LOGIN"Sigurado ka bang kaya mo? Iba ito sa mga madalas mong gawin."
"I can handle"
Tinignan niya ito ng matagal. Alam na niya na sa simula pa lang ay may iba na sa bagong misyon na ibinigay at sa totoo lang ayaw niyang ipagawa ito sa kanya dahil alam nyang hindi maganda ang magiging resulta pero wala siyang magagawa dahil utos ito ng nakatataas.
Bumuntong hininga lamang ang matanda. Ang tanging kaya nyang gawin ay ipagdasal na hindi mangyari ang kanyang mga kinakatakutan. Tinignan muli ng matanda ang binatilyo.
"Bibigyan kita ng sampung linggo. At sa oras na hindi mo pa natapos ang iyong misyon sa takdang araw ay magpapadala na ako ng ibang tatapos ng misyon. Ako ba'y naiintindihan mo?"
Natawa ang binata sa sinabi ng matanda dahil sa kayang kaya niyang tapusin ang misyon na ito na wala pang sampung linggo. Hindi na niya pinatulan ang mga sinabi ng matanda dahil alam ng binata na sa larangang kanyang tinatahak.. siya ang pinaka kinakatakutan.
***
Hindi ako halos nakikinig sa klase dahil sa mas naririnig ko pa ang protesta ng aking tiyan kesa sa sinasabi ng aking Professor. At pabalik balik rin ang tingin ko sa aking relo dahil sa mga oras na ito ay gusto ko ng takbuhin ang school cafeteria dahil sa gutom.
Pero laking tuwa ko naman ng maaga kaming i-dismissed ni Professor Castillo. Halos hindi ko na pinapansin ang mga nakakasalubong ko dahil sa mas gusto kong may laman ang tiyan ko bago ako kumausap ng tao, mahirap na baka makain ko lang sila.
"Hi Skyla!"
"Shhh!" I motioned to Alexavia to keep quiet as I stepped into the lunch line. She rolled her eyes at me.
"Nawala ka lang ng isang linggo gumaganyan ka na ha! Sige ganyan tayo eh"
"Wag kang maingay gutom ako"
"Pero Sky, please tell me kung anong nangyari doon sa conference na dinaluhan mo."
Last week, dumalo ako sa International Youth Conference on Energy. Nandoon ako para idokumento lahat ng mga nangyari para sa school publications, isa rin ako sa mga official photographer ng school at napili rin ako maging representative ng University namin.
"Wala naman masyado. Ayun mga Nuclear fission & fusion, Thermodynamics & thermohydraulis, mga ene--- "
"Hindi ako interesado sa fission fusion at kung ano pa yan. Alam mo kung saan ako interesado?"
Umakbay si Alexavia sa akin saka bumulong "Interesado akong malaman kung may mga gwapo ba? May nakilala ka ba? Hiningi mo ba number?"Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni Alexavia sa akin at mas piniling tinignan ang mga pagkain na naka-display sa araw na ito. Oo, aaminin ko marami ngang gwapo noong conference pero hindi naman yun ang pinunta ko, nandoon ako para matuto hindi para lumandi.
Mas pinili kong hindi pansinin si Alexavia dahil naguguluhan ako kung anong masarap na ulam at kung ano ang magandang panghimagas.
"Hoy Skyla! Pansinin mo naman ako.. ito naman ang damot ayaw mag share."
Nang makapili na ako ng kakainin ko para sa tanghalian ay dumiretso ako isang vacant table at agad namang sumunod si Alexavia. Kahit kailan talaga sakit siya sa ulo at paniguradong hindi ako titigilan nito hangga't hindi ako nagku-kuwento sa kanya.
I sighed and she smiled at nagmukhang excited na akala mo nanalo ng lotto.
"Maraming gwapo. Okay na?" sumimangot siya sa naging sagot ko at akala ko tutusukin niya ang mga mata ko ng tinidor na hawak niya.
"Napaka walang kwenta naman ng sagot mo, Skyla. Ayusin mo naman juice colored! Given na maraming gwapo, no? Ang akin may nagpatibok ba dyan sa mga mata mo?"
At kailan pa tumibok ang mata? Alexavia and her wild imagination. Napaisip ako sa tanong niya pero mas gusto kong matapos na ang usapang ito.
"Actually may isa. Hindi ko alam kung anong University siya at hindi ko rin alam ang pangalan nya.. every year ang Youth Conference halos magkakakilala na ang lahat doon, hindi ko siya nakitang may kausap na iba kaya sa tingin ko bago siya"
Sumimangot muli si Alexavia sa mga sinabi ko. "Ganoon? Ano ba yan napaka walang amor mo naman magkwento. Eh yung itsura nya?"
Napaisip uli ako hindi ko na masyadong matandaan ang itsura nya pero hindi ko makakalimutan na may malalalim siyang dimples at may magagandang mata pero hindi ko na sasabihin kay Alexavia iyon dahil sa asar lang ang abot ko.
"Basta gwapo. Papasa sa standards mo"
Sa buong paguusap na 'to doon lang siya natawa sa lahat ng mga sinabi ko. Minsan hindi ko lubos maisip kung paano kami naging matalik na magkaibigan ni Alexavia dahil sa totoo lang ay magkaiba kami ng personalidad. Habang siya ay outgoing, ako naman ay may pagka-introvert. Opposite attracts ika nga.
