LOGINAng busy naman ng mga tao sa school. Nakasout lang ako ng jersey na kulay asul saka nakapants at robber shoes. Naka cap rin ako kasi it's so mainit.
"Aling Shane!"
Isa tao lang ang tumatawag sa akin ng ganyan.
Hinihingal na lumapit sa akin si Gabriel. Tumakbo yata ang isang 'to.
"Musta?" Tanong ko at inabutan siya ng towel.
Tinanggap naman niya.
"Maayos naman. Salamat pala"
Oo nga pala. Mahirap ang baseball kaya nahihirapan siya. Pitcher at catcher ang role niya sa baseball.
"Walang anuman. Nakita mo ba sila Allianne?"
"Wala. Bakit?"
Umiling lang ako. Tinawag siya ng teamates niya kaya nagsignal na ako sa kanya na magiging okay rin ako.
Pumunta na lang ako sa cafeteria. Nagugutom ako dahil hindi ako kumain ng breakfast. Ayaw ko kasing makasabay ang mga pekeng tao. Umorder lang ako ng french fries saka coke.
Naupo naman ako sa mesa. Makafacebook na nga. Ang tagal ng hindi ako nakagamit ng ganito.
Nagulat ako ng may umupo sa harapan ng upuan ko. Binaba ko ang cellphone saka tumingin sa walang hiyang panira.
Ano naman ang ginagawa dito ni Raikko?
"Bakit ka nandito?" Nakataas na kilay tanong ko sakanya.
Ngumiti lang siya saka nag peace sign.
"Cafeteria 'to. Kaya anong ginagawa sa cafeteria?"Ang lame ng question niya.
"Kakain ng pagkain"
Masasapak ko talaga 'to.
"Yan ang dahilan kaya nandito ako"Whatever. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa sa facebook. Bahala siya dyan.
"Hindi mo lang ba susuportahan ang asawa mong si Gabriel?" Nag-angat ako ng tingin.
Kailan ko pa naging asawa si Gabriel.
"Hindi ko asawa si Gabriel"Wait.
Laro na ngayon nila Gabriel? Pero bakit hindi niya sinabi kanina.
Agad kong inayos ang gamit ko saka tumakbo ng mabilis.
"Hoy! wait lang!"
Nakarating ako sa field. Langya second quarter na. Hindi ko man lang napanood ang first quarter. Lamang sila Gabriel ng limang puntos.
Nagtama ang paningin namin ni Gabriel biglang kumunot ang noo niya saka nag-iwas ng tingin. Anong nangyayari sa lalaking 'yun?
"Tsk. 'Yan ang sinabi ko kanina pa" Psh nakahabol pala si Raikko.
Tumingin ako sakanya saka binatukan
"Sana kanina mo pa sinabi"Napahawak naman siya sa batok niya na binatukan ko.
"Tapos kasalanan ko?""Malamang, hindi ko naman kasalanan"
Bahala nga siya dyan. Lumapit ako kina Allianne. Nakaupo sila sa may mga bleachers.
"Guys!" Tawag ko sa kanila saka umupo sa tabi ni Ange
"Anyare sayo? Ba't ang tagal mo?" Tanong ni Porsche.
Nakakahiya sabihin sa kanila na nalate ako ng gising.
"Pare busy 'yan sa cellphone kanina"Langya nakasunod pa pala si Raikko.
Stalker yata ang isang 'to. Ang creepy naman.
Nagsimula na ang laro kaso may napansin ako kay Gabriel bakit parang badtrip siya? Sinisita na siya ng mga kateamates niya.
Anong nangyari sakanya?
"Go Raffy!" Sigaw ni Trisha kay Gabriel.
Napairap ako sa kawalan ng makitang nakangiti na si Gabriel.
Nakakawalang gana.
Sila Gabriel ang nanalo. Lumapit siya sa amin.
"Congratulations Raffy. We are so proud of you" Nakangiting sabi ni Trisha.
Ngumiti naman si Gabriel.
"Sayo rin Trisha"Binalingan ako ni Gabriel ng tingin.
"Congrats" Simpleng kong sabi.Alam kong nagdududa kung bakit ako nagkakaganito.
"Salamat aling Shane"Binati siya ng mga classmates namin. Sabay-sabay kaming kumain kasi malapit na ang pageant.
Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana? Hindi naman ako ganito dati.
Binigyan ako ni ma'am Albaro ng damit pamalit at damit na isosout ko sa pageant. Sabi ko sakanila na light make-up lang ang ilagay nila sa mukha ko.
Ngayon na magsisimula ang pageant.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at pumila kasama ang mga babaeng representative at nasa kabila ang mga lalaking partner namin.
