Share

CHAPTER 7

last update publish date: 2020-09-09 11:18:33

CHAPTER 7

Naligo na ako at nagbihis para tulungan sila sa ibaba. Pagbaba ko doon ay nagtanong ako kay Aling Ursey kung ano ang mga kailangan kong gawin 

“Ikaw yung magluluto ngayon” sabi niya at ngumiti naman ako 

“Talaga po?” sabi ko dahil ilang araw na rin akong hindi nakapagluto 

“Syempre naman, alam kong marunong kang magluto” sabi niya kaya napayakap naman ako sakanya at natawa kaming dalawa

Nagkuha ako ng mga ingredients at nagsimula nang magluto. Habang nagluluto ako ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil naalala ko si nanay nung mga panahon na buhay pa siya. Siya talaga yung nagtuturo sakin kung paano magluto ng masarap na pagkain 

Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod ko “You know how to cook?” maligayang sabi ni Atasha kaya napalingon naman ako sakanya at ngumiti 

“Oo, palagi kasi akong tinuturuan ng nanay ko noon na magluto” sabi ko at nagpatuloy sa paghalo at paglagay ng ingredients 

“It smells so good, good job!” sabi niya at nag thumbs up kaya napatawa naman ako at nag thums up rin sakanya 

Pagkatapos kong magluto ay sakto naman na nakita ko si Apollo na pababa ng hagdan 

“We can’t join mamá for breakfast may lakad kami ni Atasha” sabi ni Apollo at tumango naman kaming lahat 

Pagkatapos kong magluto ay naghanda na sila ng pinggan at sakto naman na bumaba si Donya galing sa kwarto niya at umupo na siya 

Kinakabahan ako kasi kapag nalaman niya na ako ang nagluto niyan tiyak na hindi niya kakainin

“Sinong nagluto nito?” tanong niya at napalunok naman ako 

“A-ako po” sabi ko at nagulat naman siya at tumawa ng sarkastiko

“Really? Ikaw ang nagluto nito?” natatawa niyang sabi at biglang sumeryoso “Ipagluto mo ulit ako Aling Ursey nawalan na ako ng ganang kumain” sabi ni Donya at umalis sa lamesa. Pumunta ulit siya sa kwarto niya kaya napabuntong hininga naman ako at kinagat yung labi ko para pigilan yung mga luha ko 

“Kami nalang ang kakain nito hija, masarap naman yung luto mo” pampagaan ng loob na sabi sakin ni Aling Ursey at umiling naman ako 

“Wag nalang po, hindi naman po masarap 'yan” sabi ko habang nakayuko nalang dahil sa sama ng loob

Magsasalita pa sana si Aling Ursey nang tawagin na siya ng isa sa mga kasambahay kaya napatango naman ako sakanya at pilit na ngumiti 

Dahil wala naman akong magawa ay lumabas nalang ako. Pumunta ako sa garden at nagdilig ng mga halaman “Oy hija, nandiyan ka pala” sabi ni Kuya Archi kaya napalingon ako sakanya 

“Hello po Kuya Archi” sabi ko at ngumiti sakanya 

“Wala kabang balak mag artista? Bagay sayo hija” sabi niya at natawa naman ako 

“Hahaha susubukan ko po” sabi ko 

“Sigurado ako tatanggapin ka nila kaagad hija” sabi niya “Siya nga pala kakain muna ako ha” dugtong niya at tumango naman ako sabay kaway sakanya

Napatingin naman ako sa kamay ko kung nasaan makikita mo talaga yung trace ng blade kaya tinago ko nalang ito at tumingin ulit sa labas 

Pumunta ako sa sala dahil hapon na at nagluto ako ng pagkain kahit na wala namang may gustong kumain nun. Pagkatapos kong magluto ay kumain na akong mag isa 

“Aling Ursey, kumain kana po.” pag-aalok ko sakanya na kakababa lang at napatingin naman siya sakin 

“Sige ba hija, ano ba 'yang niluto mo?” tanong niya sakin at kumuha na rin ng pagkain 

“Sinigang po, best recipe ko 'yan” proud kong sabi at natawa naman siya 

“Proud talaga ako sayo” sabi niya at ngumiti naman ako 

“Salamat po” sabi ko at nagpatuloy kami sa pagkain 

Pagkatapos ay hinugasan ko naman yung mga plato “Pababa na si Donya, kakain na daw siya” sabi nung isang kasambahay kaya napalunok naman ako at nanatili lang nakatayo 

