Share

CHAPTER 4

last update publish date: 2020-09-08 16:45:54

CHAPTER 4

Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan kaya napabangon ako at kinusot yung aking mga mata

 “Sino yan?” tanong ko at pumasok naman yung kasambahay nila kaya napakunot yung noo dahil may dala siyang damit 

“Para saan po yan?” magalang na tanong ko

“Pinapapabigay po ni Sir Zain. Suotin niyo daw po yan” sabi niya at tumango naman ako

“Ano pong pangalan niyo?” dugtong niya 

“Adriana pero pwede mo akong tawaging Adi para di masyadong mahaba haha” natatawa kong sabi at natawa naman siya

“Ako nga po pala si Ursey” she introduced herself at nakipag shake hands pa siya sakin. Kaagad ko namang tinanggap iyon

Pilit akong bumangon kahit wala pa akong gana baka mapagalitan nanaman ako ni Donya kaya no choice. Nagulat ako ng may kumatok nanaman ulit at napatingin ako doon

“Bakit po?” tanong ko

“Pinapabigay po ni Donya, suotin mo daw yan ngayon dahil magsisimula kanang magtrabaho” sabi niya at napakunot naman yung noo ko. Tumango ako at saka sya umalis 

Pumasok ako sa banyo at hindi ko maiwasang maalala yung pamilya ko. Kung nandoon ako ng panahon na iyon mawawala rin kaya ako? Mamatay? Ayoko! Gustong-gusto ko pa mabuhay pero bakit? Bakit namatay sila? Di naman nila deserve yon

At dahil traydor yung luha ko, hindi ko na napigilang mapahagulgol habang yung tubig ay dumadaloy sa buong katawan ko. Gusto kong umalis dito kaso saan ako pupunta? Tama nga si Donya, walang-wala talaga ako ngayon, kahit sandigan wala 

Namumugto yung mata ko nang lumabas ako sa banyo at nakita ko yung uniform na katulad ng mga katulong nila dito sa bahay. Wala akong magawa kundi ang suotin nalang iyon

Pagdating ko sa sala ay nakita ako ni Aling Ursey kaya lumapit siya sakin at nagtaka “Ba’t mo suot yan? Di naman iyan yung binigay ni sir sayo” sabi niya at ngumiti naman ako ng hilaw 

“Anong gusto mo Aling Ursey, magiging amo rin natin siya? Duh tsaka bagay din kaya sakanya maging katulong no” sabi nung babaeng nakaliptint ng sobra-sobra na pati yung cheeks niya parang sinampal ng sampung demonyo 

“Ikaw talagang bata ka! Iyang bunganga mo hindi ko talaga yan nagugustuhan” sabi ni Aling Ursey at napairap lang yung babae sabay alis

“Pagpasensiyahan mo na si Ceceil ha. Ganon talaga 'yon masanay ka na” sabi niya sakin at tumango naman ako

“Ano po ang unang gagawin ko?” mahinahon kong tanong 

“Maglinis ka nalang dun sa sala” sabi niya at napatango naman ako at kumuha ng walis tsaka dustpan. 

Nagsimula na akong maglinis. Ilang minuto lang ay natapos na rin ako sa wakas! Nag unat ako ng katawan at bumuntong-hininga 

Dahil wala akong magawa ay diniligan ko nalang yung mga halaman “Hi, kamusta na kayo diyan? Buti pa kayo kapag dinidiligan lalong gumaganda. Sana ganyan din ako no? maganda kagaya niyo” sabi ko habang nagdidilig at pagkatapos ay ninanamnam yung presko ng hangin, atleast nakaramdam ako ng kapayapaan kahit saglit lang

Pumasok na ako sa loob at ilang minuto lang ay may nag doorbell. Bubuksan ko sana kaso naunahan ako ni Ceceil kaya nanatili nalang akong nakatayo 

Nang makapasok na yung babae ay nagulat ako sa kagandahan at hubog ng katawan niya. Matangos yung ilong, hanggang balikat yung buhok, mapupula yong labi tsaka yung kurba ng katawan niya sobrang ganda! 

“Hala ikaw pala yan Atasha” maligayang sabi ni Ceceil at yumakap naman siya kaya natawa si Atasha at niyakap rin siya pabalik nito

“Ba’t ngayon ka lang? Namimiss kana kaya ni Sir yiee” tukso ni Ceceil kay Atasha at nakita kong namula naman ito

“Hoy Adriana ipagtimpla mo si Ma’am Atasha ng juice bilisan mo” utos sakin ni Ceceil at napaturo naman ako sa sarili ko 

“A-ako?” utal kong tanong 

“May iba pa bang Adriana dito?” pilosopo niyang sagot at napalunok naman ako sabay punta sa kusina at nagtimpla ng juice 

“Bilisan mo diyan Adi, bagal bagal mo namang kumilos” reklamo ni Ceceil at napairap naman ako. Ba’t siya pa yung nagmumukhang amo dito samin? Aish bahala nga siya sa buhay niya 

Pagkatapos kong magtimpla ay lilingon na sana ako dala ang tray ng hindi ko namalayan na may tao pala sa likod kaya natapon yung juice sa damit ni Atasha! Hala lagot! 