Tinawag na ang no. 1. Pang sampo kami ni Gabriel kaya kami ang nasa hulihan. Naghiyawan naman ang mga tao sa stage.
Hindi ko man lang namalayan na si no. 9 na ang rumampa.
I need to focus.
"Let's welcome the candidate no. 10!"
Naghiyawan ang mga tao. Rumampa na kami ni Gabriel."Hi Everyone My name is Raffy Gabriel Cortez and"
"My name is Elise Shane Smith and"
"We are the candidate no. 10 and representative of HUMSS department"
Nagpalakpakan naman ang mga tao. Nag-exit na kami kasi pipilian na. Nasa hulihan kami ni Gabriel sa stage kasi lima ang pipiliin.
"Candidate no. 1,4,5,7,10 kayo ang napili"
YEHEY! Napili pa kami.
Ang susunod nito ay talent portion sabi ni Gabriel kakanta lang kami.
Ewan ko nga kung ano ang kakantahin namin.
Tinawag na si candidate no. 1 para magpakita ng talent.
Nakatulala lang ako sa kawalan.
Anong kakantahin namin? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Gabriel na kakanta kami?
Kaloka at saka hindi maganda ang boses ko.
"Candidate no. 10"
Langya. Kami na pala. Bahala na si batman.
Ngumiti si Gabriel bago nagsimula ang tono ng kanta.
Teka pamilyar sa akin ang kanta.
Sh*t
Bakit ang gwapo ni Gabriel pagnakangiti?
Gabriel:
"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilanPipilitin ba ang puso kong hindi na
masaktan?"
Para sa akin ikaw ang dahilan ng aking pag-ngiti. Pero ikaw rin ang dahilan ang aking kasakitan.
Ako:
"Kung hindi ikaw ay hindi na langPipilitin pang umasa para sating
dalawa"
Tama naman. Kung hindi ikaw para sa akin. Hindi ko na pipilitin ang sarili ko na umasa pa sayo.
Gabriel:
"Giniginaw at hindi makagalawNahihirapan ang pusong pinipilit ay
ikaw"
Hindi ka naman makagalaw kapag ang puso mo'y nahihirapan at pinipilit mo na ikaw ang mahalin niya.
Gabriel:
"Kung di rin tayo sa huliAawatin ang sarili na umibig pang
muli"
Kapag hindi naging tayo sa huli na may mahal ka namang iba. Hindi na ako iibig muli.
Ako:
"Kung di rin tayo sa huliAawatin ba ang puso kong ibigin ka?"
Kapag hindi tayo sa huli. Bakit ko naman aawatin ang puso ko sayo hindi ko ba pwedeng hayaan.
Ako:
"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilanPipiliin bang umiwas nang hindi na
masaktan?"
Kapag hindi ikaw ang dahilan bakit ko pa pinipilit ang sarili na umiwas para masaktan. Hindi lang naman ikaw ang dahilan para masaktan ako.
Gabriel:
"Kung hindi ikaw ay sino pa ba?Ang luluha sa umaga para sating
dalawa"
Walang luluha sa umaga para sa atin kasi tayong dalawa lamang ang nagkakasakitan.
Ako:
"Bumibitaw dahil di makagalawPinipigilan ba ang puso mong iba ang
sinisigaw?"
Bakit ko pipigilan ang puso kung hindi ikaw ang sinisigaw.
Gabriel:
"Kung di rin tayo sa huliAawatin ang sarili na umibig pang
muli"
Ako:
"Kung di rin tayo sa huliAawatin ba ang puso kong ibigin ka?"
Masakit para sa akin ang kanta.
Duet:"Naliligaw at malayo ang tanawPinipigilan na ang pusong pinipilit ay
ikaw
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang
muli"
Duet:
"Kung di rin tayo sa huliAawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung di rin tayo sa huli
(Kaya bang umibig ng iba?)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung di rin tayo sa huli
(Papayagan ba ng puso kong...)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti siya sa akin.
Hindi ko aawatin ang puso ko na ibigan ka bagkus hahayaan ko na mahalin kita.
Mamahalin kita.
