Share

6

Author: Muffians Wp
last update publish date: 2020-08-20 19:52:17

Heto ako ngayon, nasa office ni Sir Archie nag-lilinis. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nalate. Ok lang sana kung marami kaming late para may katulong akong maglinis sa boring na office na ito.

Kinuha ko ang cellphone ko para magpatugtog. Baka sakaling ganahan pa akong maglinis dito. Naghanap lang ako ng magandang sounds at sinabayan ang pagkanta.

♪Fly me to the moon,♬

♪And let me play among those stars♬

"Napakaganda pala ng iyong tinig!"

Napatigil naman ako sa aking ginagawa at hinarap kung sino man ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ito ang unang araw na nakita kong ngumiti sa akin si Sir Archie.

"Kasali ka ba sa contest?" nakangiting tanong sa akin ni Sir Archie.

"Opo," masiglang sagot ko.

"Mabuti, wag ka ng magpalate sa susunod para hindi ka na makapaglinis sa susunod," natatawang sabi nito.

Tinanguan ko na lang si Sir Archie at umalis na sa boring niyang office. Naboboring rin kaya si Sir doon? Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti. Napakagwapo pala ni Sir Archie pag nakangiti ang kaso nga lang, lalaki rin ang hanap.

"Talaga? Nakita mong ngumiti si Sir Archie?" hindi makapaniwala si Raven sa kwinento ko sa kanya.

"Legit sis, ang gwapo niyang ngumiti!" sabi ko. "Ang kaso nga lang..."

"Ang kaso lang ano?"

"Bading," pabulong na sabi ko para walang ibang makarinig.

"Pero, balita ko may jowa daw yun!"

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Hindi ako sure, narinig ko lang somewhere!"

Nagusap lang kami saglit tungkol kay Sir Archie at pumasok na sa sunod naming klase. Hindi kami magkaklase ni Raven kaya minsan na lang kami magusap.

Pagdating ko sa classroom ay isang paperplane ang tumama sa akin. Tumigil yun mismo sa harapan ko. Tumingin ako sa kanila para hanapin kung sino ang bumato nun sa akin.

"Sinong bumato?" tanong ko sa kanilang lahat.

Ilang minuto ang lumipas pero wala pa rin akong nakuha kahit isang sagot. Nakakatakot ba ang itsura ko para hindi nila ako sagutin?

"Sino sa–"

"Ako bakit?" It's Paulo. "Ano naman kung binato kita?"

"Ano namang dahilan at binato mo ako?" matapang na tanong ko rito.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumait sa 'kin. Pag lumalapit siya sa akin ay siya ring pagatras ko. Wala na akong ibang madaanan kaya nacorner niya ako sa railings na nakaharang rito.

"One answer, one kiss!"

Nagising naman ako dahik sa panaginip kong iyon. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Wala kaming pasok ng isang linggo dahil sa bagyo. Kaya pala ulan ng ulan nung mga nakaraang araw kasi may bago pala na parating.

Alas singko na pala ng umaga. Balak ko sanang mag grocery ngayonkaso mukhang malakas ang hangin. Lumipas ang maghapon at wala akong ginawa kundi kumain at matulog lang.

Magmomovie marathon kasi ako kaya dinamihan ko na ang tulog ko. Kagaya nung nakaraan, fries at chicken lang ang niluto ko pero mas dinamihan ko na ito. Habang nagluluto ay nagiisip na rin ako ng pwede kong panoorin.

Backstreet rookie o Love in Trouble? Parehas namang nandun si Ji Chang Wook kaya iisa-isahin ko na lang. Backstreet Rookie muna. Bukas na ang Love in Trouble. May schedule HAHAHAHA.

Gaya ng nakasanayan, in-off ko ang cellphone ko para walang makaabala sa panonood ko. Lumipas ang ilang oras ay natapos ko na rin ang pinapanood ko.

Tanghali na ng magising ako dahil sa panonood ng korean drama. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung malakas pa ba ang hangin. Hindi naman masyadong malakas ang hangin kaya pwede akong maggrocery.

Naligo ako saglit at nagpunta sa pinakamalapit na supermarket. Nahihirapan pa nga akong lumusot dahil traffic. Lumipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa supermarket.

Pang isang buwan na ang binili ko para hindi ako labas ng labas. Nasa section ako ng mga prutas ng maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Humarap ako patalikod pero wala namang tao sa likod ko.