“Omg!” sigaw ni Atasha kaya lahat ng mga katulong ay napapunta sa kusina 

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Aling Ursey at napatingin naman siya sakin

“Hindi ko po sinasadya kasi hindi ko naman po alam na nandito pala sa likod ko si Ma’am Atasha” sabi ko habang nakayuko 

“Ang sabihin mo lampa ka talaga” sabi ni Ceceil at nanginginig naman yung mga labi ko. Alam kong bibigay din yung mga luha ko kaya nanatili akong nakayuko 

“Ceceil! Hindi iyon kasalanan ni Adi, aksidente lamang iyon” pagtatanggol sakin ni Aling Ursey 

“Pasensya na Ma’am Atasha” sabi ko at hinawakan niya naman ako sa balikat

“It’s fine, don’t worry about it” sabi niya at ngumiti kaya napatango nalang ako sabay yuko

“Anong nangyari dito?” tanong ni Donya Francia at mas lalo akong kinabahan

“Nothing tita, aksidente lang” sabi ni Atasha at naramdaman ko na tumitig sakin si Donya kaya mas lalo akong yumuko 

“Kahit kailan aksidente talaga ang dala mo” seryosong sabi ni Donya at hinead to foot ako 

“Hindi ko naman po sinasadya” sabi ko at napasinghal naman siya 

Bigla nalang may pumasok sa pinto kaya agad na napalingon ang mga katulong 

“Magandang hapon po sir” bati ng mga katulong kaya napapikit nalang ako 

“Oh Má, what’s with that face?” tanong ni Apollo at lumingon sakin 

“She’s getting into my nerves, Zain. Kung wala lang talaga siyang utang sa atin baka napalayas ko na 'yan” reklamo ng mama niya at napabuntong hininga naman si Apollo 

“Are you okay?” tanong niya 

“Yeah I’m fine” sagot ni Atasha

“Answer me Adi, are you okay?” tanong ulit niya kaya nagulat ako at itinaas yung ulo ko at nakita ko naman na parang nahiya si Atasha 

“O-oo” sabi ko at umiwas ng tingin 

“Ihahatid na muna kita sa kwarto mo” sabi niya 

“Ako na, I can handle myself” sabi ko 

“Adi just let me, please” pagmamakaawa niya kaya wala akong magawa kundi ang tumango

Pagdating namin sa kwarto ay seryoso yung mukha niya “Ba’t ka nakasuot ng ganyan? Nasaan yung pinamili ko para sayo?” tanong niya at napayuko naman ako 

“Uhh..” kinakabahan kong sabi at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko 

“Inaway kaba nila kanina?” tanong ulit niya 

“H-hindi…aksidente lang na natapunan ko si Ma'am A-atasha” sabi ko na hindi pa rin tumitingin sakanya

“Don’t worry about it, okay?” he said full of sinserity and I nodded my head as a response

“Good, magpahinga ka muna diyan” sabi niya at isinarado yung pintuan at doon na bumuhos yung mga luha ko 

Do I really deserve this? Sana pala namatay nalang ako kesa sa buhay ako pero parang pinaparasuhan naman ako. May nagawa ba akong mali?

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa diko namalayan na nakaidlip na pala ako. 

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan “Hoy! Gumising ka diyan Adi! Katulong ka at hindi amo. Kung makaasta ka diyan na tulog ng tulog parang pagmamay-ari mo itong bahay na 'to ah!” sigaw sakin ni Ceceil sa labas ng pintuan

“Ito na, lalabas na” mahinahon kong sabi at bumuntong hininga sabay tayo para pumunta na sa labas 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 14

    Chapter 14Umalis kanina si Ashton dahil may emergency daw. Edi mas mabuti nga yun para wala ng kumukulit sakin diba?“Adi can you help me?” tanong ni Atasha kaya napalingon ako sakanya“Ano yun?” sagot ko“Samahan mo naman akong bumili ng mga kakailanganin para sa birthday ni Apollo. Is it okay?” sabi niya habang nakangiti kaya wala naman akong magawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto niyaSumakay na kami sa sasakyan niya at siya naman ay panay yung daldal kaya wala akong magawa kundi ang ngumiti sakanya ng pilit at tumango kahit hindi naman ako interesado“17 ka pa right?” tanong niya“Oo”“Seriously? At first I thought you’re already 20 kasi base sa appearance mo you look like matured already pero sa mukha mo baby pa rin naman” natatawa niyang sabi“Thank you” sabi ko sakanya“A