Gabriel
Masaya ako na nakilala ko siya. Sa tingin ko 'yun na ang pinakamasayang araw para sa akin.Naalala ko pa dati na naglalakad lamang siya kaya sinadya ko siyang banggain para pansinin niya ako kaso nasungitan ko siya.Ginaw ako rin ang lahat para mapalipat ako sa section nila para mapansin niya ako. Hindi ko rin akalain na magiging katabi ko siya.Nagulat ako noong isang araw na nakita ko siyang pumunta sa bar kaya naman tinulungan ko siya. Ang tapang pala niya kaya naman nasabi ko sa kanya ang ganung salita.Hindi ko rin akalain na close sila ni mama at pupunta siya sa bahay namin. Tapos pinakita niya sa akin ang picture ko noong bata ako kaya naman nahiya ako.Masaya ako dahil ginawa niya akong kaibigan kaso nga lang hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya kundi mahal na.Nasaktan ako noong hindi niya ako pinansin at pinagtabuyan pero nabawa rin noo
(Elise Shane Point of View)Hinatid ako pauwi ni Gabriel. Hindi ko alam kung ipapaalam ko sa mga magulang ko. Hindi naman sila concern sa akin kaya why would i bother? "Elise anak, may sasabihin kami ng mahalaga ng papa mo" Nilingon ko sila. Nagulat ako dahil tinawag nila akong anak. "Mahalaga ba 'yan? Tinawag niyo pala akong anak? Akala ko wala na kayong anak?" Lumapit ako sa kanila para pakinggan ang sasabihin nila. "Elise alam mo ba kung bakit kami laging busy sa company?"Hindi ako sumagot. Malay ko ba kung bakit sila busy sa company nila. "Dahil ginagawa naming lahat para lang sa iyo. Hindi namin hahayaan na mawawala ka sa amin" Umiiyak na saad ni mama. Teka? Anong sinasabi nila? Ako? Mawawala? "Anong sinasabi niyo? Ipaliwanag niyo
(Elise Shane Point of View)Lunch time na namin at hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kanina ni Gabriel. Akalain mo nga naman na may tinatago siyang sweet bones sa katawan. "Naks! Soon to be couple na nga kayo" Katyaw sa amin ni Marco. Napangiti na lang ako habang kumakain kami. Nilibre kami ni Gabriel dahil masaya daw siya ngayon. Iba talaga ang takbo ng mga utak nila. "Bakit? Selos ka?" Balik ko ng sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtawa ni Trisha habang ang katabi ko ay sinamaan ako ng tingin. "Hindi, baka 'yang katabi mo ang nagseselos"Nilingon ko si Gabriel na ang sama makatingin at nakahawak pa ng mahigpit sa milk tea niya. Taena, ang cute niya magselos. Namumula kasi ang mukha niya at tenga. Nagmumukha tuloy siyang kamatis. Sarap picturan kaso huwag na b
(Elise Shane Point of View)Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatugtog sila. "Ano ang iyong pangalanNais kong malamanAt kung may nobyo ka na baSana nama'y walaDi mo ko masisisiSumusulyap palagiSa'yong mga matangO kay ganda o binibini"Taena, nagblush yata ako? Bakit nila ito ginagawa? Nakangiti naman ang mga classmate ko. "O ang isang katulad moAy dina dapat pang pakawalanAlam mo bang pag naging tayoHinding-hindi na kita bibitawan"Sanaol na lang masasabi ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi ak
(Elise Shane Point of View)Paano niya na sabi na mahal niya ako kung mahal niya si Trisha? Ano 'yun dalawa ang puso niya? Nagmamahal siya ng dalawang babae. Mukha na akong tanga habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na isipin ang sinabi kanina ni Gabriel. Saka wala bang balak ang mga katulong na pakainin ako? Gutom na kaya ako. Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko naman ito. Matingnan na nga kung sino ang nagtext. Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. From: Paring GabrielAling Shane, totoo ang sinabi ko. Hayaan mo ako na ipakita sa iyo. Manliligaw ako bukas kaya wala kang magagawa kundi pumayag. You have no right to say no. Napakademanding, siya na nga ang manliligaw tapos siya pa 'tong ganito magsalita. Wait? Manliligaw s
(Elise Shane Point of View)Sh*t. Anong gagawin namin?"Singat. Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Azrael.Mukhang seryoso ngayon si Azrael.Nagkatingnan lang kami ni Ange. Nag apologetic look ako kay Allianne. "Makinig ka bugnot sa sasabihin ko"Tumango naman si Azrael. Umupo ito sa tabi ni Allianne. "Buntis ako" Walang emosyon na nakatingin si Azrael kay Allianne. Huwag mong sabihin na galit siya o hindi siya masaya? Tatadyakan ko talaga siya.Walang naglakas loob na magsalita sa amin. Hinihintay lang namin na magsalita si Allianne at si Azrael. Problema nila yan."Kailan pa?" Tanong ni Azrael. Halata sa mukha niya frustrated.Sa wakas may nagsalita na sa kanila akala ko tatahimik lang kami.