LOGINCHAPTER 2
Hindi ako makatulog kakaisip kung paano ko mababayaran yung utang namin na kalahating milyon. Paano ba 'to? Anong gagawin ko? Ayokong mahirapan sila mama at papa
Kinabukasan ay pumunta ako sa palengke at nagtinda ulit "Hello po! Bibili po ba ulit kayo?" pilit kong pinapaligaya yung boses ko at ngumiti at tumango naman siya "Oo hija bibili ulit ako" sabi niya
"Ah ano pong pangalan niyo? Alam niyo na parang nagiging suki ko na po kayo eh" sabi ko at natawa naman siya
"Call me Kuya Archi, ang bata ng pangalan ko pero hija matanda na ako hahahaha" natatawang sabi ni kuya Archi kaya natawa nalang din ako
Pagkatapos niyang bumili ay nag thumbs up naman siya sakin at kinindatan ko naman siya "What's your name hija?" tanong niya
"Adriana po, Adriana Gonzales pero pwede niyo rin po akong tawaging Adi for short" sabi ko sakanya at napatango naman siya
"Sige hija, alis na ako ha baka pagalitan ako" sabi niya at kumaway naman ako sakanya
Maraming bumibili sa amin araw-araw kaya ang saya saya ko kasi may pandagdag na ako sa ipon ko at para madagdagan yung pambayad ng utang namin
Nang tapos na akong magtinda ay naghanap ako ng tricycle at nang may makita ako ay pinara ko iyon at sumakay na kaagad "Sa kabilang bayan lang po manong" sabi ko at tumango naman siya at nagsimula nang magmaneho
Nagbayad ako at pumasok na sa bahay namin at nadatnan ko si mama at papa na nag aaway
"Ibenta nalang kasi natin yung lupa natin Amadour, wala tayong ibang choice" sigaw ni mama sakanya at napailing naman si papa
"May iba pa namang paraan diyan Alice, wag na natin 'tong pag awayan" sabi ni papa sa mahinahon na boses at napailing rin si mama sabay pasok sa kwarto kaya napabuntong hininga si papa at lumapit naman ako sakanya at nagmano
"Tapos kana bang magtinda anak?" tanong niya at tumango naman ako
"Opo pa, malaki-laki rin po yung kinita ko ngayon" mahinahon kong sabi sakanya at ngumiti naman siya sabay gulo sa buhok ko
"Wag mo nang bayaran yung utang. Problema namin ito kaya kami na ang bahala okay?" sabi niya at ngumiti naman ako at pagkatapos ay nagpaalam na sakanya na pupunta na ako sa kwarto ko
Dahil sa pagod ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang ako ng tumunog yung alarm clock ko. Anong oras na? Ba't hindi ako ginising ni mama?
Pumunta ako sa labas ng kwarto ko at naabutan ko yung dalawa kong kapatid na nagsusulat kaya napangiti naman ako at lumapit sakanilang dalawa
"Nako napaka very good talaga ng mga kapatid ko, pakiss nga kay ate" malambing kong sabi at hinalikan silang dalawa kaya natawa naman sila at pumunta ako sa lamesa para kumain
"Nasaan sila mama at papa, Jave?" tanong ko sa pangalawa kong kapatid na 10 years old na
"Nasa palengke ate. Sabi nila ikaw daw magbantay sa amin" sabi niya habang nagsusulat at napatango naman ako
Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng mga pinggan at naglinis rin ako sa bahay and lastly pinaliguan ko yung mga kapatid ko na makukulit lalo na yung bunso namin na babae jusko!