Habang naglalakad kami ni Alexavia papunta sa susunod namin na klase ay may nakasalubong kaming mga naghahagik-ikang high school students. Anong ginagawa ng mga 'to sa College of Law?
Malaki ang Welston University at nasa kabilang building pa ang high school department at alam kong hindi basta basta nakakapsok ang high school students sa college buildings. Kaya paano nakapasok ang mga ito?
"Hoy bumalik nga kayo sa building nyo kababata nyo pa kalalandi! Hala balik balik!"
halos magtakbuhan naman ang mga estudyante sa sinabi ni Alexavia.At ng wala na ang mga high school student ay may ngiting tagumpay siya. "Wala silang karapatang lumandi. Ako lang"
dugtong niya pa. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya naging kaibigan."Anong ginagawa ng mga iyon dito?" tanong ko.
"Ay oo nga pala! May bago kasing student at alam mo na mga tao dito sa Welston pero anyways, sikat yung bagong student kasi nga ang gwapo niya sobra. Sa listahan ko ng mga gwapo siya ang number 2. Kalevel niya si Sean O'Pry sa kagwapuhan. "
"Sino naman si Sean O'Pry?"
"Ay naku Skyla!" Kinuha ni Alexavia ang kanyang cellphone at saglit na may kinalikot dito, saka niya pinakita ang picture ng isang gwapong lalake. "Yan si Sean O'Pry. At yung bagong student ganyan din kagwapo. Ano? Gets na?"
Only Alexavia has the power to make me feel stupid.
"So, those students are here for the new student? Ganun?"
I arched my eyebrow at her."Why do you have to state the obvious, Skyla?"
at may mga pagkakataon din na gusto ko siyang saktan. Yung pisikalan.Dumiretso ako sa susunod kong klase pero ewan ko ba kung wala ba ako sa sarili ko ngayong araw na ito o kulang pa yung kinain ko kanina. Sa pagiging wala ko sa sarili nakakabangga na pala ako ng tao.
In that instant, I realized that this guy wears a cologne. Hindi yung amoy mamahalin at hindi rin naman amoy cheap.
The smell was faint, yung tipong naglagay siya kahapon and only a little remained but still, he smells nice. Without conscious thought, I inhaled his scent. Very masculine.
Nahahawa na ba ako sa pagiging manyak ni Alexavia?
"Sorry"
I say. Hindi ko na tinignan kung sino ang nabangga ko baka abangan pa ako nyan sa labas ng Uni. Naku. Kaya nanatili akong nakayuko at naglakad agad paalis.By 5 pm, all my classes have ended. Sabay sana kaming uuwi ni Alexavia pero she texted me earlier that she still needs to finish something at the library kaya mas nauna akong umuwi.
By the time I arrived at my apartment I noticed that there are boxes outside the room next to mine.
"Kuya Jap, may bagong lipat?" tanong ko sa janitor na naglilinis ng hallway.
"Opo Ma'am. Kahapon lang po dumating"
"Ahh talaga? Sige po salamat" Kahapon lang? Andito naman ako kahapon ng buong araw hindi ko man lang napansin na may bagong lipat.
Oh well, saka ko nalang siya babatiin ng Welcome to the Neighborhood pag nagkakilala na kami.
Sa ngayon, iisipin ko kung anong dapat kong kainin ngayong hapunan at kung anong magandang topic para sa Thesis ko.
=================
C O N T A C T
hanaemiwp
facebook ∘ twitter ∘ instagram
@liefdesverdriet
wattpad
I can feel Ivo's eyes on me while I am at the counter. Hindi ko maiwasan mailang sa mga titig niya sa akin ngayon.Hindi kami nakapag-usap kanina dahil nasa shift ako ngayon. I told him that I'd talk to him after my shift, and he insisted on waiting.
.44Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Noah ngayon, well, he did say na kukunin niya ako pagkatapos ng klase ko pero akala ko rin ay nagbibiro lamang siya.
"Here," Noah hands me a small container without looking at me. It smells amazing. I arched my eyebrow at him, questioning, kahit alam ko na kung anong laman nito. "What? You asked me to pack it for lunch."I grinned, "Yeah, thank you. Wala naman siguro itong lason o kaya gayuma?" Pagbibiro ko sa kanya. Nilagay ko sa bag ang lunch box na binigay niya.
There's an uncomfortable silence inside the car. Kanina ko pa napapansin ang mga nakaw na tingin sa akin ni Rylee. I know she wanted to ask me if I'm okay, but I honestly do not know what to tell her.What the hell is my Uncle thinking?I have almost forgotten about the whole engag
Sa sobrang busog ko ay mas gusto ko nalang matulog buong hapon to skip my self-defense lessons with Noah, but I doubt it will happen.Eli and Rylee's cooking is superb. Halos hindi na ako umalis sa lamesa kanina."Ano pang hinihig-higa mo dyan?" Napatingin ako kay Noah na nakatayo sa dulo.
"What the hell, Noah?!" I exclaimed at him. He continued to grin at me, "You could have hit me?!" dagdag ko pa. Plano ata ako patayin ng lalakeng 'to eh."But I didn't, did I? You managed to avoid it," he says, Noah walks towards me.