LOGINCHAPTER 1
Nandito ako ngayon sa Palenque De Arce dito kasi kami nagtitinda ng mga kakanin tsaka mga gulay. Ako yung panganay sa aming magkakapatid kaya imbes na nasa skwelahan ako ngayon ay nasa palengke nalang ako at nagtitinda
"MGA SUUUKI BILI NA KAYOOO!" sigaw ko at ngumiti ng matamis sakanila
"Ay ikaw pala yan Adi, nako makabili nga ng paninda mo for sure mga fresh yan tsaka blooming kagaya mo" sabi sakin ni Aling Marcela
"Nako naman Aling Marcela napaka bolera mo pero sige po dahil pinuri niyo po ako, bibigyan ko po kayo ng discount" sabi ko at natawa naman siya
"Oh sige sige, ayan huwag mo na akong bigyan ng discount alam ko naman na kailangan niyo talaga ng pera" sabi niya at napayakap naman ako sakanya
"Ay thank you so much Aling Marcela. You're the best!" sabi ko at kumindat sakanya at natawa nalang kaming dalawa
Pagkatapos niyang bumili ay patuloy pa rin ako sa pag sigaw at buti nalang maraming bumibili kaya malaki yung ngiti ko
"Hi po! Ano pong bibilhin niyo?" tanong ko sa isang lalaki na naka suit
"Ito nalang" sabi niya at itinuro yung kalabasa kaya kinuha ko naman iyon at nilagay sa plastic
"15 pesos po" sabi ko
"Eto hija oh" sabi niya at ngumiti sakin kaya nginitian ko rin siya
"Bakit po kayo dito bumili? Di po bagay sa suot niyo ay hehe sorry po" sabi ko at natawa naman siya
"Yung alaga ko kasing lalaki gusto na dito bumili baka magalit kapag di ko sinunod" sabi niya at napatango naman ako
"Sige po, thank you sa pagbili" sabi ko
"Ah oo nga pala hija, ilang taon kana?" tanong niya sakin
"16 po, bakit?" tanong ko habang nakakunot yung noo
"You don't look like 16" sabi niya at natawa naman ako sabay kaway sakanya
"Nako napaka bolero niyo naman po" natatawa kong sabi at tumawa rin si kuya
"By the way I have to go hija, baka mainip na yung alaga ko dun sa sasakyan" sabi niya at tumango naman ako sakanya
Pagkarating ko sa bahay ay grabe yung ngiti ko dahil malaki yung kinita ko ngayon "MAAA" sigaw ko kahit nasa may pintuan pa ako
"Adi wag kang sumigaw" sabi ni mama at napatawa naman ako sabay mano sakanya at halik sa pisngi
"Tignan mo ma oh, malaki yung kinita ko ngayon" maligaya kong sabi sakanya at ngumiti naman siya sakin
"Ginamitan mo na naman ng charms mo no?" sabi niya at proud naman akong tumango.
"Nagmana ka talaga sakin" dugtong ni mama at nagtawanan naman kaming dalawa
"Mukhang nagkakatuwaan na kayo diyan ah" singit ni papa at nagmano naman ako sakanya
"Ito kasing anak mo madaming nabibighani sa charms niya nako" sabi ni mama kaya napatawa nalang si papa at hinalikan ako sa noo
"Ang sipag sipag talaga ng anak ko" sabi ni mama at proud naman akong ngumiti
"Syempre naman ma ako pa ba?" tanong ko sakanya
"Kung mawawala man kami ng papa mo, inaasahan naming ikaw na yung bubuhay sa mga kapatid mo ha" sabi ni mama at napasimangot naman ako
"Mama naman eh, huwag ka ngang magsalita ng ganyan para ka namang namamaalam eh" sabi ko sakanya at nagkibit balikat lang siya
Pagkatapos naming mag usap ay pumunta na kami sa sala at kumain, hindi naman masyadong kalakihan yung bahay namin pero kasya naman kaming lahat dito. Ako na yung naghugas ng pinggan habang si mama at papa naman ay nanunuod ng tv at yung dalawa kong kapatid ay naglalaro
Pumunta ako sala pagkatapos kong maghugas at nagpaalam sa magulang ko na pupunta na ako sa kwarto ko at humiga naman ako sabay kuha sa pera na naipon ko noon pa
"Makakapag aral din ako at makaahon rin kaming lahat promise ko yan" sabi ko at nilagay iyon sa maliit na piggy bank hihi matagal ko na kasi itong inipon para kung kailangan namin ng pera may maibibigay agad ako
