tanong ko pero seryoso lang siya “Lalaki kaba?” tanong ko ulit pero di niya ako pinansin kaya napasimangot ako
Pinaupo niya ako sa sasakyan at dahil gusto kong masabi yung nararamdaman ko hindi ko na napigilan ang magsalita “Sabi nila mas magandang daw ilabas yung damdamin mo sa isang stranger kaya sasabihin ko 'to sayo pero shhh ka lang ha” sabi ko at inilagay ang index finger sa labi ko
“Birthday ko kasi ngayon tapos wala man lang nakaalala. Walang bumati haha oo nga pala wala na yung pamilya ko. Yung lakas ko at inspiration wala na. Greet mo naman ako ng happy birthday oh” naiiyak kong sabi at di ko na napigilang mapahagulgol
Ilang minuto akong umiiyak at diko na pala namalayan na dinala niya ako sa isang Mini Mart. Nalilito ako kung bakit dito niya ako naisipang dalhin “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko
“You should drink a hot coffee, para mahismasan ka” sabi niya kaya napatango naman ako
Naghintay ako sa table at pagkatapos niyang bumili ay binigay naman niya yun sakin “Salamat” sabi ko at uminom nalang
Tumitig lang siya sakin kaya napatitig rin ako sa mga malalim niyang mata, mahahabang piloka, matangos na ilong at pinkish na lips. Dinilaan niya iyon kaya napalunok ako at umiwas ng tingin sakanya tsaka uminom ulit
Pagkatapos namin doon ay sumakay ulit kaming dalawa at nagulat ako ng nilagay niya yung coat niya sakin at nagsimula ng magmaneho kaya wala akong magawa kundi ang magpahinga at tumitingin sa paligid at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako
Nagising ako na nasa kwarto na ako. Ngunit nagulat ako ng malaman kung nasa kwarto ko si Apollo na may hawak na cake tsaka candle “A-ano yan?” tanong ko
“Happy 17th birthday Adi” sabi niya at hindi ko naman mapigilan ang sarili kong maiyak. Napayakap nalang ako sakanya at lalong naiyak sa balikat niya. Sobrang saya ko! Ang sarap sa feeling ng ganito
Hinipan ko na yung kandila at napatingin sa cake na may nakalagay na 'Happy 17th Birthday Adi, Love: Your Family' kaya napaiyak na naman ako
“Kainis ka” natatawa kong sabi habang pinipigilan ang sarili kong di na umiyak pero di ko talaga kaya. Niyakap niya ako at naramdaman ko na safe ako sakanya. Siya yung comfort ko, masasandalan kahit saan
“Thank you” sabi ko at ngumiti naman siya “You’re welcome” sabi niya at ngumiti rin
“We should celebrate your birthday. Let’s go downstairs” sabi niya at napatango naman ako sabay bangon sa kama
Nagulat ako ng may mga pagkain rin doon kaya nagtaka ako “Sinong nagluto nito?” tanong ko
“SURPRISEEEE!!” sigaw nila Aling Ursey kaya nanlaki naman yung mata ko at tinakpan yung bibig
“Happy birthday to you” kanta nila at napatingin ulit ako kay Apollo na ngayon ay nakangiti sakin “Happy birthday Adi” sabay sabay nilang sabi kaya napaiyak ulit ako jusko napakaiyakin ko naman!
“Salamat sainyo” iyak kong sabi at ngumiti naman sila “Nako si Adi nagdadalaga na talaga” pabirong sabi ni Aling Ursey kaya napatawa naman ako
“Kayo talaga Aling Ursey hindi pa naman po” sabi ko at tumawa silang lahat
“Oh kainan na!” sabi nila kaya kanya-kanya silang umupo at nagsimula nang kumain
Pumunta ako sa sala kung saan nandun si Apollo “Thank you Apollo” sabi ko at ngumiti naman siya “No problem Adi” sagot niya at nagkatitigan naman kaming dalawa
“Uhm gusto mo sumabay samin?” tanong ko at umiling naman siya “Please” pilit ko kaya bumuntong-hininga nalang siya at tumango “Fine” natatawa niyang sabi at napa 'yes' naman ako at natawa
------------------------------------------------------------
Chapter 14Umalis kanina si Ashton dahil may emergency daw. Edi mas mabuti nga yun para wala ng kumukulit sakin diba?“Adi can you help me?” tanong ni Atasha kaya napalingon ako sakanya“Ano yun?” sagot ko“Samahan mo naman akong bumili ng mga kakailanganin para sa birthday ni Apollo. Is it okay?” sabi niya habang nakangiti kaya wala naman akong magawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto niyaSumakay na kami sa sasakyan niya at siya naman ay panay yung daldal kaya wala akong magawa kundi ang ngumiti sakanya ng pilit at tumango kahit hindi naman ako interesado“17 ka pa right?” tanong niya“Oo”“Seriously? At first I thought you’re already 20 kasi base sa appearance mo you look like matured already pero sa mukha mo baby pa rin naman” natatawa niyang sabi“Thank you” sabi ko sakanya“A