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 13

    Chapter 13Nakauwi na kami sa bahay at hindi ko pa rin siya pinapansin kasi ayaw niyang sabihin sakin kung bakit gusto niyang may bata sa tiyan ko“Baliw” sabi ko sa sarili“Are you okay Adi? Ba’t ka nagsasalita ng mag isa?” natatawang sabi ni Atasha kaya nagulat naman ako at napatingin sakanya“Ikaw pala yan Atasha, uhm wala naman” sabi ko at ngumiti sakanya kaya napakunot yung noo niya“Are you sure?”“Oo naman” sabi ko at nagpatuloy sa paglilinis“May I ask you a question?”“Sure” sagot ko“Alam mo ba kung bakit masyado ng busy si Apollo ngayon? Hindi kasi siya masyadong sumusulpot sa date namin, baka may alam ka?”“A-ah h-hindi ko rin alam eh” sagot ko sakanya“Sigurado ka?”“Oo naman” sabi ko sakanya“Okay, thank

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 12

    CHAPTER 12Malalim ang titig sakin ni Apollo hanggang sa lumabas kami ni Ashton “Saan na naman tayo pupunta?” sabi ko habang nakapamewang“Napaka manang mo talaga” sabi niya kaya nanlaki yung mata ko at binatukan siya“Gago” I said and he laughed“Kidding”Sumakay na kami sa sasakyan niya at dinala niya naman ako sa isang amusement park “Ganda dito!” mangha kong sabi“First time?” tanong niya at tumango naman ako“Let’s explore” maligaya niyang dugtong at hinawakan yung kamay ko at bahagya akong hinili kaya nagpahila nalang din ako sakanya dahil wala naman akong alam sa lugar na ‘toUna naming pinuntahan ay ang ferris wheel “Hindi ba 'to nakakatakot?” tanong ko“Hindi” cool niyang sabi at nagsuot pa ng shades yung mokong“Seryoso nga kasi Ashton” iritado kong sabi kaya natawa siya

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 11

    Chapter 11Masaya ako sa birthday ko kahit na medyo namimiss ko yung pamilya ko atleast nandiyan sila para sakin. Hindi ko talaga inexpect yung nangyari“Hija, first time kong makita si Apollo na naghahanda para sa birthday” sabi ni Aling Ursey habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok“Po? Anong ibig niyong sabihin?” nagugulahan kong tanong“Wala hija, pero alam na alam ko na iyang mga galawan ni Apollo haha” natatawang sabi ni Aling Ursey“Ang ganda mo hija, san kaba nagmana?” tanong niya at napatawa naman ako“Hindi ko rin po alam eh hahaha” sabi ko at natawa naman siya“Bagay kayo ni Apollo” sabi niya at nanlaki naman yung mata ko“P-po?” gulat kong tanong“Joke lang hija. Siya nga pala, nag enjoy kaba sa birthday mo?” tanong niya at napangiti naman ako“Opo” sabi ko at

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 10

    Chapter 10Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para maglinis ng bahay at magdilig ng mga halaman. Bumangon na ako at naligo tsaka nagbihis“Hi Adi, good morning” bati ni Ashton kaya napalingon ako sakanya at nagpatuloy sa pagdidilig“H-hi Sir” sabi ko at umiwas ng tingin sakanya“Oh come on, don’t call me Sir” natatawa niyang sabi at diniinan pa ang 'sir' kaya napakunot yung noo ko“Bakit naman po?” tanong ko“Well, mas gusto ko yung Ashton nalang. Don’t be too formal towards me Adi and please cut the 'po' hindi naman siguro ako ganun katandang tignan diba?” sabi niya kaya tumango nalang ako at hindi na siya pinansin“Marunong ka palang magluto?” tanong niya“Ah oo, palagi kasi akong tinuturuan ng

  • Kaleidoscope Colors   CHAPTER 9

    Chapter 9Tahimik lang kami buong biyahe at paminsan-minsan ay lumilingon siya sakin kaya kumukunot yung noo ko at tinataasan siya ng kilay“Don’t look at me like that” natatawa niyang sabi“Bakit?” naguguluhan kong tanongMay ibinulong siya pero di ko yun marinig “Anong sinabi mo?” tanong ko ulit sakanya“Wala” sabi niya kaya napasimangot ako at tumingin nalang ulit sa bintanaNang makarating na kami sa mall ay namangha naman akong tumingin sa paligid dahil nga first time ko palang ito“Ang ganda dito” mangha kong sabi at napatawa naman siya“Don’t tell me hindi ka pa nakapunta dito sa mall?” tanong niya at umiling naman ako“Let’s go to the supermarket” sabi niya at nagtaka naman ako“S-supermarket?” tanong ko“Yeah supermarket” sabi niya at nagsimula nang magl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status