Siguro ay sa panonood ko ito ng mga law drama. Hindi naman ako mag-aabogado pero yun ang lagi kung pinapanood. Pag zombie apocalyspe naman ay hindi agad ako makatulog. Pakiramdam ko ay may kakagat sa akin na zombie kahit anong oras.

Pagkatapos kong mamili ay umalis na rin ako kaagad. Baka maipit na naman ako sa traffic. Habang nasa byahe ay biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko kaagad yun ag agad sinagot ang tawag.

"Hello?"

[S-Si M-Mommy!]

Agad akong nagpunta sa emergency room kung saan naroroon ngayon si Mommy. Naka-upo sa labas si Daddy at ang dalawa kong kapatid. Nilapitan ko silang lahat at agad niyakap.

"A-Anong nangyare?" hindi ko na mapigilang umiyak.

"H-Hindi na kaya ng puso ng Mommy mo, Anak!" tuluyan ng bumigay ang mata ko dahil sa sinabi ni Daddy.

Naupo na lang ako sa sahig dahil sa pagiyak. Hindi ko alam na may sakit pala si Mommy sa puso. Paano nangyare yun? Kaeylan nangyare yun? Lumipas ang ilang oras ay lumabas na ang doctor na nag-opera kay Mommy.

Lahat kami ay tumayo at lumapit sa doctor. Tinanggal nito ang surgical mask na humaharang sa labi nito.

"The patient..." bigla na lang ngumiti ang doctor sa amin. "...survived!"

Ako na ang nagbantay kay Mommy ng ilipat siya sa kwartong ito. Bumibisita lang dito sina daddy at kuya para tingnan ang kalagayan ni mommy. May mga duty kasi sila kaya ako na ang nag-alaga kay Mommy.

Dalawang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin minumulat ni Mommy ang kanyang mga mata. Kinuha ko ang gitara na kinuha ko pa kanina sa condo. Pinatong ko yun sa aking hita ang pinatugtog ang paboritong musika ni Mommy.

♪The other night, dear,♬

♪As I lay sleeping♬

♪I dreamt I held you♬

♪In my arms♬

♪When I awoke, dear,♬

♪I was mistaken♬

♪So I hung my head,♬

♪And I cried♬

♪You are my sunshine,♬

♪My only sunshine♬

♪You make me happy♬

♪When skies are grey♬

♪You never know, dear,♬

♪How much I love you♬

♪Please don't take♬

♪My sunshine away♬

"Hope that you will accept my singing career, Mom!" sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.

"Tanggap ko na, Anak!" pinunasan ko ang pisnge ko ng marinig kong magsalita si Mommy.

Hinaplos niya ang pisnge ko at sumilay ang kaniyang napakagandang ngiti.

"Napakaganda pala ng boses mo!" Mom greeted me. "Dapat pala ay una palang ay sinuportahan na kita!"

"Mom, magdodoctor pa rin ako gaya ng gusto niyo!" I smiled at her.

"Pwede bang kantahin mo ulit ang paborito kong kanta?" She asked.

"Sure, Mom!"

I sing again the favorite song of my mom. The doors open then my Family came. Lumapit sila sa amin ni Mommy at sumabay sa pag-kanta ko.

Ngayon ay sa bahay na ako umuuwi para bantayan si Mommy. Nag-resign na rin siya sa trabaho dahil hindi niya na talaga kaya. Mabilis na rin siyang mapagod kaya lagi siyang naka-higa o kaya'y naka-upo.

Sinusuportahan na rin nila ako sa pagkanta ko. Sa tuwing inaantok si Mommy ay pinapakanta niya sa akin ang paborito niyang kanta.

Ang kantang yun ang laging kinakanta sa akin ni Mommy nung bata pa ako. Yan din ang theme song nila ni Daddy. Namalayan ko na lang na nakatulog na rin ako sa tabi ni Mommy. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng gitara.

Si Mommy kumakanta! Minulat ko ang mata ko para kumpirmahin kung siya nga ba iyun o nagmamalikmata lamang ang tenga ko, charing! 

Mom is have a good voice. Bumangon ako at sinabayan siyang kumanta. Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko kung hindi ba nag-sasawa si Mommy sa kantang yan. Mom givr me a sweet smile!