Maaga akong nagising at sinamahan ko naman si mama na maghanda ng mga pagkain at pumunta ako saglit sa Palenque De Arce para maglinis ng paglalagyan namin doon at kahit na 5:30 am pa lang ay marami-rami na rin yung mga tao dahil na rin siguro sikat itong palengke na 'to dito
Nang makita ko na sina mama at papa ay tinulungan ko silang dalhin yung mga kakailanganin at nilagay iyon sa lamesa. Habang naghahanda kami ay may dumating na babae na sa tingin ko ay napakayaman. Siya ata ang may ari ng palengke na ito
"Donya Francia" gulat na sabi ni mama at pati ako ay kinakabahan na rin
"Kailan kayo magbabayad sa utang niyo Alice? Kapag patay na kayo?" kalmadong sabi ni Donya at napataas naman yung kilay ko
"U-utang? Ma, mayroon tayong utang?" tanong ko sakanya at napayuko naman si mama
"Oh I guess hindi alam ng anak mo, it's been a year already and don't tell me hindi ka nakapag ipon?" sabi ni Donya at napayuko nalang si mama
"Magkano po ba yung utang?" seryoso kong tanong at napatingin naman si Donya sakin
"Ask your mother, hija" diretso niyang sabi sakin at tumingin naman ako kay mama na naiiyak na at si papa na hinawakan yung kamay ni mama upang kumalma ito. Napabuntong hininga na lang ako
"Ako na po ang magbabayad ng utang nila mama at papa" matapang kong sabi at napatawa naman si Donya
"Ikaw? HAHAHA you've got to be kidding me. Saan ka naman kukuha ng pera? Hindi ka nga nakapag aral tapos ikaw yung magbabayad ng utang?" sarkastiko niyang sabi kaya napakuyom ako at matapang siyang hinarap
"Oo nga po, wala akong pinag aralan pero kayang kaya kong buhayin yung pamilya ko at wag niyong isusumbat sakin na hindi kami mayaman dahil alam ko yun. Wag niyo kaming minamaliit" matigas kong sabi at nakita ko naman na nagulat siya at napalitan agad iyon ng seryoso na mukha
"Let's see" sabi niya at naglakad na paalis sa palengke at marami ding tao ang nanunuod kaya napataas yung kilay ko at umiling nalang
"Magkano yung utang?" seryoso kong tanong kay mama
"Anak..." mahinahon na sabi ni papa kaya napatingin ako sakanya
"Ma, pa may karapatan ako kasi anak niyo ako at tsaka mababayaran natin yan diba? Diba?" tanong ko sakanila at nakita ko namang napalunok si mama at nag alinlangang tumingin kay papa
"Ma...magkano ba yung utang niyo?" tanong ko ulit sakanya
"Kalahating milyon" diretso niyang sabi at nagulat naman ako sabay lunok
Chapter 14Umalis kanina si Ashton dahil may emergency daw. Edi mas mabuti nga yun para wala ng kumukulit sakin diba?“Adi can you help me?” tanong ni Atasha kaya napalingon ako sakanya“Ano yun?” sagot ko“Samahan mo naman akong bumili ng mga kakailanganin para sa birthday ni Apollo. Is it okay?” sabi niya habang nakangiti kaya wala naman akong magawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto niyaSumakay na kami sa sasakyan niya at siya naman ay panay yung daldal kaya wala akong magawa kundi ang ngumiti sakanya ng pilit at tumango kahit hindi naman ako interesado“17 ka pa right?” tanong niya“Oo”“Seriously? At first I thought you’re already 20 kasi base sa appearance mo you look like matured already pero sa mukha mo baby pa rin naman” natatawa niyang sabi“Thank you” sabi ko sakanya“A