“Donya kumain na po kayo” sabi ni Aling Ursey at tumango naman si Donya 

“Ikaw ang nagluto nitong Sinigang manang?” tanong ni Donya at napalingon naman si Aling Ursey sakin 

“Ah hehe hindi po ako Donya, si Adi po pero tikman niyo masarap naman sobra” ngiting sabi niya at naging seryoso naman yung mukha ng Donya

“How many times do I have to tell you na hindi ako kakain ng mga niluluto ng babaeng 'yan! Wag na wag niyong kakainin ito, did you get it?” sigaw niya sakanilang lahat at napayuko naman kami at sabay sabay silang sumagot ng “Oo” 

“Good. Now manang, ipagluto mo ulit ako nakakasuka ang iniluto niyang sinigang” sabi ni Donya kaya nanatili lang akong nakayuko at pumunta nalang sa itaas. Nagkulong nalang ako sa kwarto 

Ewan ko pero hindi ko na naman mapigilan ang umiyak. Masarap naman yung niluto ko at hindi nakakasuka ah! Tsaka favorite nga yun nila nanay eh. Ba’t ba lahat ata sila may galit sakin? 

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak at nagising nalang ako ng tumunog yung alarm clock. Shit! Papagalitan na naman ako nito 

Dali dali akong bumangon at naligo tsaka nagbihis at pumunta sa sala “Aling Ursey, tinapon mo ba yung sinigang na niluto ko kagabi?” tanong ko 

“Ah oo hija, pasensya kana ha utos kasi ni Donya” sabi niya at napangiti naman ako ng hilaw 

“Okay lang po tsaka wag niyo nang alalahanin iyon” sabi ko habang pinipigilan yung sarili kong maiyak ulit

Naglinis ako ng buong bahay at paminsan minsan ay inuutusan naman ako ni Aling Ursey 

"Manang" sabi ni Atasha 

"Oh hija, bakit?" tanong niya

"Aalis na po ako" sagot ni Atasha 

"Nako hindi kaba magtatagal dito?" natatawang tanong ni Aling Ursey at natawa rin si Atasha 

"Hindi na po, babalik nalang ako kapag hindi na ako busy" sabi niya kaya tumango naman si Aling Ursey at lumingon sakin 

"Adi magpaalam kana kay Atasha" sabi niya 

"Good bye Ma'am Atasha, ingat ka palagi" sabi ko at ngumiti naman siya at nagulat ako ng niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik 

"Thank you, ingat rin kayo dito" sabi niya at lumabas na siya ng bahay 

"Hindi ba siya ihahatid ni Apollo?" tanong ko kay Aling Ursey

"Busy ata si sir ngayon" kaswal na sagot naman niya kaya napatango nalang ako at nagpatuloy sa mga gawaing bahay

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 14

    Chapter 14Umalis kanina si Ashton dahil may emergency daw. Edi mas mabuti nga yun para wala ng kumukulit sakin diba?“Adi can you help me?” tanong ni Atasha kaya napalingon ako sakanya“Ano yun?” sagot ko“Samahan mo naman akong bumili ng mga kakailanganin para sa birthday ni Apollo. Is it okay?” sabi niya habang nakangiti kaya wala naman akong magawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto niyaSumakay na kami sa sasakyan niya at siya naman ay panay yung daldal kaya wala akong magawa kundi ang ngumiti sakanya ng pilit at tumango kahit hindi naman ako interesado“17 ka pa right?” tanong niya“Oo”“Seriously? At first I thought you’re already 20 kasi base sa appearance mo you look like matured already pero sa mukha mo baby pa rin naman” natatawa niyang sabi“Thank you” sabi ko sakanya“A