Chapter 13Nakauwi na kami sa bahay at hindi ko pa rin siya pinapansin kasi ayaw niyang sabihin sakin kung bakit gusto niyang may bata sa tiyan ko“Baliw” sabi ko sa sarili“Are you okay Adi? Ba’t ka nagsasalita ng mag isa?” natatawang sabi ni Atasha kaya nagulat naman ako at napatingin sakanya“Ikaw pala yan Atasha, uhm wala naman” sabi ko at ngumiti sakanya kaya napakunot yung noo niya“Are you sure?”“Oo naman” sabi ko at nagpatuloy sa paglilinis“May I ask you a question?”“Sure” sagot ko“Alam mo ba kung bakit masyado ng busy si Apollo ngayon? Hindi kasi siya masyadong sumusulpot sa date namin, baka may alam ka?”“A-ah h-hindi ko rin alam eh” sagot ko sakanya“Sigurado ka?”“Oo naman” sabi ko sakanya“Okay, thank
CHAPTER 12Malalim ang titig sakin ni Apollo hanggang sa lumabas kami ni Ashton “Saan na naman tayo pupunta?” sabi ko habang nakapamewang“Napaka manang mo talaga” sabi niya kaya nanlaki yung mata ko at binatukan siya“Gago” I said and he laughed“Kidding”Sumakay na kami sa sasakyan niya at dinala niya naman ako sa isang amusement park “Ganda dito!” mangha kong sabi“First time?” tanong niya at tumango naman ako“Let’s explore” maligaya niyang dugtong at hinawakan yung kamay ko at bahagya akong hinili kaya nagpahila nalang din ako sakanya dahil wala naman akong alam sa lugar na ‘toUna naming pinuntahan ay ang ferris wheel “Hindi ba 'to nakakatakot?” tanong ko“Hindi” cool niyang sabi at nagsuot pa ng shades yung mokong“Seryoso nga kasi Ashton” iritado kong sabi kaya natawa siya
Chapter 11Masaya ako sa birthday ko kahit na medyo namimiss ko yung pamilya ko atleast nandiyan sila para sakin. Hindi ko talaga inexpect yung nangyari“Hija, first time kong makita si Apollo na naghahanda para sa birthday” sabi ni Aling Ursey habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok“Po? Anong ibig niyong sabihin?” nagugulahan kong tanong“Wala hija, pero alam na alam ko na iyang mga galawan ni Apollo haha” natatawang sabi ni Aling Ursey“Ang ganda mo hija, san kaba nagmana?” tanong niya at napatawa naman ako“Hindi ko rin po alam eh hahaha” sabi ko at natawa naman siya“Bagay kayo ni Apollo” sabi niya at nanlaki naman yung mata ko“P-po?” gulat kong tanong“Joke lang hija. Siya nga pala, nag enjoy kaba sa birthday mo?” tanong niya at napangiti naman ako“Opo” sabi ko at
Chapter 10Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para maglinis ng bahay at magdilig ng mga halaman. Bumangon na ako at naligo tsaka nagbihis“Hi Adi, good morning” bati ni Ashton kaya napalingon ako sakanya at nagpatuloy sa pagdidilig“H-hi Sir” sabi ko at umiwas ng tingin sakanya“Oh come on, don’t call me Sir” natatawa niyang sabi at diniinan pa ang 'sir' kaya napakunot yung noo ko“Bakit naman po?” tanong ko“Well, mas gusto ko yung Ashton nalang. Don’t be too formal towards me Adi and please cut the 'po' hindi naman siguro ako ganun katandang tignan diba?” sabi niya kaya tumango nalang ako at hindi na siya pinansin“Marunong ka palang magluto?” tanong niya“Ah oo, palagi kasi akong tinuturuan ng
Chapter 9Tahimik lang kami buong biyahe at paminsan-minsan ay lumilingon siya sakin kaya kumukunot yung noo ko at tinataasan siya ng kilay“Don’t look at me like that” natatawa niyang sabi“Bakit?” naguguluhan kong tanongMay ibinulong siya pero di ko yun marinig “Anong sinabi mo?” tanong ko ulit sakanya“Wala” sabi niya kaya napasimangot ako at tumingin nalang ulit sa bintanaNang makarating na kami sa mall ay namangha naman akong tumingin sa paligid dahil nga first time ko palang ito“Ang ganda dito” mangha kong sabi at napatawa naman siya“Don’t tell me hindi ka pa nakapunta dito sa mall?” tanong niya at umiling naman ako“Let’s go to the supermarket” sabi niya at nagtaka naman ako“S-supermarket?” tanong ko“Yeah supermarket” sabi niya at nagsimula nang magl