"Kapag tapos na kayo sa pagsusulat, pwede na kayong manuod ng tv okay?" malambing kong sabi sakanila
"Yes ate" sabay nilang sabi kaya napangiti ako at nag thumbs naman sila sakin kaya napailing ako at tumawa ng konti
Nang gumabi na ay umuwi na sila mama at nagmano naman kami sakanila at sabay sabay kaming kumain. Kitang-kita ko na problemado sila mama at papa kaya pagkatapos naming kumain ay lumapit ako sakanilang dalawa
"May maitutulong po ba ako? May mga naipon po ako pwede niyo po yung gamitin" sabi ko at napatingin naman silang dalawa sakin na may bahid ng pag alala
"Okay lang anak, mababayaran din namin 'yon" sagot ni mama at pilit na ngumiti pero kitang kita ko na naiiyak na talaga siya
"Ma..pa..please kunin niyo nalang ang ipon ko" sabi ko at napailing naman silang dalawa
"Anak mahal na mahal namin kayo ng mama mo tandaan mo yan" sabi ni papa at hinalikan naman niya yung ulo ko at niyakap nila akong dalawa at napapikit naman ako
"Bantayan mo iyang mga kapatid mo na makukulit ha, nako lagot ka sakin" sabi ni mama at natawa naman kami ni papa
"Kaya ko gusto 'yang mama mo anak eh, joker kasi hahaha" natatawang sabi ni papa kaya napasimangot naman
"Matulog na tayo baka maaway ko pa ang papa mo anak" sabi ni mama at napatango naman ako at humalik sa cheeks nilang dalawa at pumasok na ako sa kwarto ko
Maaga akong nagising at naghanda na dahil ako ang magtitinda ngayon sa palengke. Pagkatapos ko sa lahat ng gagawin sa bahay ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko at pati na rin sa kapatid ko. Ihahatid na sana ako ni papa pero ayaw ko namang maabala pa siya sa trabaho niya kaya naghanap nalang ako ng tricyle at sumakay patungo sa kabilang bayan
Pagdating ko doon ay syempre dapat suotin ko yung ngiti ko at gamitin yung charms para madami ang bibili, good vibes lang palagi
"BILI NA KAYOOO" sigaw ko sabay ngiti
Ilang oras din akong nakatayo dito. Paminsan-minsan ay may bumibili rin kaya masaya ako. Napapikit ako saglit ng maramdaman ko ang pagdami ng hangin sa aking pisnge ngunit di rin kalauna'y nagpatuloy narin ako sa pagtitinda
Biglang kumidlat kaya napasigaw kami. Napatakip naman ako sa dalawa kong tenga at pumikit dahil takot talaga ako sa kidlat. Kaya napagpasyahan ko nalang na magligpit at umuwi na para di ako maabutan ng bagyo
Pagkatapos kong magsarado ay dali-dali akong lumabas ng palengke. Maghahanap na sana ako ng masasakyan ng bigla nalang bumuhos yung malakas na ulan kaya napabalik ako. Bawat minutong lumilipas ay mas lalong nadagdagan ang pag-aalala ko dahil baka napano na sila doon sa bahay
Pilit akong humanap ng tricyle pero kahit isa wala talaga akong makita at dahil sa lakas ng hangin bigla nalang may natumbang kahoy kaya mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko at hindi na mapakali. Kailangan ko talagang umuwi!
Nagsimula nang bumaha kaya hindi na talaga ako makakauwi sa pamilya ko. Ngunit sadyang mabait si Lord sakin. Inabot man iyon ng ilang oras bago tumila at may kaunting ambon pa rin pero hindi na masyadong malakas. Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ang tumakbo patungo sa bahay namin at kahit na hanggang tuhod yung baha, nilusong ko iyon mapuntahan ko lang yung pamilya ko. Basang-basa na ako pati pero hindi ko iyon pinansin at mas binilisan pa ang paglakad kahit na pagod na pagod na ako
Nagulat ako ng pagkarating ko doon ay wasak na yung mga bahay. Dali-dali akong pumunta sa bahay namin at doon ako mas lalong nagulat. Namalayan ko nalang na pumapatak na yung mga luha ko. No! hindi 'to maari! Pumasok ako sa loob at ang nakita ko nalang ay ang wasak na mga gamit, sinubukan kong pumunta sa kwarto pero wala na...wala na yung dalawa kong kapatid. Pumunta ako sa likod kung nasaan may natumbang kahoy at doon ko nakita ang dalawa kong magulang na wala na..patay na
Hindi ko napigilang mapahagulgol at pilit na ginising sila "MA! PA! GUMISING KAYO! WAG NIYO PO AKONG IWAN! MAMA NAMAN EH! PAPA! KAYO NALANG YUNG PAG ASA KO EH! KAYO YUNG LAKAS KO WAG NIYO NAMAN AKONG IWAN" sabi ko at mas lalong umiyak
"Ma! Pa! ang daya niyo! kung sana alam kong mangyayari 'to, sana sinulit ko nalang yung mga oras na kasama ko kayo! Ang hirap tanggapin may mga pangarap pa po ako, gusto ko makita niyo akong makapagtapos ng pag-aaral at makita ko kayong proud sakin...Mama! Papa!" iyak ng iyak ko paring sabi.