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 13

    Chapter 13Nakauwi na kami sa bahay at hindi ko pa rin siya pinapansin kasi ayaw niyang sabihin sakin kung bakit gusto niyang may bata sa tiyan ko“Baliw” sabi ko sa sarili“Are you okay Adi? Ba’t ka nagsasalita ng mag isa?” natatawang sabi ni Atasha kaya nagulat naman ako at napatingin sakanya“Ikaw pala yan Atasha, uhm wala naman” sabi ko at ngumiti sakanya kaya napakunot yung noo niya“Are you sure?”“Oo naman” sabi ko at nagpatuloy sa paglilinis“May I ask you a question?”“Sure” sagot ko“Alam mo ba kung bakit masyado ng busy si Apollo ngayon? Hindi kasi siya masyadong sumusulpot sa date namin, baka may alam ka?”“A-ah h-hindi ko rin alam eh” sagot ko sakanya“Sigurado ka?”“Oo naman” sabi ko sakanya“Okay, thank

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 12

    CHAPTER 12Malalim ang titig sakin ni Apollo hanggang sa lumabas kami ni Ashton “Saan na naman tayo pupunta?” sabi ko habang nakapamewang“Napaka manang mo talaga” sabi niya kaya nanlaki yung mata ko at binatukan siya“Gago” I said and he laughed“Kidding”Sumakay na kami sa sasakyan niya at dinala niya naman ako sa isang amusement park “Ganda dito!” mangha kong sabi“First time?” tanong niya at tumango naman ako“Let’s explore” maligaya niyang dugtong at hinawakan yung kamay ko at bahagya akong hinili kaya nagpahila nalang din ako sakanya dahil wala naman akong alam sa lugar na ‘toUna naming pinuntahan ay ang ferris wheel “Hindi ba 'to nakakatakot?” tanong ko“Hindi” cool niyang sabi at nagsuot pa ng shades yung mokong“Seryoso nga kasi Ashton” iritado kong sabi kaya natawa siya

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 11

    Chapter 11Masaya ako sa birthday ko kahit na medyo namimiss ko yung pamilya ko atleast nandiyan sila para sakin. Hindi ko talaga inexpect yung nangyari“Hija, first time kong makita si Apollo na naghahanda para sa birthday” sabi ni Aling Ursey habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok“Po? Anong ibig niyong sabihin?” nagugulahan kong tanong“Wala hija, pero alam na alam ko na iyang mga galawan ni Apollo haha” natatawang sabi ni Aling Ursey“Ang ganda mo hija, san kaba nagmana?” tanong niya at napatawa naman ako“Hindi ko rin po alam eh hahaha” sabi ko at natawa naman siya“Bagay kayo ni Apollo” sabi niya at nanlaki naman yung mata ko“P-po?” gulat kong tanong“Joke lang hija. Siya nga pala, nag enjoy kaba sa birthday mo?” tanong niya at napangiti naman ako“Opo” sabi ko at

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 10

    Chapter 10Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para maglinis ng bahay at magdilig ng mga halaman. Bumangon na ako at naligo tsaka nagbihis“Hi Adi, good morning” bati ni Ashton kaya napalingon ako sakanya at nagpatuloy sa pagdidilig“H-hi Sir” sabi ko at umiwas ng tingin sakanya“Oh come on, don’t call me Sir” natatawa niyang sabi at diniinan pa ang 'sir' kaya napakunot yung noo ko“Bakit naman po?” tanong ko“Well, mas gusto ko yung Ashton nalang. Don’t be too formal towards me Adi and please cut the 'po' hindi naman siguro ako ganun katandang tignan diba?” sabi niya kaya tumango nalang ako at hindi na siya pinansin“Marunong ka palang magluto?” tanong niya“Ah oo, palagi kasi akong tinuturuan ng

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 9

    Chapter 9Tahimik lang kami buong biyahe at paminsan-minsan ay lumilingon siya sakin kaya kumukunot yung noo ko at tinataasan siya ng kilay“Don’t look at me like that” natatawa niyang sabi“Bakit?” naguguluhan kong tanongMay ibinulong siya pero di ko yun marinig “Anong sinabi mo?” tanong ko ulit sakanya“Wala” sabi niya kaya napasimangot ako at tumingin nalang ulit sa bintanaNang makarating na kami sa mall ay namangha naman akong tumingin sa paligid dahil nga first time ko palang ito“Ang ganda dito” mangha kong sabi at napatawa naman siya“Don’t tell me hindi ka pa nakapunta dito sa mall?” tanong niya at umiling naman ako“Let’s go to the supermarket” sabi niya at nagtaka naman ako“S-supermarket?” tanong ko“Yeah supermarket” sabi niya at nagsimula nang magl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status