CHAPTER 1Nandito ako ngayon sa Palenque De Arce dito kasi kami nagtitinda ng mga kakanin tsaka mga gulay. Ako yung panganay sa aming magkakapatid kaya imbes na nasa skwelahan ako ngayon ay nasa palengke nalang ako at nagtitinda "MGA SUUUKI BILI NA KAYOOO!" sigaw ko at ngumiti ng matamis sakanila "Ay ikaw pala yan Adi, nako makabili nga ng paninda mo for sure mga fresh yan tsaka blooming kagaya mo" sabi sakin ni Aling Marcela "Nako naman Aling Marcela napaka bolera mo pero sige po dahil pinuri niyo po ako, bibigyan ko po kayo ng discount" sabi ko at natawa naman siya "Oh sige sige, ayan huwag mo na akong bigyan ng discount alam ko naman na kailangan niyo talaga ng pera" sabi niya at napayakap naman ako sakanya "Ay thank you so much Aling Marcela. You're the best!" sabi ko at kumindat sakanya at natawa nalang kaming dalawa 
Last Updated : 2020-09-07 Read more