Chapter 13Nakauwi na kami sa bahay at hindi ko pa rin siya pinapansin kasi ayaw niyang sabihin sakin kung bakit gusto niyang may bata sa tiyan ko“Baliw” sabi ko sa sarili“Are you okay Adi? Ba’t ka nagsasalita ng mag isa?” natatawang sabi ni Atasha kaya nagulat naman ako at napatingin sakanya“Ikaw pala yan Atasha, uhm wala naman” sabi ko at ngumiti sakanya kaya napakunot yung noo niya“Are you sure?”“Oo naman” sabi ko at nagpatuloy sa paglilinis“May I ask you a question?”“Sure” sagot ko“Alam mo ba kung bakit masyado ng busy si Apollo ngayon? Hindi kasi siya masyadong sumusulpot sa date namin, baka may alam ka?”“A-ah h-hindi ko rin alam eh” sagot ko sakanya“Sigurado ka?”“Oo naman” sabi ko sakanya“Okay, thank
CHAPTER 12Malalim ang titig sakin ni Apollo hanggang sa lumabas kami ni Ashton “Saan na naman tayo pupunta?” sabi ko habang nakapamewang“Napaka manang mo talaga” sabi niya kaya nanlaki yung mata ko at binatukan siya“Gago” I said and he laughed“Kidding”Sumakay na kami sa sasakyan niya at dinala niya naman ako sa isang amusement park “Ganda dito!” mangha kong sabi“First time?” tanong niya at tumango naman ako“Let’s explore” maligaya niyang dugtong at hinawakan yung kamay ko at bahagya akong hinili kaya nagpahila nalang din ako sakanya dahil wala naman akong alam sa lugar na ‘toUna naming pinuntahan ay ang ferris wheel “Hindi ba 'to nakakatakot?” tanong ko“Hindi” cool niyang sabi at nagsuot pa ng shades yung mokong“Seryoso nga kasi Ashton” iritado kong sabi kaya natawa siya
Chapter 11Masaya ako sa birthday ko kahit na medyo namimiss ko yung pamilya ko atleast nandiyan sila para sakin. Hindi ko talaga inexpect yung nangyari“Hija, first time kong makita si Apollo na naghahanda para sa birthday” sabi ni Aling Ursey habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok“Po? Anong ibig niyong sabihin?” nagugulahan kong tanong“Wala hija, pero alam na alam ko na iyang mga galawan ni Apollo haha” natatawang sabi ni Aling Ursey“Ang ganda mo hija, san kaba nagmana?” tanong niya at napatawa naman ako“Hindi ko rin po alam eh hahaha” sabi ko at natawa naman siya“Bagay kayo ni Apollo” sabi niya at nanlaki naman yung mata ko“P-po?” gulat kong tanong“Joke lang hija. Siya nga pala, nag enjoy kaba sa birthday mo?” tanong niya at napangiti naman ako“Opo” sabi ko at
Chapter 10Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para maglinis ng bahay at magdilig ng mga halaman. Bumangon na ako at naligo tsaka nagbihis“Hi Adi, good morning” bati ni Ashton kaya napalingon ako sakanya at nagpatuloy sa pagdidilig“H-hi Sir” sabi ko at umiwas ng tingin sakanya“Oh come on, don’t call me Sir” natatawa niyang sabi at diniinan pa ang 'sir' kaya napakunot yung noo ko“Bakit naman po?” tanong ko“Well, mas gusto ko yung Ashton nalang. Don’t be too formal towards me Adi and please cut the 'po' hindi naman siguro ako ganun katandang tignan diba?” sabi niya kaya tumango nalang ako at hindi na siya pinansin“Marunong ka palang magluto?” tanong niya“Ah oo, palagi kasi akong tinuturuan ng
Chapter 9Tahimik lang kami buong biyahe at paminsan-minsan ay lumilingon siya sakin kaya kumukunot yung noo ko at tinataasan siya ng kilay“Don’t look at me like that” natatawa niyang sabi“Bakit?” naguguluhan kong tanongMay ibinulong siya pero di ko yun marinig “Anong sinabi mo?” tanong ko ulit sakanya“Wala” sabi niya kaya napasimangot ako at tumingin nalang ulit sa bintanaNang makarating na kami sa mall ay namangha naman akong tumingin sa paligid dahil nga first time ko palang ito“Ang ganda dito” mangha kong sabi at napatawa naman siya“Don’t tell me hindi ka pa nakapunta dito sa mall?” tanong niya at umiling naman ako“Let’s go to the supermarket” sabi niya at nagtaka naman ako“S-supermarket?” tanong ko“Yeah supermarket” sabi niya at nagsimula nang magl