MasukSh*t. Anong gagawin namin?
"Singat. Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Azrael.
Mukhang seryoso ngayon si Azrael.
Nagkatingnan lang kami ni Ange. Nag apologetic look ako kay Allianne.
"Makinig ka bugnot sa sasabihin ko"
Tumango naman si Azrael. Umupo ito sa tabi ni Allianne.
"Buntis ako"
Walang emosyon na nakatingin si Azrael kay Allianne. Huwag mong sabihin na galit siya o hindi siya masaya? Tatadyakan ko talaga siya.
Walang naglakas loob na magsalita sa amin. Hinihintay lang namin na magsalita si Allianne at si Azrael. Problema nila yan.
"Kailan pa?" Tanong ni Azrael.
Halata sa mukha niya frustrated.
Sa wakas may nagsalita na sa kanila akala ko tatahimik lang kami.
"Three weeks"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Alam mo naman na buntis ka kaya dapat malaman ng asawa mo na buntis ka. Diba?! Pero bakit hindi mo ginawa?!" Galit na sigaw ni Azrael.
Mukhang galit na si Azrael. Pinagtitingnan kami ng mga tao.
"Sasabihin ko sana sayo! Kaso noong araw na 'yun may nakita akong babae na kayakap mo ha! Ano?! Nambabae ka!. Akala ko nagbago ka na AZRAEL!"
Napatayo sa galit si Allianne. Walang ni isa ang nagsalita. Away mag-asawa 'yan saka kailangan nila ayusin ang kanilang hidwaan.
"Ikaw pa ang galit Allianne! Bakit mo ako sinisigawan?!"
Hindi na nila tinatawag ang kanilang tawagan, means galit na galit sila.
"Ikaw ang sumisigaw sa akin Azrael!"Hinawakan ni Ange at Trisha si Allianne sa balikat. Ganun din ang ginawa ni Porsche at Marco.
"Pre. Buntis si Allianne. Moody ang mga buntis at bawal sa kanila ang stress" Sabi ni Gabriel.
Natauhan naman si Azrael. May narinig akong humihikbi, napalingon ako kay Allianne na umiiyak.
"Lagi mo na lang ako pinapaiyak. Kahit simpleng bagay nagagalit ka at sinisigawan ako. Mahal mo ba talaga ako?"
Umiiyak si Allianne habang mukhang guilty naman si Azrael.
"Mahal kita singat. Nagulat lang ako kasi mas nalaman nila Ange kaysa sa sarili mong asawa"Lumapit si Azrael kay Allianne at niyakap. Mas mabuti pang magkaayos sila.
Kailangan buo ang pamilya ng mag-asawa.
"Yiee. Bati na sila" Tumatalon na sabi ni Ange.
Isip bata talaga sila.
'Yung sa amin kaya ni Gabriel.
Kailan?
***
Bumalik na kami sa klase. Nakaupo lang ako sa upuan at tahimik na nagmamasid.Hindi pa bumabalik si Gabriel. Saan kaya pumunta ang isang 'yun.
"Elise. May problema ba?" Tanong ni Trisha.
Umiling lang ako bilang sagot. Ewan ko kung bakit hindi ko siya pinapansin. Siguro siya ang gusto ng taong mahal mo. Pero dapat hindi ko sa kanya sinisisi.
Acceptance na lang ang magagawa ko. Saka ayaw kong masira ang friendship namin ni Gabriel. Ang labo ko talagang tao. Pumasok si Gabriel at sinalubong siya ni Trisha.
Hindi man lang magseselos si Marco. Umasta kasi si Trisha parang sila talaga. Siguro ako lang ang nagbibigay malisya sa kanilang dalawa.
"Aling Shane. Pwede ba tayo mag-usap?"
Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko.
Nilinga ko si Gabriel na nakatingin sa akin. Mukhang hinihintay niya ang sagot ko. Dahil sa gulat napatango lang ako.
"Sige. Mamaya pag-uwian"
Bumaling siya sa harapan habang gulat na gulat ako.
"Kwento mo sa akin bukas ang pag-uusapan niyo" Bulong ni Ange.
Chismosa talaga ang isang 'to.
"Oo na"
Hindi ko namalayan na dismissal na namin. Wala yata akong naintindihan sa tinuturo sa amin. Tulala lang ako habang iniisip ang pag-uusapan namin ni Gabriel.
Niligpit ko ang aking gamit. Ganun din si Gabriel.
"Paalam na guys" Sabi ni Ange habang kumakaway.
Kumaway nalang ako.
"Let's go"
Sumunod ako kay paring Gabriel. Nauuna siyang lumalakad ako naman ay nakasunod lang.
Kinakabahan ako sa pag-uusapan namin lalo na kaming dalawa lang.
"Aling Shane. Ano ba talagang problema? Feeling ko iniiwasan mo ako" Panimula niya.
Nag-angat ako ng tingin kay Gabriel na nakatingin sa malayo.
"Feeling mo lang na iniiwasan kita"
Ang harsh ko ba? Nasabi ko lang 'yun dahil galit ako sa kanya. Pero mas galit ako sa aking sarili.
"Ano ba talaga ang problema Aling Shane?! Hindi naman tayo ganito dati?"Wala siyang karapatan na tanungin ako ng ganyan.
"Ano ba tayo dati?!"Kung galit siya mas galit ako. Nakita ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. Mukhang pinipigilan niya ang kanyang sarili na magalit sa akin ng sobra.
"Tama ka naman. Ano ba tayo dati? Saka bakit ba ako nagkakaganito?!"
