Share

My Wife Is A Former Prostitute
My Wife Is A Former Prostitute
Author: WhiteMurderer

Prologue

Author: WhiteMurderer
last update publish date: 2020-11-12 09:37:40

"Mom, please don't leave me here."

"Baby, babalik ako. Babalikan ka ni mommy."

"But when? Should I wait for another year again?"

Nasaktan ako sa narinig ko sa kanya. Hindi ko akalain na dinadamdam na ng anak ko ang hinanakit niya sa hindi ko palaging pagdalaw sa kanya.

"I'll be back baby. I promise."

"Mom please stay."

Nagmakaawa na ito at lumuhod sa harapan ko pero hindi ako dapat magpadala dito. Kailangan kong humakbang palabas at ipagpatuloy ang dapat kong gawin. Unti-unti akong humakbang palabas ng silid, hawak ko na ang doorknob ng pinto ng muling magsalita ang aking anak.

"Mom, I'll wait for you. Even if it takes years for you to come back, I’ll wait and I will fight. Hopefully, you'll come back with dad."

Bumangon ako sa aking higaan dahil sa panaginip na paulit-ulit ng bumabalik sa akin. Isang linggo na akong nakakulong sa kwarto at umiiyak. Hindi ko siya kayang iwan pero palaging bumabalik sa akin ang nakaraan. Ang mga bangungot ng kahapon na siyang naging dahil ng mga paghihirap ko ngayon. Paano ako makakapagsimula ulit kung alam ko sa sarili ko na mahal ko pa siya? Susuong ba ako kahit masakit? Kahit na alam kong sinaktan na niya ako at maaaring saktan niya ako ulit?

"Hopefully, you'll come back with dad."

Huling mga salita niya na nagwasak at nagpalamig sa buong sistema ko.

I don't know where to start and how? Paano ko siya hindi bibiguin kung sa simula pa lang alam kong talo na ako? Wala na kami ng ama niya at hindi ko alam kung paano gawing tama ang pagkakamali ko noon.

Dapat na talaga akong bumalik sa Pilipinas. Iiwan ko man siya rito, alam kong ligtas siya dahil nandito ang grandma at grandpa niya. Lahat ng kailangan niya, mabibigay nila kaya hindi ako mahihirapang hanapin ang kahilingan niya, ang daddy niya.

Dinukot ko ang telepono ko at nag-dial, agad naman niyang sinagot ito.

"Yes Ms. Esmeralda?"

"I'm going to the Philippines right away. Find me a ticket. I'm heading to the airport now."

"But Ms. Esmeralda, you will be having your big deal today."

"Dad can handle my transactions and meetings for a week. Understand?"

"Yes Ms. Esmeralda. Right away."

Ibinaba ko na ang telepono ko at nagtungo na sa banyo upang makapaghanda. 

Kami ang nagsimula nito kaya kami rin ang tatapos.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 7

    Hindi pa rin nila tinitigilan si Yang hanggang sa sabihin niya kung ano ang binitawan niyang salita sa akin."Sabihin mo na Yang kung mahal mo pa ang buhay mo! Sige ka! Ipapakuha kita kay dad at

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 6

    Tahimik kong sinusubo ang pagkain na inilagay ni Ethan sa aking plato. Nahuli ako ng dating dahil nakatulog ako sa pagod dulot ng paglalaro namin ni Eliana kanina sa World of Fun.Ni hindi ako nagising kanina sa pagyugyog ni Sheryl dala ng malalim kong tulog Akala naman nila'y hindi ako pupunta kaya umalis nalang sila at hinayaan akong makapagpahinga.

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 5

    Nang matapos kaming magsukat ni Eliana, napagpasyahan niyang bilhin pa rin lahat ng mga pinili niya. Tumutol ako sa simula pero sa huli ay talo ako sa kanya. Hindi naman siya nag-alala dahil nakuha niya daw ang card ni Ethan at yun ang ginamit niyang pambayad kanina. Magkapatid nga sila.Lumabas na kami ni Eliana sa boutique dala-dala ang napakaraming paper bags na naglalaman ng aming mga kasuotan.

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 4

    Matapos ang insidente sa meeting ay dumeretso ako pabalik sa hotel. Hindi na ako nag-abala pang tanungin si Sheryl tungkol sa naging takbo ng meeting niya sa isang investor. At hindi na rin ako nakakain pag-uwi kagabi. Pagod, sakit, pagkadismaya at halo-halong emosyon ang aking naramdaman ngayon.Kahapon pa nangyari ang lahat pero sariwa pa rin sa akin ang natamo kong sugat dahil sa pangyayari. Sugat na akala ko'y naghilom na sa mahabang panahong pagpapahinga ngunit nang makita ko siya kahapon, naramdaman ko ang pagbukas ng tahi s

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 3

    Ilang beses na akong napabuntong-hininga habang nag da-drive sa sasakyan patungo sa cafe. Hindi ko alam kung bakit ako na space-out ngayon. Kung dahil ba ito sa pagkikita namin ni Ethan or dahil lang sa stress.Hindi ko namalayan na narating ko na pala ang cafe na sinasabi ni Gab. Cosca la pa Cita Cafe.

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 2

    Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat na nanggagaling sa bintana. Tumingin naman ako sa bedside table at alas diyes na pala ng umaga.Maybe I should have my brunch na sa oras na ito. Tumayo ako at isinara na ang kurtinang malayang sumasayaw dahil sa musika ng hangin. Lumapit naman ako sa communication system at agad na pinindot ang kwarto ni Sheryl.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status