"Mangarap ka lang, anak!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Me And The Boys   8

    "Ang ganda pala talaga rito sa U.S.A, saan kaya maganda unang mamasyal?" nasa airport palang kami ay todo tanong na si Raven kung saan ba daw kami unang mamamasyal."Hindi tayo pumunta rito para mamasyal Raven, mag-aaral tayo!" maawtoridad na sabi ko rito."Wow, hindi ba pwedemg mag-enjoy?" Raven raised an eyebrow."Mama mo enjoy!" pang-aasar ko rito."I hate you!""I hate you, too!""Argh...""Ano ba yan Raven? Ang ingay mo," suway sa kanya ni Tita Lorraine.Tinawanan ko lang siya dahil sa naging reaksyon niya. Parang

  • Me And The Boys   7

    ♪I'm only good at being bad, bad, huh♬"Anak ko yan, wohoo!"Nasa stage ako pero rinig na rinig ko pa rin ang pagchecheer sa akin ng buong pamilya ko. Oo, nagleave silang lahat sa trabaho para lang mapanood ang performance ko. Hindi ko nga akalaing ganito sila kasupportive sa akin. Ang sarap sa feeling!"Akala ko ba ayaw nila sa pagkanta mo?"Nginitian ko si Daniel dahil sa tanong niya."Mahabang kwento," sabi ko rito.Nag-hintay lang kami ng ilang minuto bago ulit tawagin ng emcee. Limang grupo ang sumali sa singing contest at limang grupo rin ang sumali sa dance contest. Nang tawagin na kaming lahat ng emcee ay isa isa kaming lumabas

  • Me And The Boys   6

    Heto ako ngayon, nasa office ni Sir Archie nag-lilinis. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nalate. Ok lang sana kung marami kaming late para may katulong akong maglinis sa boring na office na ito.Kinuha ko ang cellphone ko para magpatugtog. Baka sakaling ganahan pa akong maglinis dito. Naghanap lang ako ng magandang sounds at sinabayan ang pagkanta.♪Fly me to the moon,♬♪And let me play among those stars♬"Napakaganda pala ng iyong tinig!"Napatigil naman ako sa aking ginagawa at hinarap kung sino man ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ito ang unang araw na nakita kong ngumiti sa akin si Sir Archie."Kasali ka ba sa contest?" nakangiting tanong sa akin ni Sir Archie.

  • Me And The Boys   5

    Ilang linggo na lang ay nalalapit na ang paligsahan. Nandito na naman kami sa condo ni Sean. Napagusapan na rin namin na ito na ang huli naming pageensayo. Saulo na naman namin ang mga dapat naming gawin.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mensahe sa akin ng kahina-hinalang numeri. Sino naman kaya ang tao sa likod ng numero na iyon? Ay, sumasakit na ang ulo ko kakaisip."Bakit tulala ka?" Napatingin naman ako sa nagsalita. "Mukhang malalin ata ang iniisip mo.""Wala, pagod lang siguro!" pag-sisinungaling ko."Galit ka ba kase lilipat na kami ng school?""Hindi, natutuwa nga ako kase wala ng mangugulo sa akin.""Eh, bakit ang ilap mo sa

  • Me And The Boys   4

    It's been a week na rin ng huli kong makita at maka-usap si Chester. Siguro ay dahil malapit nang mag-simula ang First periodical test? I don't know! Heto ako ngayon nasa library nag-aaral sa papalapit na exam."Raven?""Monique, nakapag-aral ka na?""Kakatapos lang, ikaw ba?""Ako pa ba?"Nagkwentuhan lang kami saglit at nagpunta na sa sunod naming klase. Wala naman masyadong lesson ngayon kundi puro review lang. Malapit na rin ang intrams kaya todo practice na rin ang mga kalahok na sasali.Nasa kalagitnaan ako ng pagre-review ng biglang mag-ring ang cellphone ko."Hell

  • Me And The Boys   3

    'Chester'Sinubukan ko siyang hindi lingunin kahit ramdam kong nakatingin siya sa akin. Hindi niya siguro ine-expect na dito na rin ako tumitira. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.Inayos ko ang mga pinamili ko bago nilinis ang buong condo. Pinaltan ko ang mga bed sheet at curtain sa kwarto ko pati na rin sa sala. Naglagay na rin ako ng isang maliit na table para maging study table ko pansamantala.Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis sa sala ng biglang may kumatok. Itinabi ko muna ang walis at dustpan na hawak ko at pinag-buksan ng pinto kung sino man ang gumagambala sa pag-lilinis ko."C-Chester?""Pwedeng pumasok?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status