Ewan ko sayo. Hindi ko naman alam ang nararamdaman mo. Basta ang alam ko. Ako lang ang nagmamahal.
"Problema mo na 'yan tss"
Nakita ko ang pagsabunot sa buhok niya na halata nang frustrated siya.
"Makinig ka sa sasabihin ko. Mahal kita"
Hindi ko alam kung bakit ang una kong nagawa ay tumakbo ako ng mabilis habang umiiyak.
Nagsisinungaling ba siya?
Baka mahal kita bilang kaibigan.
Nalilito na ako.
Masaya ako na nakilala ko siya. Sa tingin ko 'yun na ang pinakamasayang araw para sa akin.Naalala ko pa dati na naglalakad lamang siya kaya sinadya ko siyang banggain para pansinin niya ako kaso nasungitan ko siya.Ginaw ako rin ang lahat para mapalipat ako sa section nila para mapansin niya ako. Hindi ko rin akalain na magiging katabi ko siya.Nagulat ako noong isang araw na nakita ko siyang pumunta sa bar kaya naman tinulungan ko siya. Ang tapang pala niya kaya naman nasabi ko sa kanya ang ganung salita.Hindi ko rin akalain na close sila ni mama at pupunta siya sa bahay namin. Tapos pinakita niya sa akin ang picture ko noong bata ako kaya naman nahiya ako.Masaya ako dahil ginawa niya akong kaibigan kaso nga lang hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya kundi mahal na.Nasaktan ako noong hindi niya ako pinansin at pinagtabuyan pero nabawa rin noo
(Elise Shane Point of View)Hinatid ako pauwi ni Gabriel. Hindi ko alam kung ipapaalam ko sa mga magulang ko. Hindi naman sila concern sa akin kaya why would i bother? "Elise anak, may sasabihin kami ng mahalaga ng papa mo" Nilingon ko sila. Nagulat ako dahil tinawag nila akong anak. "Mahalaga ba 'yan? Tinawag niyo pala akong anak? Akala ko wala na kayong anak?" Lumapit ako sa kanila para pakinggan ang sasabihin nila. "Elise alam mo ba kung bakit kami laging busy sa company?"Hindi ako sumagot. Malay ko ba kung bakit sila busy sa company nila. "Dahil ginagawa naming lahat para lang sa iyo. Hindi namin hahayaan na mawawala ka sa amin" Umiiyak na saad ni mama. Teka? Anong sinasabi nila? Ako? Mawawala? "Anong sinasabi niyo? Ipaliwanag niyo
(Elise Shane Point of View)Lunch time na namin at hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kanina ni Gabriel. Akalain mo nga naman na may tinatago siyang sweet bones sa katawan. "Naks! Soon to be couple na nga kayo" Katyaw sa amin ni Marco. Napangiti na lang ako habang kumakain kami. Nilibre kami ni Gabriel dahil masaya daw siya ngayon. Iba talaga ang takbo ng mga utak nila. "Bakit? Selos ka?" Balik ko ng sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtawa ni Trisha habang ang katabi ko ay sinamaan ako ng tingin. "Hindi, baka 'yang katabi mo ang nagseselos"Nilingon ko si Gabriel na ang sama makatingin at nakahawak pa ng mahigpit sa milk tea niya. Taena, ang cute niya magselos. Namumula kasi ang mukha niya at tenga. Nagmumukha tuloy siyang kamatis. Sarap picturan kaso huwag na b
(Elise Shane Point of View)Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatugtog sila. "Ano ang iyong pangalanNais kong malamanAt kung may nobyo ka na baSana nama'y walaDi mo ko masisisiSumusulyap palagiSa'yong mga matangO kay ganda o binibini"Taena, nagblush yata ako? Bakit nila ito ginagawa? Nakangiti naman ang mga classmate ko. "O ang isang katulad moAy dina dapat pang pakawalanAlam mo bang pag naging tayoHinding-hindi na kita bibitawan"Sanaol na lang masasabi ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi ak
(Elise Shane Point of View)Paano niya na sabi na mahal niya ako kung mahal niya si Trisha? Ano 'yun dalawa ang puso niya? Nagmamahal siya ng dalawang babae. Mukha na akong tanga habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na isipin ang sinabi kanina ni Gabriel. Saka wala bang balak ang mga katulong na pakainin ako? Gutom na kaya ako. Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko naman ito. Matingnan na nga kung sino ang nagtext. Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. From: Paring GabrielAling Shane, totoo ang sinabi ko. Hayaan mo ako na ipakita sa iyo. Manliligaw ako bukas kaya wala kang magagawa kundi pumayag. You have no right to say no. Napakademanding, siya na nga ang manliligaw tapos siya pa 'tong ganito magsalita. Wait? Manliligaw s
(Elise Shane Point of View)Sh*t. Anong gagawin namin?"Singat. Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Azrael.Mukhang seryoso ngayon si Azrael.Nagkatingnan lang kami ni Ange. Nag apologetic look ako kay Allianne. "Makinig ka bugnot sa sasabihin ko"Tumango naman si Azrael. Umupo ito sa tabi ni Allianne. "Buntis ako" Walang emosyon na nakatingin si Azrael kay Allianne. Huwag mong sabihin na galit siya o hindi siya masaya? Tatadyakan ko talaga siya.Walang naglakas loob na magsalita sa amin. Hinihintay lang namin na magsalita si Allianne at si Azrael. Problema nila yan."Kailan pa?" Tanong ni Azrael. Halata sa mukha niya frustrated.Sa wakas may nagsalita na sa kanila akala ko tatahimik lang kami.