Mahal na mahal ko kayo sobra!" sabi ko. Sumasakit na yung mata ko kakaiyak
Tinignan ko yung mga ulap at nakikita ko na napaka itim nito.. I guess nakikisama ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. All I can see is dark..so dark I don't believe It would light up again
-----------------------------------
Chapter 14Umalis kanina si Ashton dahil may emergency daw. Edi mas mabuti nga yun para wala ng kumukulit sakin diba?“Adi can you help me?” tanong ni Atasha kaya napalingon ako sakanya“Ano yun?” sagot ko“Samahan mo naman akong bumili ng mga kakailanganin para sa birthday ni Apollo. Is it okay?” sabi niya habang nakangiti kaya wala naman akong magawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto niyaSumakay na kami sa sasakyan niya at siya naman ay panay yung daldal kaya wala akong magawa kundi ang ngumiti sakanya ng pilit at tumango kahit hindi naman ako interesado“17 ka pa right?” tanong niya“Oo”“Seriously? At first I thought you’re already 20 kasi base sa appearance mo you look like matured already pero sa mukha mo baby pa rin naman” natatawa niyang sabi“Thank you” sabi ko sakanya“A
Chapter 13Nakauwi na kami sa bahay at hindi ko pa rin siya pinapansin kasi ayaw niyang sabihin sakin kung bakit gusto niyang may bata sa tiyan ko“Baliw” sabi ko sa sarili“Are you okay Adi? Ba’t ka nagsasalita ng mag isa?” natatawang sabi ni Atasha kaya nagulat naman ako at napatingin sakanya“Ikaw pala yan Atasha, uhm wala naman” sabi ko at ngumiti sakanya kaya napakunot yung noo niya“Are you sure?”“Oo naman” sabi ko at nagpatuloy sa paglilinis“May I ask you a question?”“Sure” sagot ko“Alam mo ba kung bakit masyado ng busy si Apollo ngayon? Hindi kasi siya masyadong sumusulpot sa date namin, baka may alam ka?”“A-ah h-hindi ko rin alam eh” sagot ko sakanya“Sigurado ka?”“Oo naman” sabi ko sakanya“Okay, thank
CHAPTER 12Malalim ang titig sakin ni Apollo hanggang sa lumabas kami ni Ashton “Saan na naman tayo pupunta?” sabi ko habang nakapamewang“Napaka manang mo talaga” sabi niya kaya nanlaki yung mata ko at binatukan siya“Gago” I said and he laughed“Kidding”Sumakay na kami sa sasakyan niya at dinala niya naman ako sa isang amusement park “Ganda dito!” mangha kong sabi“First time?” tanong niya at tumango naman ako“Let’s explore” maligaya niyang dugtong at hinawakan yung kamay ko at bahagya akong hinili kaya nagpahila nalang din ako sakanya dahil wala naman akong alam sa lugar na ‘toUna naming pinuntahan ay ang ferris wheel “Hindi ba 'to nakakatakot?” tanong ko“Hindi” cool niyang sabi at nagsuot pa ng shades yung mokong“Seryoso nga kasi Ashton” iritado kong sabi kaya natawa siya
Chapter 11Masaya ako sa birthday ko kahit na medyo namimiss ko yung pamilya ko atleast nandiyan sila para sakin. Hindi ko talaga inexpect yung nangyari“Hija, first time kong makita si Apollo na naghahanda para sa birthday” sabi ni Aling Ursey habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok“Po? Anong ibig niyong sabihin?” nagugulahan kong tanong“Wala hija, pero alam na alam ko na iyang mga galawan ni Apollo haha” natatawang sabi ni Aling Ursey“Ang ganda mo hija, san kaba nagmana?” tanong niya at napatawa naman ako“Hindi ko rin po alam eh hahaha” sabi ko at natawa naman siya“Bagay kayo ni Apollo” sabi niya at nanlaki naman yung mata ko“P-po?” gulat kong tanong“Joke lang hija. Siya nga pala, nag enjoy kaba sa birthday mo?” tanong niya at napangiti naman ako“Opo” sabi ko at
Chapter 10Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para maglinis ng bahay at magdilig ng mga halaman. Bumangon na ako at naligo tsaka nagbihis“Hi Adi, good morning” bati ni Ashton kaya napalingon ako sakanya at nagpatuloy sa pagdidilig“H-hi Sir” sabi ko at umiwas ng tingin sakanya“Oh come on, don’t call me Sir” natatawa niyang sabi at diniinan pa ang 'sir' kaya napakunot yung noo ko“Bakit naman po?” tanong ko“Well, mas gusto ko yung Ashton nalang. Don’t be too formal towards me Adi and please cut the 'po' hindi naman siguro ako ganun katandang tignan diba?” sabi niya kaya tumango nalang ako at hindi na siya pinansin“Marunong ka palang magluto?” tanong niya“Ah oo, palagi kasi akong tinuturuan ng
Chapter 9Tahimik lang kami buong biyahe at paminsan-minsan ay lumilingon siya sakin kaya kumukunot yung noo ko at tinataasan siya ng kilay“Don’t look at me like that” natatawa niyang sabi“Bakit?” naguguluhan kong tanongMay ibinulong siya pero di ko yun marinig “Anong sinabi mo?” tanong ko ulit sakanya“Wala” sabi niya kaya napasimangot ako at tumingin nalang ulit sa bintanaNang makarating na kami sa mall ay namangha naman akong tumingin sa paligid dahil nga first time ko palang ito“Ang ganda dito” mangha kong sabi at napatawa naman siya“Don’t tell me hindi ka pa nakapunta dito sa mall?” tanong niya at umiling naman ako“Let’s go to the supermarket” sabi niya at nagtaka naman ako“S-supermarket?” tanong ko“Yeah supermarket” sabi niya at nagsimula nang magl