Share

KABANATA 1

Author: Miss Vainj
last update publish date: 2020-08-21 01:04:12

Kabanata 1 -

Ten years ago...

"Enna, maglalaro kami ng habulan nina Isaiah at Ringo...sasali ka ba?" nawaglit saglit ang pagkatulala ko, nang nilapitan ako ni Aurora at inaaya ngayong maglaro kasama ang iba pa naming kasamahan dito sa bahay-ampunan.

Hindi ako palakibo o palasalita kaya tanging iling lamang ang naitugon ko sa kaibigan. "Okay ka lang ba rito? Baka mainip ka rito dahil mag-isa ka lang." may bakas ng pag-aalala ang boses ni Aurora.

Nginitian ko lang ang kaibigan para ipakitang ayos lang ako rito na mag-isa. "O sige, laro lang kami ha?" umalis na ang kaibigan at saka naiwan na ako rito sa malawak na bakuran na sakop nitong lupa ng bahay-ampunan.

Nang wala na ang mga bata malapit sa inuupoan ko, ngayon nama'y ibinalik ko ang aking mga mata sa itaas at sabik na sabik na inaabangan ang paglubog ng haring-araw.

Ito ang nakagawian kong gawin sa tuwing sasapit ang hapon. Sa loob ng sampung taon na naninirahan dito sa ampunan, dito na ako naglalagi tuwing alas tres ng hapon para hintayin ang takipsilim.

Takipsilim lang ang masasabi kong magandang pagmasdan. Kahit na sinasakop na ang buong paligid ng kadiliman, masarap pa rin sa pakiramdam na kahit mawawala pansamantala ang sikat ng araw, sa umaga ay babalik pa rin ito na may hatid na bagong saya.

Nagdadala ako palagi ng papel at lapis at saka mga krayola sa tuwing pupunta ako rito sa bakuran. Bawat araw nakakagawa ako ng isang saknong, gusto kong makagawa ng isang tula patungkol sa paglubog ng araw kung gaano kaganda ang ganitong klase ng paglubog.

"Enna...anak," mahina pero umalingawngaw sa buong paligid ang boses ni Sister Grace hanggang ditosa pwesto ko.

"Po," balik sigaw ko lang at saka iwinagayway ko ang aking kamay sa ere para makita ako.

"Kanina ka pa namin tinatawag nandito ka lang pala." ani Sister Grace na bahagyang nakaramdam ng hingal dahil siguro sa malayo-layo ang distansya nito sa ampunan.

Mga na sa apatnapu't-isang taong gulang na itong si Sister Grace. Siya ang pangalawa sa may edad na rito sa ampunan. Ang may ari kasi nitong ampunan ay si Sister Annie pero ngayon syempre wala na si Sister kaya iba na ang nagsisilbi rito sa apunan.

Imbes na sagutin si Sister Gracesinimulan ko na lang ligpitin ang dala-dala ko palagi ritong papel at lapis at saka nagbabalak ng tumayo para makabalik na sa bahay ampunan kasama siya.

"Ikaw pa naman mag-isa rito Enna, bakit ba kasi hindi ka nakipaglaro sa kanila ni Aurora kanina?" walang tigil na tanong ng ginang kahit na na sa tarangkahan na kami nitong ampunan.

"Hapon na kasi sister, baka hindi ko maabutan ang paglubog ng araw." paliwanag ko naman kahit na deretso lang ang tingin ko papasok ng asilo.

"Talagang nahuhumaling ka riyan Enna, wala namang masama sa pag-aantay ng takipsilim sa akin lang ay...baka hindi ka na nakikipaglaro sa ibang bata para lamang sa ganyang bagay." sinasarhan na ni sister ang pinto't bahagyang nagbitiw ng hininga. "Marami ka pang kailangan kahumalingan anak, una na roon ang pakikipaglaro mo sa kapwa bata. Baka kasi, hindi mo malubos ang pagiging bata kung ikukulong mo ang sarili mo sa magandang tanawin na 'yon."

Hindi ko na maiwasang hindi tignan sa mata si Sister, "pero sister,"

"Enna, hindi sa pinagbabawalan kita. Pero...kahit minsan lang ay makipaghalubilo ka sa ibang bata, gumawa ka ng mga bagay na hindi mo nagagawa." mahabang pahayag sa akin nang ginang. Nararamdaman ko ang mga salita ni sister, parang pinapaintindi niya sa akin kung ano ang mga hindi ko pa nagagawa maliban sa pagtanaw sa papalubog na araw.

"I can't promise for now sister, parang parte na ng buhay ko ang sunset. Pero I will try my best para makipaglaro sa ibang bata." I smiled to sister Grace, iyong ngiti na totoong-totoo.

Ginulo-gulo bahagya ni sister ang aking buhok. Bigla namang tumunog ang aming kampana na hudyat na alas sais na pala ng gabi. Kaagad kong inabot ang kamay ni sister na nakapwesto na sa harap ko para magmano.

"Bless you Enna," malumanay na tugon sa akin ni sister. Nag-iba naman ang mukha ni sister nang may naalala siya. "Oo nga pala Enna, may bisita tayo simula bukas. Mga bagong lipat salta rito sa baryo natin---mayayaman. Nag-alok na pupunta sila rito sa ampunan mga dalawa o tatlong beses sa isang linggo, dadalo sila rito at magpapakain." nakaramdam naman ako ng kagalakan, kasi ngayon lang kami makakaranas na may pupunta at magpapakain, baka noon mayroon din pero sa tagal ko na rito, wala pang ganoon.

"Kahit hindi ka magsalita Enna, alam kong masaya ka. At baka mas lalo ka pang sasaya dahil may anak silang kaedad mo lang at baka magkakasundo kayo." ang kaninang saya ngayon ay napalitan ng kaba.

"Huwag kang mag-alala Enna, mabait ang anak nila, at palakaibigan. Sigurado akong magkakasundo kayo. Oh sige na, punta na tayong kusina baka kanina pa nila tayo hinihintay." hinawakan ni sister ang kamay ko para samahan na sa kusina. Tama nga siya at kami na lang ang hinihintay.

Lumapit ako sa iba pang sisters, "mano po sister Ave," nagmano naman ako at saka nagsalita sila ng 'bless you'. "Sister Tanya mano po." si sister tanya ang pinakabunso sa lahat ng sister at siya rin ang pinakamaamo ang mukha.

Matapos akong nagmano pa sa ibang sister ay inalalayan na ako ni sister Grace sa gripo para maghugas ng kamay. Nang matapos maghugas ay tinungo ko na ang pwesto ko sa mataas na mesa rito sa ampunan.

"Enna, pasensya ka na ha, kung hindi kitan nabalikan doon. Nakita kasi ako ni Sister Ave, pinapasok na ako kaagad dito." paghingi ng paumanhin ng katabi ko sa pagkain.

"It's okay Aurora, I'm fine. Sinundo naman ako ni Sister Grace ro'n." tugon ko sa kanya.

"Ayan ka na naman sa ingles mo Enna, hindi kita maintidihan. Ang naintindihan ko lang ay sinundo ka ni sister Grace." nagkamot siya ng ulo dahil siguro sa lenggwaheng nasabi ko.

Nagyuko na lang ako para ipakitang wala akong maisagot pa, nilapitan naman ako ni sister at tinapik sa likod. "Kain ka na Enna," ani sister Grace at nginitian niya ako.

Ngumiti rin ako kay sister Grace. "Opo,"

Habang kumakain naiisip ko ang nasabi ni Sister Grace sa 'kin na bukas may bisita. At iyong anak nila na maaring maging kalaro ko.

Tinignan ko naman bahagya si Aurora na tahimik ding kumakain napansin niya na nakatitig ako sa kanya kaya nginitian niya ako, nginitian ko lang din siya. Sinuyod ko rin ang buong mata ko sa mga kasamahan ko rito sa bahay-ampunan.

Naiisip kong...sa dami namin dito, bakit kaya hindi ako nakikipaglaro? Naninibago ako sa pananalita ko, nakakapagsalita ako ng ingles kahit hindi pa ako nag-aaral.

Nang natapos kaming kumain ay oras na para magdasal at matulog. Kinuha ko ang papel ko kanina at tinignan ang isang saknong na naisulat ko ngayong hapon.

May 23, 20** 
- a dusky place that makes my heart jump, everytime I see that the sun goes down.

Noted. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rays in the Dusk (TAGALOG)   KABANATA 2

    Kabanata 2"Enna, nasabihan ka na ba ni Sister Grace tungkol doon sa bisita bukas? Sana makalaro natin siya 'no?" kausap sa akin ni Aurora nang naghahanda na kami sa pagtulog."Yes," maikli ko lang na tugon sa kanya.

  • Rays in the Dusk (TAGALOG)   KABANATA 1

    Kabanata 1 -Ten years ago...

  • Rays in the Dusk (TAGALOG)   SPECIAL SCENE

    Special SceneI feel something strange today, parang may pumipiga sa utak ko. Sobra-sobra ang sakit na iniinda ko, mukhang ito na yata ang nakukuha ko sa labis na pag-inom nitong mga serbesa. Pero sabi kasi nila hindi naman daw ito nakakasama, pero anong nangyayari sa akin ngayon? Bakit ang sakit?

  • Rays in the Dusk (TAGALOG)   SYNOPSIS

    SynopsisAn orphanage with hundreds of children. I am one of them, I'm not ashamed of being an orphan girl, because being with them is the most memorable moments in my life. Pero sa dinami-rami ng mga kasamahan ko sa ampunan, may iisang bata na lagi kong kalaro sa bawat pagbisita nito sa ampunan;St. Therese Orphanagemanaged by Sister Annie.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status